Chapter Two

2.3K 50 19
                                    

-Sinehan Disaster-

*Puk* *Pak*

"Aray! Bessttfriiiennddd! Sorry na nga eh!" Kanina pa ako nagsosorry kay chloe kasi nga late ako. Di ba sabi niya paglate ako masasapok ako. Ginawa talaga niya plural pa nga eh, bait ni Beshy. Baka mawala neurons ng brain ko. Wait! Meroon nga ba ako nun? Aish! Baka maalog utak ko mamaya maging brainless, mahirap na.

"Nanadya ka ba? At talagang pinaghintay mo ako ng mahigit isang oras ah! Nagmumukha tuloy akong iniwan ng boyfriend dito! Mahirap ma expose Bes! Alam mo namang maraming nagkakandarapa sa gandang face ko na to! Maganda ako masyado baka halayin ako ng mga --" Daldal ni Chloe Mae. Di ko na siya pinatapos ng sasabihin. Magiging SONA ang dating ng shot gun na bunganga niya eh. Naman!

"Chloe! Iniba mo na topic eh. Pinupuri mo na ang sarili mo imbes na sermonan ako! Sermon nalang para masmasaya. Walang pang halong biro, di naiwasan mong magsinungaling! Baka sipain ka palabas ng Heaven edi sabog ang mukha mo. Sige ka!" Sabi ko sabay taas ng daliri at nag-act na parang sinasabing 'Lagot ka'. May kasamang 'tsk tsk' at rotate ng ulo from left to right. Nakakadismaya ka Beshy.

Nag-iisip ako ng magandang gawin para maliwaliw itong si Chloe. Bago kami manood dapat meroong pampalakas at pampagana. Kaya naisipan kong "Bes! Tara kain na tayo gutom na me!" 12 naman na. Kahit kakakain ko lang kanina, gutom na ako. Kinaladkad ko na siya kaagad. Mamaya magreklamo pa ito.

Maraming pagkainan dito pero napadpad ang paa ko sa tapat ng Mcdo. Hindi ako nagsasawa dito. Nagliwanag na naman ang sikmura ko. Hohoho. Papasok na sana kami kaso nahagip ng mata ko ang isang rebulto.

"Chloe magpapicture tayo kay Michael-Jackson-Raindeer-Version-Lampas-Lipstick-Clown! Dali na!" Masayang masaya ako at nakita ko nanaman ang childhood sweetheart ko na si MJRVLLClown. Yinakap ko ito at hinalikan sa cheeks. Bwihihi.. "Namiss mo ba ako?" Nakasmile talaag siya ng todo! Naku! "Wah! Ako rin namiss kita" saka ko ulit ito yinakap na parang wala nang bukas.


Naramdaman ko ang sulyap ng mga tao. Tss, ayan na naman sila. Kung gusto nila magpa autograph lumapit sila hindi yung titigan nila ako. Palagi naman eh. Mahirap ng maging sikat....

Kinakalabit ako ata ni Chloe. Dahil hindi ko sure, hinawakan ko ang kamay niya at hinila paharap sa akin. Oh, si Chloe nga. Tiningnan ko siya sa mata at binigyan ng bakit-mo-ako-kinakalabit-busy-ako-look at sinuklian naman niya ako ng pinagtitinginan-na-tayo-tara-nalang-sa-loob-look. Sumaludo ako sa kanya sabay tayo at nagbabye na kay MJRVLLClown sweetheart.

Nang makapasok na kami naghanap na ako nang mauupuan samantalang si Beshy eh nag-order. Automatic routine na iyon. Alam niya ang gusto ko sa love ko.


*Tingin Tingin* Wala. Punta sa Right corner. Wala. Left. Wala. Napadpad sa gitna "AHA! Ayun!" Sabay turo sa bakanteng upuan located kung saan ako nang galing nung una kong apak sa Mcdo. Wah! Andyan na pala ang hinahanap ko ginawa ko pang complicado ang buhay ko, ayan tuloy napagod lang ako..(^_^;)

Nagsitatalon ako sa gitna ng fastfood chain.

Saka ko lang napagtanto nakatingin na pala ang maraming pares ng mata sa akin. Kahiya ako naibuga ba naman ng bibig ko yun. Kaya Nagpeace sign ako sakanila at nagsimulang umupo sa aming pwesto.

Habang naghihintay ako. Mayroong mga nagsusumbatan na couples ata? Nasa kabilang table sila. Bale katabi ko lang si Ate. Malapit sila sa glass window, dungaw mo ang mga taong naglalakad sa mall. Sobrang lapit lang nila kaya naririnig ko di lang ako pati sa kabilang baryo. Malakas eh. 'Di ako likas na chismosa pero dahil 'di exciting ang buhay ko kung walang chismis, nakinig ako.

Ang Inosenteng TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon