Chapter Thirteen

502 14 0
                                    

-Kaya naman pala-

"Miss?"

Bigla akong napamulat dahil sa tinig niya. Akala ko anghel ang nagtawag sakin 'yun pala taong mukhang anghel lang. "Huh?" Pinunasan ko ang tumigas na luha gamit ang braso ko. Medyo nakalayo na kami sa mga tao, kaya ang tahimik ng mga puno.

He smiled. Nakakalaglag pant-- ngipin. Oo, ngipin. Swear! Ang gwapo. Magagandang mata, maliit ang ilong, kissable lips, makapal ang kilay, ang haba ng pilik mata, stong jawline, kasing puti ng gatas, at nakataas ang medyo brown na buhok ng parang astroboy ang haircut, so in short- gwapo.

Naramdaman ko ang matigas na kahoy, inilapag niya ako sa isang bench. Ngayon ko lang napansin dahil syempre whole body na... Maliit siya. Hihihi. Ang cute! Kung 5'4 ako siya mga nasa 5'7 (kung itatabi mo siya sa mga ibang lalaki para siyang unano XD)

Mukha siyang prince. He saved me. Maliit siya. So, yeah, sa utak ko tatawagin ko siyang Little Prince Charming. Hindi na iyon ipagkakaila mukha naman siyang prinsipe sa mukha pati actions.

Biglang natense ang katawan ko ng inayos niya ang buhok ko at inilagay sa tenga. "Ang ganda mo pala" Ewan ko pero natatameme ako sa sinabi at inasal niya. Pero kasi first time na maynagsabing maganda talaga ako kahit alam kong Dyosa ang totoo. "Ano ulit?"

Masarap lang talaga pakinggan na maypumupuri sayo kesa sa nanay, lola, o mismong sarili mo. Kahit minsan alam mong loko lang, katuwaan lang hindi mo naman mapipigilang isipin na ba't sa rami ng bola ay yun pa ang sinabi? Ba't sayo pa? Yun ba ang impresyon nila? Kahit trip trip lang eh, hindi mo nalang namalayan na umiiyak ka na ng rainbow sa utak mo, hindi sa lungkot pero dahil sa tuwa. Don't get me wrong ha, yan ang tingin kong iniisip ng iba dahil ako alam kong hindi loko ang ganda ko.

Ngumiti na naman siya at duon ko nakita ang dimple niya. Omy! Masnakakadagdag ng appeal, ang sarap titigan. "Sabi ko ang ganda mo"

"Pakiulit ulit"

Hay nako! Maydumadamba na naman sakin.

Bigla niyang pinisil ang pisngi ko while chuckling, even his voice is soothing, nakakarelax, ang sarap pakinggan. "Hindi ko na uulitin. Makinig ka kasi sa susunod" he chuckled once again. Pinanood ko lang siyang ganun, gandang lalake talaga. Tss.

Nakakapagtaka at hindi siya nad-diskubre ng mga Star Quest or something. Masgwapo pa ito kesa sa mga kasalukuyang artista ngayon. Basta ba lagyan nila palagi ng takong ang sapatos niya para hindi siya ma-OP sa height.

Later, he held out his hands. Nagtaka naman ako. Is he asking for me to dance with him? Di ba ganun naman yun? Wala namang tugtog ah tsaka ambilis naman niya. Crush na ba niya ako? Hihi. "Hala! Di ako marunong sumayaw baka maapakan ko lang paa mo"

Nagprom na ako last year pero walang sumayaw sakin =__=. Straight body with matching kindat kindat pa ako, kaso wala talagang naglahad ng kamay. Ang bestfriend ko pinag-agawan ako? Nganga. Kaya inisip ko nalang na natatakot lang silang mahawakan ang mala-porcelena kong balat.

He suddenly pinched my poor nose. Ouch. "No silly. Hindi ako nag-aayang sumayaw. I just want you to hold my hand..." Ipinatong niya ang napinturaan kong kamay sa malinis niyang palad. Cliché man pero maykung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. "Squeeze it tight..." Siya ang unang pumisil kaya automatikong pumisil rin ang akin. Lambot ng kamay infairness, anong gamit niyang lotion? Hehe. Maynagsasabi saking humawak ako ang by that I'll feel secure. At tama nga. "And never let go...


Till we reach the shower room" Dyahe.

=__=

Ang Inosenteng TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon