#10 YEHET!
DIANA POV
Ano ba yan ang dami daming kalat. Grabe sila ha. Daig pa mga bata kung magkalat. Nandito ako ngayon sa room ng EXO. Almost 2 days na akong naglilinis dito. Take note ako lang. Kapag maglilinis ng room ng mga guest dapat dalawang tao pero dahil nga nirequest ng EXO na dito na ako maglinis para daw sa payment ko. Pumayag naman si manager kase ang palusot ng mga EXO eh kesho hindi daw marunong maglinis yung mga nakatoga dito, kaya ako na lang daw.
Sa totoo nga mas magagaling at mas marunong yung mga dating naglilinis dito kase mga senior which means medyo matagal na sila dito eh samantalang ako eh baguhan lang.
Malapit na ang concert ng EXO, two days from now. Kaya palagi silang wala dito dahil nagrereherse sila for their concert. I think konti lang pupunta kase nga hindi naman sila gaanong kilala.
Bigla ko nalang naalala si Joan somewhere. Hindi pa pala kami nagkakaayos simula noon. Wala narin akong gaanong balita sa kanya. Nakakalungkot tuloy isipin.
T-teka! Naalala ko nalang bigla yung mga poster sa kwarto niya. Fan pala siya ng EXO. Dapat papuntahin ko siya dito para makita niya yung mga iniidolo niya ng personal. Sigurado ako na magiging masaya yun. At magkakaayos na kami kapag nangyari yon pero may problema pala, bawal magpapasok ng kung sino sino dito sa hotel kahit na kamag anak mo pa at sobrang higpit ng mga security nila dito. Haysss
O di kaya naman kausapin ko si Suho yung leader nila na papasukin yung kaibigan ko na sobrang fan nila sa backstage at magtake ng picture together. Naeexcite na ako sana pumayag sila. Omy!!
"Sabi ko sayo baliw yan eh."
"Kaya nga bigla nalang ngingiti ngiti."
"Dapat sa mental yan dinala hindi dito."
Napatingin naman ako sa nagbubulungan. Nagbubulungan nga eh rinig na rinig naman hanggang dito sa kinakatayuan ko. Napakunot ako ng noo. Simula ng naglinis ako dito palagi nila akong inaasar. Sakit na nga sa katawan sakit pa sa ulo.
Inirapan ko lang sila at nagtuloy na sa paglilinis.
XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX
"Ahm busy ba kayo pwede ko ba kayong makausap." Bigla silang nagsitigil sa ginagawa nila at tumingin sa akin. Hindi na ako naghintay kung anong sasabihin nila basta lumapit nalang ako kay suho.
Nakapabilog sila at naka-indian sit. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila kase kanina pa ako naglilinis sa kusina.
Naglunok laway ako bago magsalita.
"Ahm Suho ano kase..." Nakatingin parin sila sa akin. Silang LAHAT.
"Ano?"
"Ano kase... kakapalan ko na mukha ko. P-pwede humingi ng f-favor?"
"Ano yun?" Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Ahm ganito kase yun.. Fan na fan kase yung kaibigan ko sa inyo si Kyla. Andaming niyang poster na about sa inyo. Ngayon magkaaway kami ng dahil sa inyo din. Gusto ko sana magkabati na kami at matupad pati ang pangarap niya na makita kayo so Pwede bang papasukin niyo siya sa backstage tsaka imeet and greet niyo siya. Oo alam ko, ako na ang makapal na mukha para hingin ang ganitong kalaking favor pero gusto ko ng makipag ayos sa kanya tsaka pangarap niya na makita at makipagpicture sa inyo. Gusto ko lang na sumaya siya? So? Ano?" Ngumuti ako ng pilit. Tinignan ko naman yung ibang members nakatingin naman na sila kay Suho.
Ano kaya isasagot niya? Kinakabahan ako. Sana pumayag talaga sila, siya.
"Hmm.." napalingon naman ako kay Suho na aakmang magsasalita na.
"Okay." Napangiti ako sa sinabi niya.
"T-talaga? Yehey! Yes! Wohoo!" At sobrang saya ko napayakap ako sa kanya.
"Ay he he. Sorry." At nagpiece sign ako.
Tumayo ako at nagsalita.
"Ahm sige salamat talaga sa inyo. Maglilinis na muna ako. Sige babye. Kashamatenida." Tas agad akong umalis. Nabasa o narinig ko lang somewhere yung kashamatenida (kamsahamnida) kaya sinabi ko. Ang sabi kase don thank you.
Yes! Kahit pala masusungit sila minsan may tinatago din palang kabaitan. Akala ko talaga masusungit sila pero mababait naman pala sila kahit papaano. Ngayon, hindi ko alam kung paano, pero I think nagugustuhan ko na sila I mean as Idol not the lover thingy.
Bukod sa sobrang talented nila at magwapo aba ang babait pa. Well nanood kase ako sa Youtube kanina lang ng official Music Video nila like ano na ba yon? Yung Growl? basta yun. Nakalimutan ko na eh. Ayun nga madami din palang viewers at ang gwagwapo nila don.
Basta excited na ako sa mangyayari sa friday.
XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX
BINABASA MO ANG
EXO Meets Their HATER
No Ficción"Sa wakas tapos na rin. Success." sabi ko ng makalabas ako sa banyo. Bwiset kasi yung cupcake na yun kinakain ko pa. Teka kailangan ko na palang umalis Paalis na sana ako dito sa kusina kaso may biglang dumating na........... inisa isa kung bilan...