TPC #7

407 76 6
                                    

[Edited]

Heartbeat.


Pagpasok ko sa canteen agad hinanap ng mga mata ko si Leya. Nang makita ko ito ay bagsak ako'ng naupo sa lamesa namin at lumutang na naman ang isip ko. Wala ako sa sarili sa madaling salita.


"Jenny! Hoy! Ano ba?! Kanina pa ako nag kwe-kwento tungkol sa pinsan mo hindi ka naman pala na kikinig saaakin. Sayang laway ko siszt!!" sabi nito saakin na may kasama pa'ng pag-irap. Halatang inis ito saakin. Bumuntong hininga naman ako.


"Sorry Leya, may iniisip kasi ako 'e pasensya na talaga. Sige uwi na lang muna ako masama din kasi pakiramdam ko" pagpapaalam ko naman  sa kanya kahit na hindi naman talaga totoo na masama ang pakiramdam ko. Ayaw ko lang muna talaga makita si James mansamantala at siguro mas maganda kung iiwasan ko na rin muna siya. Pag-iisipan ko muna ng mabuti to'ng nararamdaman ko at baka lumalala ito ng hindi ko namamalayan.


"Okey, tell me if you need me ha? I'm always here! We're bestiee remember. Specially kapag usapang PUSO na. Kilala kita okey mabilis ka pa naman maguluhan sa mga nararamdaman mo at malala magka gusto sa isang tao tsk." untag pa nito na siyang iki-nangiti at ikina-iling ko. Well I'm happy and thankful to have her as my bestfriend.


"O sige na bestfriend! Ako nang bahala komopya ng notes and mag sabi sa pinsan mo" dagdag nito.


"Salamat Leya" i said and give her a smile and a warm hug.


Habang nag di-drive ako pauwi ay siyang pag ring ng phone ko kaya naman tinabi ko muna ang kotse bago binalingan ang cellphone ko na walang tigil sa pagtunog. Dinampot ko naman ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Number lang ang nakalagay napaisip pa tuloy ako kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli. Nevermind!


"Hello?"


"[Hello Ate Jenny! Si Hannah po ito]" Agad ko naman inilayo sa tenga ko ang telephono at tinignan ang caller ID. Kaya pala isang unregistered number dahil si Hannah pala ang tumatawag. Napailing nalang ako sa sarili at napaisip kung bakit ito napatawag.


"Oh Hello Hannah! Kamusta? Bakit ka na patawag may problema ba?"


"[Wala Ate Jenny gusto lang kita kamustahin pati na rin si Kuya Ran. Kasama mo po ba siya?]"


"Ah.. pasensya na Hannah, hindi ko kasi kasama ngayon si Kuya Ran mo. Nasa school siya samantalang ako ay pauwi"


The Perfect Couple✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon