#2 "Eso? Ekso?"
DIANA P.O.V.
*bzzzzzzzzztt* *bzzzzzzzzztt*
Napatingin ako sa sa cellphone ko na kanina pa nagriring. Tinignan ko kung sino. Hala 10 missed calls and 15 texts. Si Kyla lang pala.
'Bes kain tayo sa labas. Libre kita. Hindi kasi kita nasamahan kahapon.Sorry na ^^ . Sa dati ah.' napangiti ako sa text niya. Hindi dahil sa ililibre niya naman ako kundi dahil kahit papaano nagbibigay siya ng time kahit sobra kaming busy.
Nireplyan ko kaagad siya. 'Sige ba bes. Kita kits. Ingat ka ha. Lovelots. :*'
Nagbihis agad ako. Pants at simpleng shirt na may nakasulat na 'Walang Forever.' Hahaha. Bitter kung bitter eh sa wala nga.
XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX
Andito na ako sa tagpuan namin. Well isang mall lang naman to malapit sa school. At eto yung sinasabi ni Kyla na sa dati. Dito kami namamasyal at nagdedate 'FRIENDLY DATE' . Huwag mag-isip ng kung ano ano.
Hay nako, bakit wala pa siya. Magteten minutes na ako dito. Naiinip na ako. Mainipin kasi akong tao eh kaya hindi ko na hinintay yung kaforever ko. Hahaha charot lang. Nagulat ako na may nagtakip sa mata ko. Okay nandyan na siya. Alam ko pabango niya.
" Tanggalin mo na nga yang kamay mo sa mata ko. Alam ko, ikaw si Kyla ."
"Pano mo nalaman?" sabay tanggal niya ng kamay sa mata ko.
"Secret na malupet." Magsasalita pa sana siya kaso hinila ko na kamay niya. Gutom na gutom na ako at kailangan ko ng pagkain. Habang naglalakad kami may sinasabi siya pero di ko maintindihan kasi gutom na ako. Nang makita ko na yung food court agad akong naghanap nang uupuan namin at dahil nakisama si tadhana nakakita agad ako ng upuan. Week end ngayon kaya for sure maraming tao ngayon.
"Anong order mo?" tanong ni Kyla sa akin nang nakupo na kami.
"Kahit ano. Basta parehas tayo." umalis naman na siya.
After 123456789 years....
Dumating din siya. Grabe ang tagal niya magorder ng pagkain sobrang kumukulo na tong tyan ko at yung ahas sa tyan ko nagwawala na.
"Wow grabe ha.For almost 1234567890 years Pancit lang binili mo? Ang tagal mong pumila ha. Ano yun may traffic din dyan. Hay nako talaga. Pasalamat ka nilibre mo ako kundi...... basta!" pagrereklamo ko. Pero parang wala siyang naririnig. Nung umupo na siya napansin ko nalang na may earphone pala siya na nakasaksak sa tenga niya. Grabe ang haba ng sinabi ko pero wala man lang siyang narinig don kahit isa man lang?
"Uy Kyla kain na. Lalamig na yang pancit mo. Bahala ka ako kakain dyan." sabi ko sa kanya habang ngumunguya.
"I lost my mind
Noreul choeummannasseultte
No hanappego modeungoseun Get in slow motion ."
[A/N: What Is love by Exo. yang kanta]
Teka?! Ano yung sinasabi niya? Eto na naman siya eh kumakanta na naman ng Alien words na hindi mo maintindihan. Hays Baka mabaliw beshi ko alugin ko nga.
"Huy ano yung sinabi mo hindi ko maintindihan." sabi ko pero parang wala siyang tenga. Hinila ko kaagad yung earphone sa tenga niya. Kaya naman napatingin siya sa akin.
"Aray ang sakit naman. Bakit ba?" inis niyang sabi. Hahaha natatawa ako sa itsura niya.
"Ngayon tumatawa ka!! Ikaw ang Baliw." sabay kuha niya sa earphone niya.
"Aba ako pa yung baliw eh ikaw nga kung ano ano sinasabi mo eh. Ching chong chang to so lokebago basta yon."
"Kumakanta lang ako. Kpop song kasi yon kaya di mo maintindihan." pagpapaliwanag niya.
"Bakit naiintindahan mo rin ba?" tanong ko. Natahimik siya.
"Hmm. Basta. Pag naging Kpop fan ka maiintindihan mo. Eto pakinggan mo." kinuha ko yung isa niyang earphone. At pinakinggan..
'MAMA ijen naege daedaphaejwo
Wae saramdeuri dallajyeonneunji
Areumdaun sijeoriraneunge jonjaehagin haenneunji '[A/N: Mama By EXO-K.}]
Inalis ko kaagad yung earphone sa tenga ko. Di ko maintindihan. Di ko rin siya maintindihan kung bakit sa dinami dami ng kanta dito sa Pinas eh mas gusto niya pa yang Alien words aka Kpop song na yan. Ang hirap niyang iespelling.
XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX
Habang naglalakad kami hinila niya agad ako papunta sa department store. Aray. Sakit ha?!
"Uy Diana halika dali. Bilis." agad akong pumunta sa kanya.
"Maganda ba? Bagay ba sa akin?" sabay ikot niya. Isang jacket na may nakasulat na EXO?
"Anung basa diyan? Eso ba.? o E.X.O ba? ano bang meaning na yan?" tanong ko. Di ko kasi maintindihan tsaka ngayon ko lang narinig at ngayon ko lang nabasa yang word na yan. Ay Teka parang alam ko na yan, yan yung kinukwento sakin ni Kyla yun nga lang nakalimutan ko na. Hehehe
"EXO yan EXO. Hindi Eso o E.X.O. Boygroup ang EXO sa Korea at sobrang famous nila hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Tsaka alam mo bes sobrang gwapo nila at certified fan nila ako at-----------------------."
"Oo na. Sige na. Bagay na sayo yan. Tinanong ko lang kung ano meaning na yan pero ang dami mong sinabi. Bayaran mo na yan at tara na." pumunta na nga siya sa counter para bayaran yung jacket. Sobrang laki rin yung ngiti niya. Hindi ko alam kung ano nagustuhan niya sa Eso ba? basta yun. Eh di ko nga kilala eh.
XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX
"Bes eto yung sinasabi kong EXO oh. Halika dali." lumapit ako sa kanya. Nga pala nandito kami sa National bookstore may bibilhin lang siyang magazine pero isang oras na kami dito at sobra na nga akong naiinip eh.
"Ang gwapo diba. Kyaaaah. Sana magconcert sila. Ay oo may concert nga pala sila.Malapit na. " hihiyaw pa sana siya kaso tinakpan ko yung bunganga niya at bumulong.
"Oo nalang kahit hindi. Bayaran mo na yan gusto mo okay? At wag ka na lang sumigaw. Nakakahiya. Pinagtitinginan na tayo oh. Sige na." At sumuod naman siya sa akin.
Nakakaloka talaga. NKKLK. Naawa ako sa bespren ko. Ano bang ginawa ng Eso sa kanya sobrang addict niya? Yung tipong minuminuto puro Eso ang mukhang bibig niya.
ESO? sino na nga ba ulit kayo?
XOXOXOXOXOXOXOXOXOX
BINABASA MO ANG
EXO Meets Their HATER
Документальная проза"Sa wakas tapos na rin. Success." sabi ko ng makalabas ako sa banyo. Bwiset kasi yung cupcake na yun kinakain ko pa. Teka kailangan ko na palang umalis Paalis na sana ako dito sa kusina kaso may biglang dumating na........... inisa isa kung bilan...