- Warm Hugs-
*BBEEEEPPPPPPPPPP*
Namalayan ko nalang ang sarili kong nasa kalsada. My eyes widened with fear ng napansin ko ang isang truck papalapit sa direksyon ko. Ang drayber ay abala sa pagp-preno dahil mukhang sira ang brake dahil hindi niya mapatigil.
Sinubukan kong gumalaw. Sumigaw. Pero parang yelong ayaw tumunaw ang katawan ko. I was shocked and I can't decipher what to do. Parang nagkaroon ng ugat ang mga paa ko kaya di ako makahakbang.
Napapikit ako sa ilaw na natatamasa ng mata ko.
Pwede ko pang mailayo ang sarili ko pero pinili kong manigas dito. Para narin akong naghihintay ng kamatayan ko basta ba kulay pink ang kabaong ko.
Sa kakaisip ay napunta ako sa isang app na linalaro ko sa iPad, na tamang tama lang sa sitwasyon ko.
Then a song started to play inside my head.
Dumb ways to die~
So many dumb ways to die~
Dumb ways to die-ie-ie-ie~
So many dumb ways to die
At talagang dumb pa. Tss.
Before I knew it, isang malakas na pagbangga ang narinig ko, 'Screeeeeccchhhhhh' sabi nito. Ang ilan sa mga taong dumadaan ay sumigaw sa pagkabigla.
Samantalang malakas na tumama ang likod ko sa malamig na cemento. Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa isang matigas na bagay...
"Oh sht, idiot muntikan ka na..." Sambit ng isang nilalang gamit ang naf-frustrate na boses.
Pagka-pagkarinig ko ng boses niya ay napataas ang kilay ko. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Idagdag mo pa ang muntikan kong pagkasagasa. At sa araw na ito ay nailigtas ako ng dalawang taong magkaibang magkaiba.
Hawak hawak niya ang ulo ko kaya hindi ito tumama sa pathway ng kalsada. Naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko kaya automatiko kong linakbay ang mata ko sa itsura niya, pagkakitang pagkakita ko ay tinulak ko siya paalis sa posisyon na yun. "Alis!" Sino bang hindi maiirita kung nasatuktok mo siya at ang lapit ng gwapo niyang mukha.
Nagpagulong siya sa tabi ko.
"Aray!" Sambit niya. Tumama ang kamay niya sa styrofoam, anong masakit dun? Mayganang pang umarte ang isang to.
Tumayo ako para tignan ang mukha niya. Nakapikit siya ng mariin at napapasigaw sa hapdi na nararamdaman niya, patuloy lang siya sa pag-awit ng sakit ng binatukan ko na. "Di ba kamay ang tumama sayo? Paano at bakit ang tyan ang iniinda mo, aber?" Napatigil siya at pasimpleng sumilip sa akin, nang namataan na nakatingin ako ng diretso sakanya ay pumikit ulit at nagkunwaring masakit talaga, ngayon ay ang kamay na niya ang hawak hawak.
"ARAY! ARAY! ARAY!" Tugon niya. Sinilip muli nito ang reaction ko pero agad na pumikit sa pagkabigo ng nakita niyang wala akong pake.
"English naman, kaumay ng tagalog mo"
"OUCH! OUCH! OUCH!" Napafacepalm ako sa ginawa niya. Sinunod ba naman ang sinabi ko. At mas-OA na ngayon ang pag-aarte niya.
Dahil sa inis ko sa ginagawa niya ay tumayo na ako. Badtrip parin ako sa kanya dahil sa mga nangyare. Pero...
Hindi ka naman niya obligasyon para iligtas ah?
Sabi ng isang cell sa utak ko. Napakamot ako sa ulo. Oo nga't ganun pero masama bang mag-assume na siya ang makikita ko dahil siya lang naman ang ang isa sa dalawang taong kilala ko? Maypoint naman si little cell pero bakit parang kalahati ng katawan ko ay nadissapoint?
BINABASA MO ANG
Ang Inosenteng Tanga
Teen FictionSi Kitchni ay isang babaeng hindi mo aakalaing tao pala, pinanganak na walang common sense, matatangay ka pa sa lakas ng hangin niya, at nasobrahan ng ka-inosentehan na minsan ang sarap ng pukpukin sa ulo. I sang araw, pina...