Chapter Ten

608 13 0
                                    

- Peace Offerings-

"Kitchni! Gising na at baka malate --"

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Kanina pa ako bihis yun nga lang hindi ko namalayan ang oras habang nagsusuklay ako ng buhok. Biglang umangat ang isang kilay ni Nanay nung nakita ang mukha ko. Pra siyang nagtataka o 'di kaya'y naninibago.

Cinompose ni Nanay ang sarili bago nagsalita. "Mukha maaga ka ngayon ah?" Ngumiti siya pero halatang pilit. Tumango ako at linampasan si Nanay habang bitbit ang backpack ko.

Pagtungtong ko sa Dining Room ay naabutan kong kumakain ang kapatid ko kasama sina Mommy at Daddy. Umupo ako sa silyang katabi ng Kai, at diretsong kinain ang pagkaing nakasaing.

"Kitchni. Samahan mo ang kapatid mo sa classroom niya ha? Since ngayon palang papasok baka mawala" Tugon ni Mommy.

"Okey" Tsaka ko sinubo ang kanin. First time in history, mukhang nawalan ako ng ganang kumain. Parang ayaw kong pumasok. Parang gusto ko lang magtago sa kumot at matulog. Parang wala lang. Hay.

Kumunot ang noo nilang lahat bago bumaling sakin. "Usually ay tumatanggi ka ah?" Rinig kong bulong ni Kai na katabi ko. Ineexamin ang bawat sulok ng mukha ko na parang may-iba. Umiling nalang ito at kumain.

"3rd day of classes ngayon hindi Biyernesanto. Ba't ganyan mukha mo anak?" Tanong ni mommy, ulet. Si daddy ay tahimik lang nakikinig. Bumuntong hininga ako. "Wala po" Ngumiti ako nang peke. Napangiwi sila sa ginawa ko.

Simula ng dumating ako sa bahay ay ganito ang naging kinalabasan. Marami silang tanong kaso sabi ko natulog ako sa kaibigan ko kaya huwag na nila ako tanungin, ang 100 questions nila ay naconvert sa isa. Hindi na nila ako ginulo kahit alam nilang nagsisinungaling ako.

Naunang pumunta si Kai. Binawi lang rin nila ang sinabi nilang ihatid ko raw siya. Mukha daw kasi akong pinagsaklob ng langit at earth kaya masmabuting sila nalang ang bahala. Hindi na ako nagsalita since nagdesisyon na sila. Ihahatid nalang daw ako ni koya okra na tinangihan ko. Feeling ko masgusto kong maglakad dahil nga gusto kong mag-isip isip ng tanong na bumabagabag sa utak ko. 'La lang trip ko lang. Ha-ha.

Pagkatapos kong magtoothbrush ay naglakad na ako paalis sa bahay. Paalis ng gate. Hanggang naglalakad na ako sa kalsada. Maaga pa kayo no worries.

Tulala lang akong naglalakad papunta sa P.U. Binilang ko ang unang punong na datnan. "..1" Tuloy tuloy lang ang lakad ko hindi pa ako nakakalayo sa bahay. "..2" Kaya ko namang lakarin. "...3" Kaunti palang ang mga taong nakikita ko. "..4" Malakas ang hangin kaya inayos ko ang buhok kong magulo. Iiipit ko na sana sa aking tenga at bibilangin ko na sana ang isa pang puno kaso.. "Fi--"

Bigla akong hinigit paharap sakanya. Sa sobrang lakas ay nauntog ang noo ko sa matipuno niyang dibdib. Ang isang kamay niya ay hawak ang nanginginig kong kamay samantalang ang isa ay hawak ang likod ng ulo ko. Napasinghap ako. Amoy palang kilala ko na ang taong nasa harapan ko. Ang bango niya talaga, walang kupas. Unti-unti niya akong inilayo sakanaya, unti-unti ko 'ring inangat ang ulo ko para makita siya.

Hindi na ako napanganga. Gwapo talaga siya kahit mukha siyang hindi nakatulog ngayon. Mukha siyang matamlay. Hinila niya ako papunta sa isang itim na kotse. Since mahilig si Daddy sa kotse kaya medyo may-alam ako roon. A black Mercedes-Benz SLK (?). Rich kid.

Binuksan niya ang pinto, ayoko sana kaso hindi na niya hinintay ang sasabihin ko dahil tinulak niya ako pa loob at isinara kaagad ang pinto. Umikot siya para pumunta sa driver's seat. Pagpasok niya ay isang nakakabinging katahimikan ang namagitan. Awtsu.

Ang Inosenteng TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon