EU's POV
"Bebe girl..."
Lumapit yung lalaking nasa likod ko kay Axi.
"O, andito pala ang soon-to-be husband mo."
Tumingin sakin yung 'bebe boy' na yun saka ngumiti. Asar! Akala ko wala talagang boyfriend tong si Axi! Asar naman talaga oh! Saka alam pa ng lalaking yun ang tungkol sa kasal namin. Pero bakit...parang tanggap nito yun? Baliw ba siya? Ikakasal ang babaeng mahal niya pero....AHHHH ano ba yan!
Nang makaalis na sila, oo, after Axi snorted at me, tulala muna ako saka naglakad na rin paalis. Sabihin ko kaya kay Daddy ang tungkol sa boyfriend ni Axi? Tutal kaya nga ako nabawian ng kotse dahil sa pinalabas ni Axi na may iba akong babae bago ang marriage namin. Kaya makakaganti na rin ako sa kanya BWAHA--
Naputol ang pagtawa ko nang may nakabangga ako. Actually parang di naman bangga na acidentally yun. Parang sinadya.
"What the! Tumingin ka nga--"
"Hey dude. Sinadya ko talaga yun. Para ka kasing wala sa sarili mo. Anyways, may gusto lang akong sabihin sayo."
Si 'bebe boy' pala. Psshhk! Tumango lang ako.
"Im Avett nga pala. Axi's boyfriend."
"Euhicco Zap The Great. Axi's fiance."
Sorry, di ko nakaya. Ang angas kaya ng tono niya ng 'Axi's boyfriend'! Eh di angasan ko rin ang sakin. MAy 'The Great' pa di ba? HAHAHAHA
Nagulat ako nang tumawa lang ang Avett ungas na iyon.
"C'mon dude, no need to be arrogant. Kilala kita. Yeah right, Euhicco Zap The Great kasi yono, matinik ka sa mga babae but there's one thing i wanted to be clear with you."
Hinawakan niya ako sa kwelyo nun.
"DONT.EVER.MAKE.AXI.BE.JUST.ONE.OF.YOUR.GIRLS. Cause you dont know how extraordinary she really is. DONT.HURT.HER. If you still haven't found out what her true worth is. Panalo ka ngayon. Pero i tell you, patayan talaga tayo pag pinaiyak mo si Axi. Mahal na mahal ko yun at sigurado akong ngayon, di mo pa naiintindihan yun kasi di mo alam kung pano magmahal."
Ngumiti ulit siya sakin. Ano ba to! Para siyang bakla pero putting that aside, his words struck me. Oo nga, i've never fell in love. Ewan.
"Bibitawan ko siya ngayon. Hindi dahil ayoko na o dahil titigil na ako. Pero dahil gusto ko lang makita kung saan siya kakapit. Kasi kung ipagpapatuloy ko pa to, mas mahihirapan lang siya. Ako na tong nagparaya kaya kung malalaman kung sinuway mo ang mga bilin ko sayo, kukunin ko talaga siya sayo. No matter what. Ang swerte mo, pare."
Teka, dalawang beses na akong nasabihan na maswerte ako kay Axi ah! Tsk! Pero nagulat ako nung malungkot siyang yumuko. Minsan lang ako makakita ng same sex ko na nainlove. Si Jaice, pero mas madalas ko siyang nakikitang nagiging pilyo sa mga babae pero itong ungas na to? Ewan pero mahal na mahal niya talaga si Axi...
"Sige thanks for the time, dude. Pasensya kung nagdrama ako. Basta ha? Yung sinabi ko sayo. Aasahan kita bukas."
Tumakbo na siya palayo pero may sinigaw siya, "Magdala ka ng maraming tissue bukas! Di mo malalaman kung kailan siya iiyak kasi tough ang isang yun eh! Ge!"
Ano daw?!
AXI's POV
Sobra-sobra ang ngiti ko ngayon. Nakakakilig naman kasi yung last message sa akin ni bebe boy ko kagabi eh. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Hehe pano ba? Eh umiibig eh.
"Matulog ka na. Baka bukas....mahal pa rin kita <3" EEEEHHH kakakilig talaga!
"Psst! Aximiana Lye! Hoy!"
Napatingin ako sa sumisitsit sa akin. Si Satyana lang pala. Pero kung makasitsit parang tulisan.
"O bakit? Saka bakit ka sumisitsit? Ang ingay dito sa corridor oh. Pero ikaw sumisitsit. Bakit ba?"
"W-wala." Tumingin siya sa likod ko tapos namutla siya bigla.
"Wala? Eh namumutla ka eh. Abnormal ka ba? Bakit ba?"
Tumingin ulit siya sa likod ko saka namutla pa ng sobra-sobra. Matingnan nga!
"Axi! W-wag..kang l-lilingon.." Hinawakan nya ang mukha ko para di ako makalingon pero..
"Teka nga! Ano ba to! Gusto ko lang makita yung nasa likod ko para malaman ko kung bakit ka namumutla. Ayokong mag-isa ka no! Gusto ko ako rin mamutla sabay-sabay tayo di ba?"
Tinanggal ko yung kamay niya sa mukha ko saka, tumalikod talaga ako at...yun oh!
AHFVDHSJVFDUIGBIDHEWIOP?!
Namutla rin ako. Lahat yata ng dugo ko sa katawan hinigop ng hangin. Ang sakit brad....a-ang s-sakit...
"Ahhh si b-bebe boy ko pala at....wow! Kiss! Pasali naman oh!"
"A-axi...."
"Okay lang ako Sat..ano k-ka ba..."
"H-halika na..late na tayo."
"T-teka..cr muna ako ha? Magreretouch. Eto, naubusan ata ako ng dugo."
"A-axi, okay lang na umiyak."
"Nah! Ako iiyak? Di noh! Magreretouch lang talaga."
Ngumiti ako sa bestfriend ko saka naglakad na ako papuntang ladies room at dinaanan ko pa yung nagkissing scene sa corridor. Wala. Daan lang. Di naman ako masyadong war freak noh. Nakita ko pang tumigil si Avett at tiningnan ako pero di na ako lumingon. Tangeks ako noh? Bat pa kasi ako lumingon nun. Sabi ni Satyana wag daw pero usisera tong Lola nyo eh kaya ito...awwwts!
Nung nakapasok na ako sa comfort room, huminga lang ako ng malalim saka bumilang hanggang 100. Tapos nagretouch saka lumabas na.
Pero wala na yung nagkissing scene sa labas. Wala na si Avett. Kokomprontahin ko pa naman siya. Ayoko ko kasi ng ganito. Gusto ko mapag-usapan na agad para walang asahan. Mas masakit kung ganon. Tama naman yung sabihin na lang nya na "Axi, ayoko na sayo kaya tigilan na natin ito. Goodbye." sabay hug pero yung magising ka na lang isang araw at makita mo siyang may kahalikang ibang babae, ano yun? Harap-harapan talaga?
Hindi naman ako bobo. Alam kung sinadya nyang doon sila maghalikan. Sa mismong Tourism building talaga? Eh, Nursing ang taong yun eh saka yung babae naalala ko, HRM student yun. Kaya sigurado akong tinatarantado ako ni Avett. And its really NOT him. He's up for something, i know. Hindi ako boblaks para di malaman yun. I know him so much...
"Aximiana!"
Napalingon ako sa likod. Eto na naman yung 'lingon' thing eh! Pagingon ko, sana hindi na nga lang. Bwiset!