TPC #68

205 26 10
                                    

[Edited]











Ngayong araw na ito ay kabuwanan ko na at heto ako't kabadong kabado na. Kasalukuyan naman akong andito sa sala't nakaupo habang kinakausap si baby na panay ang likot sa loob ng tiyan ko. "Kumalma ka please...." mahinang bulong ko dito.







"Baby ko.... maya-maya lang ay makikita na kita. Huwag mo sanang pahihirapan si Mommy ha?" sabi ko dito habang hinahaplos haplos ang tiyan ko.






"Shocks!" na sabi ko na lang dahil nagulat ako ng sumipa ito bigla na akala mo'y tumutugon sa sinabi ko. Napangiti ako.







"Anong ibig sabihin non baby? Oo ba o hindi?" tanong ko dito. Hehehe...







"Love" mabilis naman ako napalingon kay James ng tawagin ako nito. Napakunot naman ang noo ko ng makitang bihis na bihis siya. Bakit bihis na bihis siya? aalis ba siya? pero!





"Hubby, saan ka pupunta?" tanong ko rito.





"Eh kasi love pupunta ako sa company. May emergency kaya nay papatawag ng meeting. I'm so sorry love...Pero wag ka mag-alala! babalik agad ako. I promise!" sabi nito at humalik sa noo ko at sumunod ay sa tiyan ko. Labag man sa loob ay napanguso na lang ako.





"O sige, basta bilisan mo ha?" sabi ko. Syempre ayokong manganak na wala siya sa tabi ko! At kinakabahan din ako 'e.





"Yeah, Call me okey? I have to so. I'm really sorry love...byee" sabi nito at umalis na.







"Naku po baby. Umalis ang daddy kaya ikaw. Mamaya kana mag bigay ng sign kung lalabas ka na ha? Dapat andito na ang daddy mo kapag kating kati ka na lumabas" sabi ko rito.






"Sweety, here drink this" sabi ni mommy na kakalabas lang galing sa kusina. Inabot nya yung gatas na tinimpla nya. Alam ko naman na ginagawa ito ni mommy para pakalmahin ako bawal ako masiyadong maging nerbyosa.





"Salamat mommy.." sabi ko sabay inom.





"Excited na ako makita yang si baby Jake!" masayang untag nito.







"Can you hear that baby?  Maraming excited na makita ka" sabi ko. Natawa naman kami ni Mommy.






"Naku Jenny! Basta kapag nakaramdam ka ng masakit oh nakita mong pumutok na yang tubigan mo ay mag sabi ka kaagad ha? Nandoon lang ako sa kusina."







"Grabe mom, puputok talaga?" sabi ko dito at tumawa. Nag tungo narin siya sa kusina pagkatapos non.





"Mmmmm... ano kayang pwedeng gawin?" tanong ko sa sarili.





AH! Makapag empake na nga lang ng gamit namin ni baby.



Umakyat na lang ako sa taas para mag empake ng gamit ko at gamit na kakailanganin ni baby Jake. Ng matapos ako ay na pag desisyonan ko naman na matulog dala na rin ng pagod.











James POV



Pagkatapos sa company ay sunod naman ay nag tungo ako sa isang coffee shop. Kanina pa ako dito sa coffee shop na pag-aari ng asawa ko. Dito raw kasi kami mag-kikita ng client ko na si Ms. Win, kapatid ni ate Angelica may pag-uusapan kasi kami or pag me-meetingan. Nagulat na nga lang ako ng malaman ko na may kapatid pa pala si ate Angelica, hindi ko kasi alam at wala rin naman nabanggit si Ate Angelica maging ang asawa ko.





The Perfect Couple✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon