#7 "MULING PAGKIKITA."
DIANA P.O.V.
Hayyyyyyy. Namimiss ko na si Joan. Miss ko na yung bestfriend ko. Miss ko na boses niya. Miss ko na yung pagkanta niya ng Alien song......... Wait. Biglang nagflashback yung nangyari kagabi sa room OT12.
"DI MO BA KAMI KILALA?"
"KAMI ANG EXO. HINDI ESO.!!!!"
Waaaaahhhhhhh.. Ayoko ng pumunta doon kahit kailan. Sobrang nakakahiya yung mga pinagsasabi ko sa kanila. Yung pang-iinsulto ko sa mga pangalan nila. Yung pagsabi ko sa kanila ng magnanakaw. Yung tinatawan ko yung mga weird nilang pangalan. Waaaaahhhhh sobrang nakakahiya. Nakalimutan ko pang magsorry sa kanila.
"Oy Diana anung ginagawa mo dyan ha.?" Tanong sa akin ni Riya. Kita mo nga naman to, bigla nalang susulpot tulad ng dati.
"Wala. Teka bakit parang pawis na pawis ka.?" ako naman nagtanong sa kanya.
"Ah naglinis lang naman ako sa room B612 at room XM9. Grabe talaga nakakapagod. Buti nga ikaw paupo upo nalang dyan." Sabay punas niya sa pawis niya.
"Diana halika." Tawag sa akin ni Manager #2. Oo dalawa manager namin. Minsan kasi wala si Manager kaya kapag wala siya si Manager 2 ang bahala sa amin.
"Bakit po." Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Pakibigay nga tong 12 towel at palitan mo narin yung bedsheets sa room OT12. Nangangati daw kasi yung mga guest doon." Sabay abot sa akin ni manager ng 12 na towel at bedsheets.
"Manager ako po talaga.?" Tanong ko ulit. Ayoko na talagang pumunta doon.
"Oo. Ikaw lang naman ang Diana dito. Bakit may problema ba.?" Lunok laway nalang ang ginawa ko at umiling. Masungit kasi si second manager kaya huwag nalang akong umarte kaysa sa wala akong trabaho. Inabot naman sa akin ni Manager 2 yung susi. Kaya mo to Diana.
Kaya mo yan.
Pumunta na nga ako sa room OT12. Habang nasa elevator ako. Dasal ako ng Dasal kaya halos lahat ng tao na kasabay ko sa Elevator ay nakatingin sa akin. Sana wala sila doon. Please.
At nasa tapat na nga ako ng room OT12. Sobra akong kinakabahan at namamawis na naman ang dalawang kamay ko. Huminga ako ng malalim at binuksan ko na yung kwarto. Tinignan ko ng mabuti. Wala namang tao. Bakit kaya wala sila palagi?. Inilagay ko sa ibabaw ng lamesa yung towel nila at nagsimula ng palitan yung mga bedsheets. Sobrang dami pa nito. Binilisan kong palitan yung bedsheets para makaalis na ako. Ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan.
After 30 minutes natapos din ako. Sa wakas makakalayas din ako dito. Buti wala pa sila. Kinuha ko yung bedsheets. Pipihitin ko na sana yung door knob ng makaalis na ako pero bigla nalang silang pumasok. Oo sila. Yung 12 na lalaki.
Tugudug my heart tukkol may bones. Napaatras ako.
"Oh si miss Hater nandito." Sugo.
"Bakit namiss mo na ba kami?" Sabay tawa ni Sehun.
"Tayo mamimiss na yan. Eh kung ano ano ang pinagsasabi niya sa atin kagabi eh." Sabi ni Chanyow. Gosh. Anu nang gagawin ko.
"Hahaha. hindi ko nga makalimutan yon eh." Sabi naman ni Bekyun.
"Ako nga din eh. Ako walang makita? Hahahaha." -Xuimin.
At nagsimula na nga silang magsalita ng sabay sabay. Kaya wala na akong maintindihan sa kanila. Ang tangi ko lang naririnig ngayon ay yung kabog ng dibdib ko. Sobrang lakas. Hindi na ako makahinga. Nahihilo na ako. Nagulat nalang ako ng biglang pumatak yung luha ko at nasabi ko sa kanila na...............
"Sorry. Hindi ko sinasadya. Sana huwag niyo akong isumbong kay Manager. Ako lang ang bumubuhay sa kapatid at nanay ko. Sorry. Talaga." Biglang naglabo ang paningin ko at napahiga sa sahig.
XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOX
THIRD PERSON'S P.O.V.
Nagulat lahat ng EXO members ng biglang napahiga si Diana.
"Hala kayo." At nagsisihan na nga sila. Imbis na tulungan nila si Diana inuna muna nila ang sisihan.
"Teka. Anu pang ginagawa niyo tulungan na natin siya." Sabi ni Suho. Kahit gaano man siya kainis sa babaeng ito tinulungan niya parin.
"Tatawag ako sa office." Nagdial na nga si Sehun.
Ilang minuto dumating na nga si Manager 2 at dalawang lalaki.
"Anung nangyari po sa kanya sir?" Tanong ni Manager 2
"Bigla nalang siyang natumba sa sahig. Wala naman kaming ginagawang masama sa kanya." paliwanag si Suho. Binuhat naman nung dalawang lalaki si Diana at ibinaba.
"Pasensya na po sir sa nangyari kay Diana. Sige po mauna na kami. Titignan pa po namin si Diana eh." at umalis na nga si Manager 2. Naiwang nag-aalala ang karamihang members. Syempre nasa isip nila na may kasalanan sila sa nangyari kay Diana.
XOXOXOXOXOXOXOXOX
BINABASA MO ANG
EXO Meets Their HATER
غير روائي"Sa wakas tapos na rin. Success." sabi ko ng makalabas ako sa banyo. Bwiset kasi yung cupcake na yun kinakain ko pa. Teka kailangan ko na palang umalis Paalis na sana ako dito sa kusina kaso may biglang dumating na........... inisa isa kung bilan...