No More Denying

50 5 0
                                    

go to youtube and load wherever you are by 5 seconds of summer 🎵🎶



THIRD PERSON's POV


Unti-unting minulat ni Bella ang mga mata niya. Lumingon-lingon siya at walang makitang iba kundi.. mga Christmas light.. mga picture nila ni Nate. Meron pa ngang banner na nakasulat ay NATHELLA FTW. Medyo napangiti si Bella. Weird din kasi kahit papa'no.



Hindi na siya kinabahan dahil siguro si Nate ang may pakana neto. Eto kaya yung pinagkakaabalahan niya? Kaya siguro hindi niya nakakausap si Bella sa isang linggo? Hindi alam ni Bella. Tatayo na sana siya para makita ang mga litrato ng malapitan, kaso nakatali pala siya sa isang upuan. "Hello?"



Walang sumagot.



"Um, is anybody here? Sagot naman diyan, oh." Weird. Pero 'di pa rin siya kinakabahan. Kung kidnapping 'to, eh bakit ganito? Haay nako. "Anybody? Answer me?"



"Hi, Bella," cold na pagkasabi ng isang boses. Biglang lumitaw ang isang napakagandang babae. At halos mapasigaw na si Bella nang makita niya si Roxanne. May hawak itong Nerf, tho hindi niya alam kung baket. "Surprised? Eto yung mga NathElla moments, oh." Tinignan niya si Bella ng masama. Okay. So ganito ang paraan ni Roxanne ng kidnapping?



Hindi halata.



At once na mag-sink-in sa utak mo ang nangyayare, kakabahan ka talaga ng bongga! Parang sa una, lilipad ang mga paru-paro sa tiyan mo pero biglang nagiging palaka? Yung parang, "SURPRISE! MAMATAY KA NA." Magaling mag-surprise si Roxanne, ah. This? It was so unexpected.



Akala kasi ni Bella nagkaayos na sila doon sa room ng SC sa CCA. Pero mukhang hindi, eh. Akala niya ba okay na sila ni Roxanne? Akala niya nagbago na talaga si Roxanne. Akala niya naibalik niya na ang dating Roxanne na.. humihingi sakanya ng advice.. kapag umiiyak, andyan lang si Bella para sakanya.. pero akalain niyo, akala niya lang pala ang lahat ng yun?



"Roxanne.." She said with a small voice. Halatang kinakabahan siya, kaya napangisi si Roxanne. "What are you up to? Am I about to meet my death? Roxanne, I told you.. you can have Nate for yourself. Just.. just--"



"Shh." Nilapitan siya ni Roxanne, at inayos ang buhok ni Bella. Pagkatapos, eh pilit na nilagyan niya ng lipstick ito. "Dapat maganda ka sa surprise ko.."



"What surprise?" Hindi inaasahan ni Bella na tataas ang boses niya, pero kinakabahan talaga siya, eh. At tao naman siya, siyempre, kaya 'di niya maiwasan ang galit na nararamdaman niya ngayon. "Roxanne, we can sort this thing out! You don't need to kill me! Please, I'm begging--" Tinakpan ni Roxy ang bibig niya.

Karibal si ex-Bespren!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon