#1 "Meet the Hater"
DIANA P.O.V.
"Baby don't cry tonight eodumi geochigo namyeon
Baby don't cry tonight eobseotdeon iri doel geoya
Mulgeopumi doeneun geoseun nega aniya kkeutnae mollaya haetdeon
So baby don't cry cry nae sarangi neol jikil teni--"
Naalimpunganan ako sa tutog ng aming kapitbahay. Ang lakas kasi, yung tipong mababasag yung salamin dahil sa sobrang lakas ng bass at lakas ng music. Grabe wala ba silang tenga? Hindi na nga maintindihan yung kanta kalakas lakas pa. Bwiset.
"Gising ka na pala anak. Yung pagkain na mesa kumain ka na at baka mahuli ka na naman sa klase mo." - mama.
Pagtingin ko tuyo ang ulam na may bagoong at kamatis. Hmmmmm ang sarap. Oo mahirap lang kami at sa squatter areapero kahit na ganito kami mahal namin ang isat isa at naturuan kami ng nanay ko ng magandang asal. Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako kay mama.
Nga pala, di ko pa naiipakilala ang sarili ko sa inyo, ako nga pala si Diana Dela Cruz.
- simpleng tao.
-mahirap.
-nag-aaral sa public school.
-labandera lang ang nanay ko.
-hindi mahilig sa walang kakwenta kwentang bagay na hindi related sa buhay ko
At higit sa lahat..
Im a working student. Nag-aaral sa umaga at nagtratrabaho sa Gabi.
Ganon ako kasipag. Hahahaha.
"Manong para. Eto po yung bayad." Inabot ko yung pera sa ale at bumaba na sa jeep. Buti na lang talaga at maaga akong nagising kundi baka malalate na naman ako.
XOXOXOXOXOXOXOXOX
"Bes kanina ka pa ba dito?" Tanong sakin ni Kyla ng makaupo sa tabi ko.
"Kararating ko lang din." sabi ko. Everytime na matatapos kasi yung klase namin ni Kyla, dito kami dumederetso sa garden dito sa school. Maliban sa tahimik presko pa at ang sarap gumagawa ng mga school projects. Naging tambayan na namin dito since junior high school kami.
*Geomeun geurimja nae ane kkaeeona
Neol boneun du nune bulkkochi twinda
Geunyeo gyeoteseo moduda mulleona
Ijen jogeumssik sana wojinda *[A/N: Growl by Exo.]
Napatingin ako sa kanya. Well sanay naman na akong kumakanta siya ng instik, naririndi lang ako kasi mukang mali mali yung lyrics niya at wala pa sa tono. Kung ano ano na nga yung mga pinagsasabi niya gaya ngayon, bat nasali yung kutchinta? Anong konek yung kangkanin sa kanta niya? Hays, gulo!
Di ko lubos maisip kung bakit andaming nahuhumaling dyan sa Kpop ba? O basta yun. Pumunta lang ako dyan sa Parke may naririnig akong kanta na ganyan. Ganun din kapag pupunta ako ?Mall o di kaya convenience store, nakakarinig din ako pati nga sa kapitbahay namin meron eh. Eh hindi naman nila maintindihan unless may english sub or translator.
Hindi ko rin alam kung bat may kdrama na pinapalabas sa tv eh wala din naman katuturan iyon kung tutuusin. Hindi naman sa hater ako nagsasabi lang ako ng sa tingin ko ay tama. Tsaka wala naman connect yan sa Pilipinas diba o sa ekonomiya ng Pilipinas?
Tinakpan ko nalang yung tenga ko kasi ayoko talaga nakakarinig ng ganyan na hindi mo malaman kung ano ang mga pinagsasabi nila. Pasalamat siya at mahal ko siya. Tsk. Dudugo na talaga yung ilong ko anytime.
XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX
BINABASA MO ANG
EXO Meets Their HATER
Non-Fiction"Sa wakas tapos na rin. Success." sabi ko ng makalabas ako sa banyo. Bwiset kasi yung cupcake na yun kinakain ko pa. Teka kailangan ko na palang umalis Paalis na sana ako dito sa kusina kaso may biglang dumating na........... inisa isa kung bilan...