Miguel Gian De Guzman

502 9 0
                                    


Natatawang bumaba ng bus si Gian, akala ng babaeng yun ay hindi ko siya papatulan,yan tuloy nakatikim ng halik sakin,hahaha nga-nga siya tuloy.Nandito ako sa karatig bayan kasi kukunin ko yung pinag-usapan namin ni Ryan na kabayo, isang matalik kong kaibigan na mahilig sa kabayo,hindi lang pangkaraniwang kabayo ito,galing pa itong New Zealand at ngayon ay binibinta na niya ito sakin sa maliit na presyo,kasi raw may darating na bago,regalo raw sa kanya ng daddy nito.


Gabi na nang makaalis ako sa bahay nila Ryan kasi niyaya pa kasi ako nitong mag-inuman at ayun,nakatulog sa kakasalita tungkol sa girlfriend nitong nang-iwan sa kanya,kawawa talaga ang itsura nito kanina,umiiyak pa ito habang nagkwekwento.



Pangit ba ako pare?May pera naman ako dba?Ano bang meron sa Alex na yun at sumama sa walanghiyang tao.? -tanong nito sakin



Pare walang kulang sayo at hindi karin pangit,mas gwapo nga lang ako sayo.hahaha



Magsisi rin si Connie sa pag-iwan sakin pare,ipapakita ko sa kanya kung sino ang iniwan niya at pinagpalit sa iba.- Ryan






Tumahimik nalang ako habang salita ng salita si Ryan. Sino ba naman ang hindi magagalit kung pinagpalit ka nga sa iba. Mahal na Mahal nito si Connie at mahigit pitong taon na sila.Naisip ko talaga na hindi basihan ang tagal ng relation para sabihing mahal na mahal niyo ang isat-isa.tsk!kawawang Ryan,pero alam ko malalagpasan rin nito ang lahat.




Ay ako nga pala si Miguel Gian De Guzman,pinanganak ako sa manila pero lumaki ako sa San Roque kung saan nanggaling ang aking ama..And yes,im the brother of Angela De Guzman.Tatlo kaming magkakapatid pero nasa ibang bansa na si Kathleen,isang fashion Designer at si Angela naman ay yun kasama ng magulang namin sa america,may mga business rin naman kasi kami sa america but i know gusto lang talaga nilang bantayan si kathleen doon..hahaha..Pero umuuwi naman sila mama at papa sa manila,paano nalang ang companya namin doon..






Habang nasa daan ay naalala kung may bisita pa pala ako sa mansion ngayon. Sabi ni Angela ay dadating raw ang kaibigan nito sa bahay,doon daw muna ito kasi wala na daw itong matutuluyan at naawa naman si Angela..Sobrang bait talaga ng bunso namin,kaya hindi ko mahindian ang hiling nito baka magtampo pa sakin,naalala ko tuloy kung paano bomisangot ang mukha nito kapag kinukulit ko ito noon.hehehe...Siguro naman nakuha na ito ni tatay kanor kanina at napakain narin ito ni nanay corazon at siguro nagpapahinga na ito ngayon.




Hating Gabi nang akoy dumating sa mansion,patay na ang mga ilaw,siguro tulog na ang mga tao.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso na sa kwarto,pagod narin ako.Bago matulog ay naligo muna ako,ang baho ko nah ata,nasusuka narin ako sa dami ng nainum ko kanina.Matapos kong naligo ay nagbihis na ako at humiga sa kama, bukas ko nalang kakausapin ang bisita,tulog narin yun baka disturbo lang ako at sabihing bastos kasi lasing akong nakikipag-usap sa kanya. Humilata narin ako sa kama,bumibigat narin ang aking mata hanggang nakatulog akong ang aking naiisip ay ang babaeng napakasarcastic kung makapagsalita kanina..tsk3

Green Thumb Meet The Baker'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon