Chapter 3: My New Classmate

65 6 1
                                    

Chapter 3: My New Classmate

KNOCKKNOCKKNOCK

“ anak gising na first day of school mo ngayon sa fourth year. Nandyan na si Darene sa labas, hinihintay kana.” Tawag ni mama

“ ma, mamaya na. extend ng 1 hour,” sabay talukbong sa kumot

“ anak! Wala tayo sa internet café! Kaya gumising kana dyan kasi baka malate ka sa school”

“ 2 hours extension po” at ipinikit ko ang mga mata ko

Simula non ay hindi ko na narinig si mama nagsalita. Buti nalang enextend nya ng two hours ang tulog ko. Puyat kasi ako kagabi sa kanonood ng coronation night ng miss universe. Sayang,dahil hindi na miss universe si Janine. Grabe ! rinig na rinig ko ang mga sigaw ng mga beki sa labas at ang iba pa ay nagwawala dahil hindi nanalo si Janine. Hay ! ewan ko ba kung bakit pero we have to respect the decision of the judges.

“GISINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG”

“AY PUSA! “ muntik akong mahulog sa kama ko dahil sa gulat. Akalain nyo ba namang sigawan ka sa tenga ng malakas habang mahimbing ang tulog mo?

“ sorry bestpren ha? Ayaw mo daw kasing gumising sabi ng mama mo”

“ sino ba namang hindi magigising sa ginawa mo?” sabi ko habang kinukuskos ang mata

“ aahahahaha, marami kapang panis na laway! Ahahaha”

WAPAKKKK

“ aray ko po” sabay himas sa kanyang ulo “ansakit nun”

“buti nga sayo! Alis ka na nga dyan at maliligo pa ako

“grabe ka bestpren . kung makasapak, wakas!” hindi ko nalang sya pinansin at naglakad papuntang CR. 

Tinignan ko kung natulog pa ba si melisa pero Umalis na pala papuntang school. 

Gusto daw nya ng maaga para mag kaaward ng most punctual. Naligo nalang ako, nagtoothbrush at nagbihis tapos kumain. Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam nalang ako kay mama.

Sasakay nalang kami ng tricycle papuntang tween academy dahil si papa ay may pupuntahan daw na importante tungkol sa trabaho. Kasama ko ngayon aking bestpren na si Mary Darene Bugahod. Actually, kababata ko sya. Una kaming nagkakilala noong grade 1 tapos naging bestfriend agad.

 Alam nyo napaka talented na bata talaga. Marunong kumanta, magdrawing, expert sa pagtugtog ng instrumento tulad ng gitara, maganda at Mabait kaya nga lang parang ewan minsan tulad kanina nung sinigawan nya ako.

Sabi nya na yun nalang ang way para magising ako. Kasi nga daw mahirap daw akong gisingin at ginawa lang nya yun para hindi kami malate sa school. Palagi talaga kami magsasama nyun kapag papuntang school kasi daw matatakot syang kidnappin dahil uso na daw yun ngayon. Palusot lang yan, alam ko namang namiss lang nya ako alam ko namng hindi nya ako matitiis ^_^

“manong, sa tween academy po” at sumakay na kami sa tricycle. Maya maya pa ay nakarating narin kami

“ dito kayo sumakay?” tanong ng manong

“ saan pa po ba? Naku manong, alangan naman po na doon sa iba.” pamimilosopo ni darene sa driver

“ dito lang kayo sa tween academy?” tanong na naman nito

“ alangan naman sa afrika, malayo po yun!” sagot na naman ni darene kaya siniko ko sya. Ako nalang ang magtatanong sa driver hindi naman kasi seneseryoso

“manong driver, magkano po sa tween academy?” tanong ko sa manong driver

‘ bakit bibilhin mo?” sagot naman ni manong driver. Aba, ako pa ang pinilosopo nito! Hindi ko nga sya inaano. 

Amalayer [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon