#9 Thanks

8 1 0
                                    


#9 Thanks


DIANA's  POV


"Ahm anak, 2000 palang yun nauutang ko, pero susubukan ko ulit mangutang ng sa mga kapitbahay natin mamaya." Kita ko naman na nahihirapan si mama sa sitwasyon namin ngayon.


Bigla namang may pumasok na mga nurse. Bat anong ginagawa nila dito. Ang isa naman lumapit sa akin at aakmang aalisin na yung dextrose ko. Teka? Anong nangyayari? Inilayo ko ang kamay ko sa kanya at nagtanong.


"Teka po. Bat ano po to?" Binigyan ko sila ng isang look na hindi maintindihan.  Pati rin si mama kita ko ang pagtataka.


"Ahm good morning po ma'am paki pirmahan nalang po ito para pwede na pong makauwi ang pasyente." Sabi ng nurse. 


Huh? Teka hindi pa naman kami fully paid ah tas pwede na akong umuwi? Pero maganda rin naman yun.


"Ah miss hindi pa po kami fully paid. Baka nagkakamali lang po kayo." Sabi ni mama.


"According po dito paid na po kayo." Paliwanag ng nurse.


"Sino po ang nagbayad?" Tanong ko. Wala naman kase akong kakilala na pwedeng magbigay ng ganon kalaking pera.


"Lalaki po eh. Tatlo sila na matatangkad at gwapo...." napaisip ako. B-baka yung...


"Nakahoodie at nakaface mask po kase sila kaya hindi namin kilala. Sila po yung nagbayad kagabi." Tuloy ng nurse.. Yung EXO Members. Pero Bakit? Bakit nila kami tinulungan? Bakit nila ginagawa to. Napuno ng tanong na bakit ang ulo ko.


Pinirmahan nalang ni mama yung papel na binigay ng nurse. Maya maya umalis narin sila at natanggal na yung dextrose ko.


"Ahm anak kilala mo ba yung mga yun? Kung kilala mo magpasalamat ka sa kanila ha." Sabi ni mama ng hindi nakatingin sa akin. Tuloy parin siya sa pag aayos ng gamit ko.


"Nang dahil sa kanila makakalabas ka na. At medyo nabawasan tayo ng problema. Kaya anak..." lumapit sa akin si mama at hinawakan niya ang dalawa kong balikat. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.


"Dapat magthank you ka sa kanila ha. Tumanaw ka ng utang na loob sa kanila." Ngumiti sa akin si mama.


"Tara na anak at hinihintay na tayo ni Marcus sa bahay." Tumango ako at sumunod kay mama.


Hindi ko alam kung ano ang mga nakain ng mga yon at kung bakit nila ginawa iyon basta ang kailangan ko nalang gawin ay



Pasalamatan sila.



XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX



Nandito na kami ngayon sa bahay. Bukas na bukas papasok na agad ako sa trabaho, walang pahinga pahinga, kailangan ko na ng pera at higit sa lahat kailangan ko silang pasalamatan.


XOXOXOXXOOXOXOXOXOXOXOXOXOXO


"Ah ma'am kanino po ito ibibigay? Sa room OT12 ba?" Masaya kong tanong. Gusto ko na silang makita para pasalamatan sa ginawa nila sa akin.


"No sa room TN3. 9 floor." Napasimangot naman ako. Di bale na malapit lang naman to sa room nila eh.


"Oh bat parang pinagsakluban ka ng langit dyan ha aber?" Di ko nalang pinansin si Riya.


"Tsaka akala ko ba ayaw na ayaw mong magserve ng kahit ano sa OT12 Tas ngayon atat na atat ka magserve doon. Aba may milagro ata."


"Wala no. Sige maiwan muna kita dyan ihahatid ko lang tong towel doon sa room TN3." Sabi ko at iniwan ko na siya. Atat ba talaga ako? Hindi naman diba? Hays


Umakyat na lang ako sa 9 floor. Dadaanan ko nalang sila. Kunwari kukunin ko nalang yung mga basura doon, tama yun nalang gagawin kong palusot para makapasok sa room nila pero walang susi. Kakatok na lang ako.


XOXOXOXOXOXOXOXOXXOXOXOOXOXOXO


Nandito na ako sa sa tapat ng room nila at sobra sobra na naman akong kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim. Kaya mo yan Diana. Kailangan mong magpasalamat sa kanila. Kumatok na ako.


"Ahm ano yun miss?" Tanong ng matandang babae.


"Nandyan po ba yung EXO Members?" Nakita ko naman na kumunot ang noo niya sa pagtatanong ko.


"Bakit? Anong kailangan mo?"


"Ah wala naman po. Kukunin ko lang po mga yung basura dyan." Ngumiti ako kahit na kinakabahan ako sa babaeng to pati narin sa mga EXO members if nandyan sila. Pumasok na ako at dumeretsyo sa kusina. Iniwan naman na ako nung babae.


"Hoy pre akin na yan." Rinig ko ang mga sigawan at tawanan nila sa loob ng kwarto and Im sure na sila iyon.


Kumatok ako sa isang room kung saan ko narinig yung mga harutan nila. Maya maya binuksan din nila yung pinto. May halong pagtataka at pagkagulat sa mga mata nila. Yung si Chanyow naman ay medyo nainis ng makita ako. Ano bang problema nito ha? Nakakabwiset.


Magthank you ka Diana. Thank you!


Ngumiti ako bago magsalita.


"Hello sa inyo. Kahit hindi niyo sabihin alam ko na kayo yung pumunta sa ospital kahapon. Ahm gusto ko lang magthank you sa inyo ng marami." Ngumiti ako.


"Ahm bilang kapalit gagawin ko yung gusto niyo... wag lang yung mahirap no! Lalo na yung ano, yung alam niyo na, yung ginagawa ng mag-asawa.. Basta alam niyo na yun." tuloy ko. Yung iba naman ay nagsitawanan. Anong nakakatawa sa sinabi ko?


"Okay yan sabi mo." sabi ng mukhang matalino sa kanila.


"Pahirapan natin yan."


"Naiisip niyo ba yung naiisip ko." at tinaas taas ni Sehun yung mga kilay niya. Yung bang may balak na hindi maganda.  Nagbulong-bulungan naman na sila.


Natawa nalang ako. Kahit pala ganyan sila pala yung pag iisip nila nakakatuwa parin silang tignan.



XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX

EXO Meets Their HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon