TPC #41

166 35 0
                                    

[Edited]




Jenny's POV



Habang nasa biyahe pauwi ay nasa labas lang ng bintana ang tingin ko. Iniisip ko na kasi ang mga sasabihin ko kay Tita kapag nag-usap na kami. Tama bang sa phone ko na lang siya kausapin or mas magandang personal na lang? Sight.



"Ma'am Jenny. Ayos lang po ba kayo?" nag angat naman ako ng tingin at tinignan si Manong Driver. Napatitig ako saglit nang makapag desisyon. Tinignan ko ang wrist watch ko at mag six pm pa lang naman. "Manong pwede po ba pumunta mo na tayo kanila Tita Linda? gusto ko lang po sana makausap ang tita." magalang na sabi ko. Tinignan naman ako nito mula sa rear view mirror sa taas. 




"Sige Ma'am." pag payag naman nito napangiti ako at nag pasalamat. "Jenny na lang po at saka huwag na po kayo mag 'po' saakin mas matanda po kayo at dapat ako ang gumamit non." Tumango naman ito saakin at napangiti.




Pag hinto ng kotse sa mismong harap ng gate ng bahay nila Ran ay nag paalam ako kay Manong Driver na papasok ako at sabi ko naman ay pwede rin naman siyang pumasok at sumunod saakin pero ang sabi nito ay hindi na lang at sa kotse na lang ako nito hihintayin. Pag pindot ko ng door bell ay ilang saglit lang ay pinag buksan na rin ako ng isang maid. 




"Sino po sila?" ito ang bungad niya saakin. Bago ang mga kasambahay ni Tita at ngayon pa lang ako naka dalaw sa bahay nila pero alam ko kung saan ito at maging address.




"Magandang hapon. Anjan ba si Tita Linda? pamangkin niya ako." nang marinig ang sagot ko ay halos mataranta ito sa pag bubukas ng gate para saakin.




"Pasensya na po Ma'am! bago lang po ako he he he."




"It's okey."




"Nasa loob po si Mrs. Guatamyel, tara po pasok." sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makapasok sa loob ng bahay. Namangha naman ako dahil sa linis, ayos, at ang disenyo ng bahay. Well ito ang kauna unahang bahay nila Ran dito sa Pinas dahil naka base talaga ang family nila sa States dahil sa Daddy niya.




"Maupo mo na kayo ma'am?" 




"Jenny.." paulit ulit naman ito tumango na siyang ikinatawa ko.

The Perfect Couple✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon