Kabanata VII( San Roque)

593 9 0
                                    

Mahaba-haba rin ang byenahe ko at sa wakas ay dumating narin ako sa bayan ng San Roque. At sa hinaba ng byahe ay alas 5pm narin ng hapon ng dumating ako..

Sabi ni Angela ay may susundo sakin ditong matanda,kasi daw may ginagawa ang kuya nito,busy daw.Okay lang naman sakin,ayaw ko namang mang-storbo ng ibang tao,atleast may susundo parin,ako paba ang mag-iinarte..hehehe..


kriiiinnngggg...

Oh hello Elle,San kana?dumating ka na bah sa San Roque??- si Angela

Hello Angela,Oo nandito na ako,hinihintay ko yung sinasabi mong susundo sakin..

Pasensya na bestie huh,sabi ni kuya papunta na raw dyan,hintay2 lang ng kunti..-si Angela



Ito naman,makakapaghintay naman ako. Tsaka bestie salamat talaga sa tulong mo huh,kung hindi dahil sayo,hindi ko na alam kung san ako pupulutin nito eh..

Asooosss, anu paba ang kwenta ng pagiging magbestie natin kung hindi kita tutulongan.Huwag ka ngang madrama dyan. Magiging Okay pakiramdam ko kung alam kung safe ka..Oh cge bestie,tatawag nalang ako ulit huh kung may oras ako..bbye,ingat ka dyan..Luv u
.- Angela

Luv u too bestie...

At narinig ko nalang na pinutol na nito ang tawag..Ito talaga si Angela,hindi nag-iisip,ang mahal pa naman ng tawag mula sa labas. Pero grabe,nagpapasalamat talaga ako na binigyan ako ng Dyos nang kaibagan na tulad niya..At Salamat at dumating narin ang susundo ata sakin,kasi may dala pa talagang papel si manong at nakasulat ang pangalan ko doon...hahaha..parang nasa Airport lang noh???At nilapitan ko na agad ito..Tinulongan naman ako ni manong tano sa mga gamit ko pasakay sa sasakyan nito,i mean kina Angela at sumakay narin dito..




Habang nasa daan ay naisip ko nga tama nga si Angela,sobrang ganda nga ng San Roque,kahit ang nakikita ko lang ay mga palay, mga puno, mga bundok ay nagagandahan parin ako..hehe..Ang linis ng hangin na wala sa manila...


Manong Tano,ako po pala si Elle,ako po yung kaibigan ni Angela..


Ako naman poh si Mang Tano iha,nagtratrabaho ako sa lupain ng mga De Guzman,at ang asawa ko namang si Corazon ang tagapagluto sa bahay nila...


Tumahimik narin ako ng wala na akong maitanong pa kay manong Tano. Nasisiyahan kasi akong tanawin ang malawak na lupain nila Angela.Hindi niya naman niya kasi sinabi sakin na sobrang laki pala nito.Bigla kung naisip ang kuya ni Angela...



Manong Tano,nangdyan po bah ang kuya ni Angela...



Maam wala po siya sa ngayon,nasa bayan po...



Manong Tano,pwede po bang Elle nalang manong,sobrang pormal naman po kasi ng maam,hindi po naman ninyo ako amo...




Cge po Maam..,ay este cge Elle..Ilang taon kana bah iha??ang ganda2 mo kasi.




Salamat po..24 na poh ako manong Tano..





Lumiko ang sasakyan at nakita ko ang isang bahay. Akala mo isang simpleng bahay lang kung titignan ito sa malayo,pero pag nasa malapitan na ito,sobrang laki nito,malamansion na ito kunh titignan..Nakita ko may babaeng nakatayo sa labas ng bahay. Ito siguro si manang corazon na asawa ni manong Tano.Huminto ang sasakyan at hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ni manong,hindi naman ako prinsesa eh at tinulongan ko si manong na ibaba ang mga gamit koh.Lumapit naman ang matandang babae sakin at nakipagkilala.



Iha ako pala si corazon,katulong dito..Kamusta ka naman,nahirapan ka bah sa byahe? welcome home nga pala dito sa mansion ng mga De Guzman.



Okay lang naman po manang,medyo napakod lang po ng kunti..hehehe..Ako naman po si Elle,kaibigan ni Angela...




Pumasok na kami sa bahay at grabeh kahit nasa probinsya ang bahay nito,moderno parin ang ginamit at kompleto ang gamit dito. Nakakaingit naman si Angela sa sobrang yaman ng pamilya nila.Mangkagoon man ni minsan ay hindi naman ako nagtake advantage sa pagkakaibigan namin kahit mahirap kami,pinalaki naman ako nila nanay at tatay ng maayos..




Iha ito nga pala si Magda,siya ang magdadala sayo sa kwarto mo ng makapagpahinga ka muna at tatawagin ka nalang namin pag tapos na akong makaluto at makakain ng haponan.- si manang corazon




Sige po manang,maraming Salamat po..Nakita ko naman ang isang babae na nakangiti,base sa katawan nito ay parang magkasing edad lang rin kami ni Magda.




Dito po tayo maam.. Umakyat kami sa itaas at nakita ko na may apat na kwarto meron ang bahay sa itaas at sa ikatlong kwarto ang binuksan ni Magda. Pagkatapos ay umalis narin ito.Nandito narin ang mga gamit koh,siguro pinasok ito ni manong kanina habang nag-uusap pa kami ni manang corazon sa sala.




Lumapit naman ako sa kama at humiga.Sobrang sakit ng katawan koh sa byahe.At unti- unting bumababa ang talukap ng aking mga mata at hindi ko nah namalayan na nakatulog na ako.

Green Thumb Meet The Baker'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon