Ikaw????

474 8 0
                                    


Dumadampi saking balat at mukha ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking silid, i mean ang kwartong binigay sakin.Bumangon narin ako at pumasok sa banyo.Naisip ko talaga na kahit nasa probinsya ako ay hindi ko maisipan na nasa kasulok-sulokan ako ng probinsyang ito,alam niyo kung bakit???Hands Down ako sa taong gumawa ng bahay na ito,ay mansion pala.Napakaganda kasi ng mga gamit dito,parang galing pa sa ibang bansa ang mga gamit dito at ang design ng kwartong ito,sobrang ganda.Naiinggit tuloy ako kay Angela ngayon kasi sila meron sila ng ganito at ako wala.Haizzz! makaligo na nga baka nandyan na ang kuya ni Ela,nakakahiya kung magiging akong tanghali na.Ang sabi naman ni Angela sakin ay mabait naman daw ito,sana nga..Pero sabi nito napakaseryoso daw nito at napakastrikto, pagpasensyahan ko nalang daw ito..Ako pa ba ang mag-iinarte,ako na nga ang makikituloy..haiz...Pagkatapos kung maligo at nagbihis at bumaba narin ako para may maitulong kina manang cora short for corazon.






Pagbaba ko ay dumiritso narin ako sa kusina,at namangha talaga ako saking nabungaran,sobrang ganda kasi ng pagkakagawa at kompleto ang mga gamit. Napakaorganized pa ang pagkakalagay ng mga gamit kung saan ito nararapat ilagay.Nakita ko si manang cora na may niluluto..






Magandang Umaga po manang cora..




Magandang Umaga rin sayo iha,napakaganda mo talagang bata ka..gutom ka na bah?






Salamat po! Pero hindi pa naman ako nagugutom manang cora.ano po bang niluluto niyo at nang matulongan ko po kayo riyan.




Naku umupo ka nalang riyan iha at ipagtitimpla kita ng kape..




Inilapag na nga ni manang cora ang kape na sinasabi nito sa harapan koh,amoy palang ay alam kung masarap na.




Salamat poh sa kape manang,ang bango-bango naman poh nito,anong kape po bah ito manang???



Barako iyan iha,sobrang bango niyan kasi galing pa yan sa bukid,nilagyan ko yan ng gatas.Iha nagkita na ba kayo ni Gian kuya ni Angela??




Ahmmm...wala pa po manang,ni minsan po kasi ay hindi ko siya nakita sa manila, sabi kasi ni Ela ay lage itong busy.



Busy???Hindi pa naman busy sa bukid ngayon iha at kailan naman siya magiging busy eh may mga tauhan naman siya doon.Baka isinubsob nanaman ang katawan nito sa bukid..Ewan ko ba sa batang iyan,simula ng dumating yan dito ay lage nalang pinapagod ang sarili,minsan ko nga lang yan makitang tumawa.


Tahimik lang rin akong umiinom ng kape habang nakikinig kay manang cora tungkol sa kuya ni Angela..Kinakabahan na tuloy ako but naman ako kakabahan??wala naman akong ginagawang masama..Tapos narin itong magluto at naghahanda na sa hapag at tinulongan ko narin ito sa pagprepare..Biglang nagsalita si manang.




Magda,tawagin muna si senyorito at nang bumaba na at makakain..


Nakita ko naman si Magda na umakyat agad. But natataranta naman si Magda,natatakot ba ito?Bigla nanamang tumambol ang puso koh..Ewan ko bah..nakaupo narin ako at hinihintay ang Gian na kuya ni Angela,ang tagal naman nito,nagugutom na ako eh..




Magandang Umaga!

Tinig ng isang lalaki ang narinig koh,tumingin ako kung sino at nakita ko may isang lalaking habang pababa ng hagdan. At hindi lang to basta isang lalaki,shit! ito yung lalaki sa bus,bigla akong kinabahan.shit talaga at sinagot ito ni manang.




Magandang Umaga naman sayo iho,halika na at ng makakain kana rin.Andito narin ang bisita.

Tumingala ako ulit para batiin siya,bahala na!



Goodmorning..ako pala si Ellaine,Elle nalang...nakita ko ang pagkagulat ng mukha nito at biglang napalitan ng pagkaseryoso at galit.galit??siya pa may ganang magalit eh ako nga ang hinalikan nito.Pambihira naman kasi sa dinamidami pa na maging kuya ni Ella ay siya pa.Tumikhim ito bago nagsalita at inabot ang mga kamay koh.




Ahem!Goodmorning!So ikaw pala ang sinasabi ni Ella na kaibigan..Ako nga pala si Gian..Akalain mo nga naman noh,yung taong tinarayan mo noon ay siyang may-ari ng tinitirhan mo ngayon..tingin nito sa mukha koh sabay grinn nito...


Shit!Napahiya ako dun ah!Tumahimik nalang ako sabay yuko ng ulo koh.At kumain narin kami..Kami lang dalawa ang kumakain ngayon,walang imikan,sobrang tahimik,kinakabahan na tuloy ako.Alam kung pinagmamasdan ako nito kasi minsan nakikita ko itong nakatingin sakin.Dinalian ko ang aking pagkain nang magsalita ito..

Hinay-hinay lang,marami pa namang pagkain oh..


Tumingin ako sa kanya,sige lang pagbibigyan kita ngayon,isip2 koh.


Busog na ako..sabay tayo bitbit ang pinggan na ginamit koh.



Iwan mo nalang ang pinggan dyan,sina manang na ang bahala niyan baka sabihin ni Angela ay pinahihirapan kita rito.

hmmm..okay..at umalis na ako at pumunta sa veranda,hindi ko matagalan ang mga titig nito,nakakatakot parang lalamunin ako nito pag nandon pa ako.




Green Thumb Meet The Baker'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon