EU's POV
"Bebe girl..."
Lumapit yung lalaking nasa likod ko kay Axi.
"O, andito pala ang soon-to-be husband mo."
Tumingin sakin yung 'bebe boy' na yun saka ngumiti. Asar! Akala ko wala talagang boyfriend tong si Axi! Asar naman talaga oh! Saka alam pa ng lalaking yun ang tungkol sa kasal namin. Pero bakit...parang tanggap nito yun? Baliw ba siya? Ikakasal ang babaeng mahal niya pero....AHHHH ano ba yan!
Nang makaalis na sila, oo, after Axi snorted at me, tulala muna ako saka naglakad na rin paalis. Sabihin ko kaya kay Daddy ang tungkol sa boyfriend ni Axi? Tutal kaya nga ako nabawian ng kotse dahil sa pinalabas ni Axi na may iba akong babae bago ang marriage namin. Kaya makakaganti na rin ako sa kanya BWAHA--
Naputol ang pagtawa ko nang may nakabangga ako. Actually parang di naman bangga na acidentally yun. Parang sinadya.
"What the! Tumingin ka nga--"
"Hey dude. Sinadya ko talaga yun. Para ka kasing wala sa sarili mo. Anyways, may gusto lang akong sabihin sayo."
Si 'bebe boy' pala. Psshhk! Tumango lang ako.
"Im Avett nga pala. Axi's boyfriend."
"Euhicco Zap The Great. Axi's fiance."
Sorry, di ko nakaya. Ang angas kaya ng tono niya ng 'Axi's boyfriend'! Eh di angasan ko rin ang sakin. MAy 'The Great' pa di ba? HAHAHAHA
Nagulat ako nang tumawa lang ang Avett ungas na iyon.
"C'mon dude, no need to be arrogant. Kilala kita. Yeah right, Euhicco Zap The Great kasi yono, matinik ka sa mga babae but there's one thing i wanted to be clear with you."
Hinawakan niya ako sa kwelyo nun.
"DONT.EVER.MAKE.AXI.BE.JUST.ONE.OF.YOUR.GIRLS. Cause you dont know how extraordinary she really is. DONT.HURT.HER. If you still haven't found out what her true worth is. Panalo ka ngayon. Pero i tell you, patayan talaga tayo pag pinaiyak mo si Axi. Mahal na mahal ko yun at sigurado akong ngayon, di mo pa naiintindihan yun kasi di mo alam kung pano magmahal."
Ngumiti ulit siya sakin. Ano ba to! Para siyang bakla pero putting that aside, his words struck me. Oo nga, i've never fell in love. Ewan.
"Bibitawan ko siya ngayon. Hindi dahil ayoko na o dahil titigil na ako. Pero dahil gusto ko lang makita kung saan siya kakapit. Kasi kung ipagpapatuloy ko pa to, mas mahihirapan lang siya. Ako na tong nagparaya kaya kung malalaman kung sinuway mo ang mga bilin ko sayo, kukunin ko talaga siya sayo. No matter what. Ang swerte mo, pare."
Teka, dalawang beses na akong nasabihan na maswerte ako kay Axi ah! Tsk! Pero nagulat ako nung malungkot siyang yumuko. Minsan lang ako makakita ng same sex ko na nainlove. Si Jaice, pero mas madalas ko siyang nakikitang nagiging pilyo sa mga babae pero itong ungas na to? Ewan pero mahal na mahal niya talaga si Axi...
"Sige thanks for the time, dude. Pasensya kung nagdrama ako. Basta ha? Yung sinabi ko sayo. Aasahan kita bukas."
Tumakbo na siya palayo pero may sinigaw siya, "Magdala ka ng maraming tissue bukas! Di mo malalaman kung kailan siya iiyak kasi tough ang isang yun eh! Ge!"
Ano daw?!