#12. L.U.C.K.Y.

11 1 0
                                    

#12. L.U.C.K..Y

DIANA POV

"Ma magpahinga muna kayo. Ako na pong bahala sa mga kalat dito. " sinunod naman ako ni mama. Nahiga siya at umidlip muna. Andito nga pala ako sa ospital kung san nagkaconfine si mama. Sobra akong nag aaala nung nalaman ko na sinugod siya dito. Matapos na yung finired ako ni manager hindi na ako pumasok ng time ko na 3 - 9 pm. Hindi pa naman ako nakapag paalam sa kolokoy na yon. Mamaya magtaka sila bat ako biglang nawala na parang bula.

"Geomeun geurimja nae ane kkaeeona

Neol boneun du nune bulkochi twinda
Geunyeo gyeoteseo moduda mulleona

Ijen jogeumssik sana wojinda"

Teka? Narinig ko na yan somewhere ah. San na nga ba kase? Feeling ko talaga na alam ko kung anong kanta yan.

"Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae."

Oo sabi na nga ba kase narinig ko na yang kantang yan eh. Yan yung pinatugtog ni Kayla nung nasa bench kami noon. Yung kanta na hindi mo maintindihan dahil intsik.  Akalain mo nga naman hanggang dito ba naman makakarinig ako ng kanta ng EXO? Kurtina lang kase ang pagitan o harang kaya naririnig ko yung mga ginagawa nila sa kabila.

"KANTA NG EXO."

Bigla ko tuloy naalala si Kayla pati narin yung EXO. Hindi ko alam pero bigla ko silang namiss. Kahit sobrang kulit nila na akala mo 1 year old, nakakamiss din yung kakulitan ng mga yun. Tsaka kahit papaano, naging masaya ako kasama sila at kahit papano naging mabait sila sa akin pati narin siguro sa iba.

Napatingin ako sa labas ng salamin. Concert na nga pala ng EXO ngayon. Ano na kayang ginagawa nila? Kamusta na kaya sila? Hindi ba sila nagtataka kung bakit nawala ako bigla? ---- Tss bakit naman? Katulong lang naman tingin nila sakin eh.

Alam mo Diana imbis na sila yung iniisip mo, isipin mo nalang kung saan ka makakahanap ulit ng part time Job. Tsk. Wala karin namang mapapala kapag iniisip mo sila eh. Tsaka wala rin silang pake sayo. Sabi ng isipan ko. Masakit mag-isip pero lahat naman ay totoo. Hayss.

*bzzzzp*

Napatingin ako sa cellphone ko nakapatong sa isang table. May nagtxt.

(Ms. Ramirez. Come to my office right now. I have something to tell you.)

Text galing kay manager 1. Ano kayang sasabihin niya. Tinext ko si Marcus na pumunta muna dito saglit para may magbantay kay Mama dito.

XOXOXOXOXO

Maya maya dumating narin si Marcus. Umalis na ako ng hindi nagpaalam kay mama. Ayoko siyang gisingin sa pagtulog mas mainam daw kase na magpahinga siya ng maraming beses para mabawi niya yung lakas.

XOXOXOXOXO

"Good morning po ma'am." Bati ko kay manager Ana which is our manager 1.

"Ow come. Sit here." Tinuro niya yung upuan sa harapan niya. Agad naman akong umupo doon.

"Nabalitaan ko na yung ginawa mo kahapon." Umpisa ni ma'am Ana. Kinabahan naman ako sa sinabi niya.

"Well tama naman si Jenny. At alam mo naman din na number 1 rule natin iyon. Bat mo parin ginawa?" Mahinahong tanong ni Ma'am Ana. Yumuko ako. Hindi ako makapagsalita kase hindi ko rin alam kung anong sasabihin in fact tama rin naman kase sila. Sinigawan ko yung mga guest which is mga Artista pa, International Boy group pa. Kung tutuusin sobrang nakakahiya yung ginawa ko.

"Well, hindi yon yung dahilan kung bat kita pinapunta dito."

"Gusto ko lang sabihin na. You're hired again." Ngiting sabi ni ma'am Ana sa akin. Napaangat naman ang tingin ko sa kanya. Totoo ba ito? H-hindi ba to isang panaginip?

"If I we're you thank them and ask for a sorry. Nga pala pinapamigay nila." Inabot sakin ni ma'am Ana ang isang puting envelop. Teka? Sino naman kayang tinutukoy ni Ma'am? Naguguluhan parin ako.

"Ma'am?"

"Ahm Thank the EXO members. Sila ang nagrequest na pabalikin ka namin dito. Nagulat nga kami. Well, they are a famous International Kpop Group in the World kaya hindi namin sila mahindian kagabi. Kaya pinapunta na kita agad rito." A-ang EXO? Napaluha ako bigla. Andami na nilang tinulong sa akin. Hindi ko lubos na maisip na pati to tutulungan nila ako.

"Teka bat ka umiiyak?" Pinunasan ko yung luha ko.

"Ahm wala lang to ma'am. Tears of Joy. Ang bait pala kase nila."

"Di lang mabait, ang gwagwapo at talented pa." Napaisip ako bigla kay ma'am. Fan ba siya ng EXO?

Binuksan ko na yung puting envelop. Grabe b-bat may 10,000 pesos dito? Ang laking halaga nito. Napatingin ako ma'am. Binigyan niya ako ng tingin na "what?"

Tinignan ko pa yung isang papel don. Isang VIP ticket concert. Tsaka dalawang Black ID. Para san naman kaya tong mga to. Tinignan ko pa yung loob, baka sakaling meron pa akong makita. At meron pa ngang isang puting papel don. Binasa ko naman yung sulat.

"Hey you, take this 10,000 for the hospital bill of your mother. And go to our concert. After the concert. Go to backstage with your friend Kayla? Show the ID  to the guards there. We will wait for you our number 1 hater." - EXO.

Hindi ko na mapigilan na umiyak. Umiyak sa sobrang tuwa. Siguro ako na ata ang pinakamaswerteng tao sa mundo. Sobrang swerte ko dahil nakilala ko sila sobrang swerte ko kase sobrang nila  bait.

Tinignan ko yung wrist watch ko. It's already 6:30 pm at 30 minutes nalang concert na nila.

"Ma'am una na po ako. Maraming maraming salamat po talaga. " ngumiti lang sa akin si ma'am. Umalis naman na ako matapos akong magpaalam sa kanya.

Tinext ko si Kayla na makakapunta ako sa concert ng pinakamamahal niyang EXO. Hintayin niyo ako EXO!

XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX

EXO Meets Their HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon