#11. Another Problem

7 1 0
                                    

#11 Another Problem


DIANA POV


"Ano ba yan, hindi ba kayo nagsasawa magkalat huh? Hay. Pinapagod niyo ko." Pinulot ko yung mga nakakalat na balat ng chocolate at pagkain. Grabe sila magkalat. As usaul andito ako ngayon sa room nila para maglinis ulit. Wala yung dalawang manager nila, inaasikaso yung concert nila para bukas while EXO? Ahm eto nagpapahinga para daw may lakas bukas I mean nagkakalat pala sila hindi nagpapahinga.


Halos isang oras na sila kumakain ng kung ano ano tas hindi pa sila nabubusog?! Grabe naman yang mga tyan nila, daig pa ako sa katakawan ko. Hayss sakit sa ulo.


Well tinext ko si Kyla kahapon na  may suprise ako sa kanya pero ayun hindi nagreply. Hay nako wala na naman siyang load.


Nakita ko naman bigla na initya nung matangkad na malaki ang tenga, ewan, nakalimutan ko na yung pangalan niya ulit yung pinag-inuman niya ng Mogu-mogu. Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting nag-aasar ba. Tsk! Nakakainis na siya ah.


"Hay. Pagod na ako ah! Wag naman kayo magkalat eh no? Napapagod din ako. Aba, tas ngayon ngingiti ngiti kayo dyan. Nako kukurutin ko talaga kayo eh."


"Hmm." Napatingin naman ako sa likuran ko. Boses babae kase eh.


Oow. Si Manager 2. Nakataas ang dalawang kilay at kita ko na mukhang galit na galit siya. Halla, baka nakita niya o narinig niya yung mga pinagsasabi ko sa mga EXO? OMYGHAD!


Ngumisi naman sa akin si Lea na akala mo'y nanalo sa isang paligsahan. Isa sa siya mga kinaiinisan kong service crew dito sa hotel. Masyado kaseng piling at mayabang. Nakita ko naman na may hawak hawak siyang towels.


"Ahm good afternoon sir. Can I excuse Ms. Ramirez for awhile?" Ngumiti naman si Manager 2 sa mga EXO Members while sila, pumayag sa sinabi ni Manager 2. Fck! Lagot ako nito ngayon.


"And you Ms. Ramirez follow me." Mariin nitong sabi sa akin. Ang bilis ng heartbeat ko. Grabe kinakabahan ako. Gusto ko na tuloy magpakain ngayon sa lupa. Ano naman kaya pwedeng kong ipaliwang kay Manager 2 sa nakita niya kanina. Mahirap naman magsinungaling kase mas maliwang pa sa araw yung panget na sitwasyong na nakita niya kanina.


Tsaka Hell no! Si manager 2 yung kakausapin ko. Talagang mahirap magsinungaling sa kanya. Talagang patay ako nito.


______________________


*bzzzzzzzzzzzpp.*


Hindi ko pinansin yung tawag sa akin ni Marcus baka kase pagalitan ako ni Manager 2. Siguro may ipapabili lang tong mokong nato.


*bzzzzzzzzzzzzzzzzzzpp.*


Hindi ko nalang ulit iyon pinansin. Inilagay ko na yung phone ko sa bulsa ko. Baka kase mahuli pa ako ni Manager. Malilintikan pa naman ako kung sakaling mahuli niya ako.


*bzzzp.*


Binasa ko na lang yung text sa akin ni Marcus. Bigla akong nanghina ng mabasa ko ito. Tumulo na rin yung mga luha ko at kumirot ang puso ko.


'Ate nahimatay si mama. Nasa ospital kami. Punta ka nalang dito mamaya ah. May kailangan pa daw sabihin yung doctor.'


Mama, ano na naman bang nangyari sayo?


Huminto si Manager 2 kaya napahinto narin ako. Wala na ako sa sarili ko ngayon. Nakayuko at iniisip kung ano na ang nangyayari  nanay ko.


"Okay Ms. Ramirez. You're fired." Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Manager 2 sa akin. Lalo akong napaluha sa sinabi niya. Nasa ospital ngayon si mama, san na ako kukuha ng pera nito.


"M-ma'am, wag naman ho."


"Wag?! Huh. Nagpapatawa ka ba? Nakita ko ang buong pangyayari Ms. Ramirez. You should not do that to our guests. Respect them. Number 1 pa yan sa rule dito sa Hotel tas ganon ka nalang makaasta sa kanila."


"Ma'am h-hindi ko naman ho sinasadya iyon. Hihingi nalang ako ng sorry sa kanila." Mas lalo na ako napaiwak. Hindi ko na kase kaya tong nararamdaman ko. Sobrang bigat. Kakalabas ko lang ng ospital nung nakaraang araw tas ngayon si mama naman ang nandoon.


"Wow. Hindi mo sinasadya? Ms. Ramirez wag ka nang magsinungaling pa, kitang kita ko lahat ng pangyayari so please stop saying non words?! Basta your FIRED. I tell to office what you've done. And it is a valid reason to fired you." Tumalikod na sa akin si Manager.


"Ma'am wag naman ho. Parang a-awa niyo na po. N-nasa ospital po yung nanay ko. Kailangan po ako ng nanay ko, k-kailangan niya po ng pera. P-please ma'am wag niyo muna ako i-fired." Lumakas lalo ang aking pag-iyak.


"Tsk. I dont care." Umalis na si Manager 2 habang ako naman ay naiwan roon habang umiiyak? Bakit ba nangyayari to sa akin?


Bakit lagi nalang ako pinagsusuklaban ng langit at lupa? Bakit lagi nalang nila kaming pinapahirapan? Bakit lagi nalang akong namomoblema?


Bakit?


________________________________________

EXO Meets Their HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon