#8 PROBLEM

12 1 0
                                    

#8 PROBLEM

THIRD PERSON P.O.V.

"Kasalan mo eh."

"Baka ikaw."

"Oy wala akong ginagawang masama."

"Ok tama na nga Guys. Kung may kasalanan tayo, panindigan natin pero kung wala, wala. Hayyyysss." Sabay upo ni Suho sa sofa. Nandito sa loob ng room OT12 ang buong EXO member. Syempre as a leader kinakabahan din siya sa ng nangyari sa babae o si Diana.

"Kamusta na kaya siya?" -si D.O.

"Tawagan kaya natin yung manager nila ng malaman natin kung ano ng nangyari sa babaeng yun." Suggest ni Sehun. Pumayag naman ang karamihan kaya agad nilang tinawagan yung manager ng hotel.

'Ay sorry po sir. Ahmm hindi po muna makakapagsok yung sinasabi niyong babae na si Diana.'

'Bakit?' Tanong ni Suho sa telepono. Nga pala naka loud speaker kaya rinig ng lahat ng members yung convo.

'Ah sir bawal po. Private po kasi.'

'I just want to know. Please sabihin mo na.' -Suho.

'Sige na nga po. Kasi sir nasa ospital po siya ngayon. Sumumpong yung sakit niya. Kaya di muna po makakapasok si Diana ng ilang araw.' Paliwanag ni manager 1 sa telepono.

'Anong ospital at anung room #?'

'Sir sa **** Hospital po. Ewan ko lang po kung anong room.'

'Sige salamat.' Binaba na nga ni Suho yung telepono.

"Oh anung balak natin?" tanong ni Lay.

"Huwag mong sabihin na pupunta tayo sa ospital na yon." Chen.

"Ano!!! Hindi. Ayoko ko.!" Chanyeol.

"Kailangan nating bisitahin si---- basta yung babaeng yun. Eh tayo yung huli nyang kasama nung bago pa siya mahimatay. Kailangan natin malaman kung ok na siya." Paliwanag ni Suho.

"May gusto ka ba sa babaeng yun parang sobra kang nag-aalala ah?" Kai.

"Uy wala akong gusto sa babeng yun. Syempre as a leader kailangan  natin tulungan yung taong yun kahit na hater siya." -suho.

"Ok sige magluluto ako ng pagkain. Chen halika." At pumunta na nga si D.O at Chen sa kusina.

"O sige na nga no choice." Baekhyun.

"Pero parang delikado. Hindi natin alam yun kung saang hospital yun. Di natin alam tong buong Manila." -Kris.

"Edi magpasama tayo sa manager nila?" Suggest ni Tao.

"Basta bahala na." - Suho.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

@Hospital.

"Mukhang okay naman siya. Tara na. " Aya ni Chanyeol sa mga kasama. Nandito na ang EXO Members sa ospital kung saan isinugod si Diana. Pano sila nakapunta? Well dahil kay Riya, dahil nga mahilig siya sa mga gwapo, tinulungan niya ito ng walang kapalit.

"Flat ba talaga ang mga filipino?" tanong ni Sehun na kanina pa tingin ng tingin sa mga nurse na dumaraan. At dahil nga wala ring kakwenta kwenta ang mga katanungan niya ay hindi nalang siya pinansin ng mga members.

Nakapalibot ang EXO members kay Diana, na nakahiga sa kama. Maya maya napadilat si Diana at nagulat ng makita niya ang mga naggwagwapuhang nilalang sa harap niya.

"Teka nasa langit na ba ako?" tanong niya. Ang iba naman nagsitawanan. Di lubos maisip ni Diana na may naggwagwapuhang lalaki ang nasa harap niya.


XOXOXOXOXOXXOXOXOXOXOXOXOXOXO


"Anak may problema kase tayo." Napatingin ako kay nanay na mukhang problemado nga.

"Tungkol naman saan yon nay?" Tanong ko.

"Anak kase, kulang yung pambayad natin ng hospital bill. Kulang pa siya ng 6000. May mga ginawa pa kasing ibang test sayo anak kaya namahalan tayo." Paliwanag ni mama. Kita ko naman sa mga mata niya na sobra ang problema niya.

Malapit na ang Exam ni Marcus. At kailangan namin ng pambayad don. At ganon din ako. Malapit na yung 3rd Semi Exam at ako nalang ang hindi pa nakakabayad. Hindi pa sapat ang paglalaba ni mama. Tas eto naman? Another problem? San naman kaya ako kukuha ng pera? Yung 6000 makukuha ko pa yun sa 15, eh December 3 palang. Hay

"Ma wala ba kayong ibang mapagkukuhaan ng pera? Sa 15 ko pa po makukuha yung sweldo ko, hindi naman pwede i-agad yung sweldo ko kase hotel yun.

"Pumunta na ako eh. Pero sige anak hahanap ako ng paraan para makautang ulit. Para makalabas ka na dito."

Ngumiti ako kay mama para bigyan siya ng lakas at pag asa. Pero deeo inside gusto ko nang sumuko.

Nakita ko naman na ubo ubo si mama.

"Ma ano pong problema? Mag iisang linggo na po yang ubo niyo, bat di po kayo magpacheck up?" Nag aalala kong tanong.

"Okay lang ako anak. Uminom lang kase ako ng malamig na tubig kanina. Tsaka ubo lang to wag kang gagaling din to. Gagastos pa tayo kung magpapacheck up pa ako."

"Ah ma, may pumunta bang mga lalaki dito na matatangkad, mapuputi at gwapo?" Tanong ko. Baka kase panaginip lang yung nakita ko na kanina na pununta talaga sila.

"Ahm oo anak. Kaaalis lang nila." Napatingin naman ako sa likod ni mama. Gumalaw kase yung kortina. Nandito kami sa iisang room kasama ang iba pang patient at tanging kurtina lamang ang harang. Kulang kase ang badyet tsaka mapapamahal pa kami kung kukuha pa nh room.

Napatingin naman ako sa ibaba.

May tao sa likod ng kurtina. Hindi lang isa marami sila. Hmm baka nurse lang pero bakit nakaitim na rubber shoese?

Sino naman tong mga to?

XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX

EXO Meets Their HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon