3:06 AM

628 36 13
                                    


"Ikaw Vanessa, naniniwala ka ba sa mga multo?" Tanong sa 'kin ng aking kaibigan na si Alexandra.

"Psh, ako? Maniniwala sa mga multo? Hindi noh, At hindi rin ako natatakot sa kanila dahil sabi nga nila, dapat matakot ka sa buhay 'wag sa patay."

Sagot ko sa kanyang katanungan habang ako'y ngumunguya dahil kumakain ako ng sandwich.

"Bakit naman hindi ka natatakot? Nakakatakot kaya ang mga multo." Saad niya sa akin.

"Hay nako, tumigil ka na nga. Mas nakakatakot pa kaya 'yang pagmumukha mo." Biro ko sa kanya at sabay naglabas ako nang malakas na tawa sa loob ng canteen ng aming paaralan.

"Grabe ka naman, Ang hard mo ha." Sabi niya sa akin sabay irap.

Sa gitna ng aming pag-uusap tumunog na ang bell. Hudyat na ito na tapos na ang lunch time namin.

"Tara na, bell na. Madami ka pang ibabagsak na quizzes." Biro ko sa kanya at sabay tumawa ulit ako nang malakas.

"Hay nako Vanessa, ikaw lang ang natatawa sa sarili mong joke." Sabi niya sa'kin habang kami'y naglalakad sa hallway papunta sa aming classroom.

"Joke lang, 'to naman 'di mabiro-biro." Siniko ko siya sabay yakap nang mahigpit habang kami'y naglalakad pa rin.

---

"Vanessa! Puwede bang magsleep-over sainyo? Tutal wala naman tayong pasok bukas." Tanong ng aking bestfriend na si Alexandra.

"Sige, movie marathon tayo!" Tuwang-tuwa kong sabi sa kanya at inalog-alog ko siya.

"Sige, pero 'wag 'yung nakakatakot ha! Alam mo namang matatakutin ako."

"Ang KJ mo naman! Mas maganda kaya ang horror movie kapag midnight movie marathon. At isa pa, horror lang ang mga cd's ko sa bahay." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway papalabas ng eskwelahan namin.

"O sige na nga. Pero 'wag 'yung masyadong nakakatakot ha. Baka mamaya bangungutin tayo."

"Psh, hindi 'yan!" Hay nako napaka-matatakutin talaga nitong si Alexa.

---

Gabi na kami nakarating dahil medyo may kalayuan ang school sa bahay ko.

"Nasaan ang parents mo?" Tanong niya sa akin.

"Wala sila, hindi sila matutulog dito ngayon dahil nasa probinsiya sila. Binisita nila ang lola ko." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah.."

"Magpapalit lang ako ng pambahay ha." At sabay pumanhik na ako sa itaas.

Pagkapasok ko ng aking kwarto nagpalit na ako ng pambahay. At may pumasok sa aking isipan.

Tatakutin ko si Alexa! Pumasok ako sa loob ng aking aparador at tumili ako nang sobrang lakas.

"ALEXA!" Sumigaw ako sa loob ng aparador at nang marinig ko na ang mga yabag ni Alexa na paakyat sa hagdan, tumahimik na agad ako.

Nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto. Kinalampag ko ang pintuan ng aking aparador habang ako'y na sa loob.

"V-Vanes-sa? Nasaan k-ka?" Nanginginig niyang sabi. Habang ako naman ay nagpipigil ng tawa.

Binuksan ko na nang tuluyan ang aparador at sumigaw ako upang magulat siya. At effective nga ang aking ginawa. Napatili siya at napatalon sa gulat.

"NAKAKAINIS KA TALAGA!" Pabebe niyang sabi habang namumutla na siya sa takot.

Naglabas ako nang malakas na tawa. "Masyado ka kasing matatakutin, 'yan tuloy."

"LECHE KA!" At pinaghahampas niya ako.

3:06 AM [PUBLISHED UNDER PSICOM REEDZ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon