Chapter 14: In the Mall
Agad akong pinagbuksan ng pinto ng kotse ni Gugi.
Bumaba nalang ako habang nakashades at marahang tinungo namin ang Entrance ng Mall.
"Your welcome to our Mall Sir Montenegro...." at tumingin ang lalaking nakashades sa saakin "And for you little sweetheart" sabay ngisi saakin ng napakalapad
Biglang uminit ang buo kong mukha dahilan sa galit ko sakanya!
Sasagot pa naman ako sana nang bigla akong hinila ni Gugi
"Halika ka na nga!" sabay hablot sa aking kamay. Gusto ko sanang pagalitan ang lalaking iyon pero di ko magawa dahil sa lintik na lalaking ito
"Ano kaba, bitawan mo nga ako...." pilit akong kumakalas sa kanyang pagkakahawak pero ayaw nya akong bitawan
"Ano ba! Uuwi na ako! Ano ba kasing ginagawa natin dito? Marami pa akong gagawin sa bahay....may trabaho pa ako sa iyong restaurant! Naiintindihan mo ba ako!" buong pwersa akong kumalas sa kanyang pagkakahawak
"Nagagalit ka kasi may gusto ka sa lalaking nagwelcome sayo? Papatulan mo sya?" galit nyang sabi
"Nagkakamali ka ng akala dahil never akong pumapatol sa lalaking nambabastos saken. Hindi ka ba nag-iisip?" taas ko ring tono
"Tssss......walang pinagkaiba ni Apple" tinalikuran nya ako "Ganyan lang talaga kayong mga babae. Sa bagay, si eva ang nagbigay ng mansanas kay adan" huminga sya ng malalim at tyaka ako tinignan "Diba?"
WAPAKKK....
Nagulat ako sa aking ginawa
"Gugi...." napatingin ako saaking kamay na kanina'y nadampi sa pisngi nya
"I-i'm so-sorry" tumungo nalang ako
Hindi ko namang sinasadyang masampal sya. Seguro dahil lang iyon sa sobra kong galit sa pinagsasabi nya tungkol saaming mga babae. Kahit kailan hindi ako gumagawa ng mga ganung bagay tulad ng nasa isip nya. At tyaka, hindi naman iyon konektado sa mga bagay na pinag-usapan namin kanina
"Haha, Okay lang yun....pasensya na sa pinagsasabi ko" at ngumiti sya
0___0 baliw ba sya?
"Gugi, ano bang nangyayari sayo? Ano bang nakain mo't nagkakaganyan ka?"
"Huwag kang mag-alala, buhay pa ako't humihinga. Mas mabuti pa ay kumain na muna tayo" lumakad sya saakin papalayo
Nakakainis! Kung di lang dahil wala akong pamasahe ngayon, kanina ko pa tinakasan ang kumag na ito. Nakakayamot, kung anu-ano na ang pinagsasabi! Seguro natauhan sya sa sampal ko. Graveh, effort ko rin kaya yun. Hayyy....Para na akong baliw na kinakausap ang aking sarili
"Teka Gugi, hintay!" at hinabol ko sya. Tahimik syang naglalakad hanggang nakarating kami sa isang restaurant sa loob ng Mall. Napatingin ako sa taas upang basahin kung anong pangalan ng Restaurant
"Montenegro's Restaurant? Teka, inilipat nyo dito ang resto nyo? Pano na yan, dito na ako magtatrabaho?" kunot noo ko tanong sakanya
"Hindi. Maraming branches ang resto namin in the whole country. Almost 300 branches na ang naipatayo ng pamilya namin" walang gana nyang sagot
"Ahhh....akala ko nagpalit kayo ng pwesto kaya mo ako dinala rito sa mall..." at pumasok na kami sa loob "Speaking of mall, bakit mo nga ba ako dinala dito? Dahil ba sa ipinagmamalaki mo saakin ang rami ng negosyo nyo?" tanong ko
"Actually hindi....." tinawag nya ang waitress
"Miss.... Lahat ng pagkain na masarap ang ihain mo. Alam mo naman kung ano ang paborito ko Diba?" utos nya at agad namang sumunod ang waitress sakanya
BINABASA MO ANG
Amalayer [on-going]
Romancethe girl who does everything.....and have a past.....afraid to love again But with a sudden events....her life changes and become "AMALAYER" anobayan...hindi ko alam kung paano gumawa ng intro... basta yun na yun hwehehehehe...patawad