Best Friend

36 3 0
                                    

1k reads like omg. lovelynjdb nga ho pala. pasensya na kung nagp-promote ako xD


Nathan Gerald's POV


Bumalik na kami sa bahay nila. Gusto pa sana ni Bella mag-stay, kaso wala naman siyang damit. Kaya sabi ko, uwi muna kami. Ayaw niya sana. Kaso ako nagpumilit, eh. Ano? Manghihiram siya? Okay lang naman 'yon, kaso dapat may mga extra din siyang damit.



"Nathan, kung dito ka nalang sa labas," sabi niya. Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay. "What? Nothing's gonna happen to you, bruh. I'll just get some clothes, some snacks, and then done."


Tiningnan ko ang bahay nila at pagkatapos siya naman. Katulad ng dati, tinaasan ko siya ng kilay. "Kita mo yun?" Tinuro ko yung taas ng bahay nila. Kumunot naman yung noo niya. "Walang mga ilaw. Wala. Kaya samahan na kita, baka kung ano pa din mangyari sa'yo." Nanlaki mata niya.


"Mom's inside, for sure."


"Kahit na."


Napapadyak siya, pero napangisi nalang ako. Hindi naman sana 'to masyadong pikon. Joke. Alam kong pikon 'to pero love niya naman ako, diba? Hahaha. Joke lang ulit. May 'tamang panahon' pa rin para diyan. At 'wag niyong isipin na tapos na ang October 24 kasi hindi ako AlDub fan, at mas lalo nang hindi lang ang October 24, 2015, and tamang panahon. Bow.


Pumasok kami sa loob, at sobrang tahimik talaga. Pumunta siya sa taas at sumunod naman ako, siyempre. Pagbukas niya ng pintuan ng kwarto ng mama niya, eh walang tao. Kinabahan ako dahil sa nangyari kanina. At alam kong, kinakabahan rin siya.



"Weird." Tumawa siya ng mahina, pero halata pa rin yung kaba. "I thought.. she was just here.." Umiling siya. "I'll just get some clothes, okay? Wait for me outside." Pumunta siya sa kabilang kwarto. Napabuntong-hininga ako nang wala na siya


Ano kaya ang nangyare kay Tita? Hinimatay lang siya, diba? Wala naman sigurong mas malala pang mangyari sakanya.. ayoko nun. Naging mabait kasi sakin si Tita, at isa pa, future mother-in-law ko 'yon. Haha. Pabayaan niyo na ang mga.. um.. gwapo? Basta.



Pagkatapos ng wala sigurong limang minuto, nasa labas na siya. At napansin ko na parang umiyak siya. "Nathan.. let's have some snacks, shall we?"


"Bella-"

"Don't be shy!" Tumawa ulit siya, pero mapapansin niyo agad na may halong lungkot yung tawa niya. Kasi kapag tumawa si Bella, hanggang mata yun. Ta's nakakahawa ang tawa niya. Hindi naman pambruha, pero as in yung mahahawa ka lang talaga. "Hey, Nate." Tinapik niya 'ko sa balikat. "Is something wrong?"


"Bella." Tumigil ako sa paglalakad ng makarating na kami sa harapan ng counter. Tiningnan niya lang ako. Pakiramdam ko, alam niya na ang nangyari sa mama niya. Siyempre, tatawagin siya ng mga kasambahay, diba? "Siguro dapat--"


"Dapat hindi nalang ako gumawa?" Ngumiti siya. T*ngina. Kailan pa ba siya titigil? Nasasaktan lang siya, eh, panigurado! "C'mon Nate, nagugutom na rin ako. I'll make one for you, too, if you'd like."


Karibal si ex-Bespren!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon