TPC #3

643 111 11
                                    

[Edited]


Jenny's POV


Pagdating sa airport ay akala ko'y magiging mabilis na lang ang pagsundo ko sa kanya pero ayun nga hinintay ko pa ang arrival nito. Nakanguso naman ako habang nag papalingon lingon at hinahanap ang mukha ng magaling ko'ng pinsa.


"Jenny!" mabilis naman ako napalingon sa tumawag sa pangalan ko, napangiti naman ako ng sa wakas nakita ko narin ang mokong. Habang naglalakad ito papalapit saakin ay napapataas naman ang kilay ko at sabay mapapatango. Napansin ko kasi ang mga pinag bago nito, sa tagal ko pa man ding hindi ito nakita. Hindi na rin maipagtataka na may mag babago talaga sa isang tao. Sa physical oo, pero sa panloob kaya?


"Bakit hindi mo manlang sinabi sakin na uuwi ka pala" bungad ko dito  na may kasama pang hampas.


"Surprise! HAHAHAHA gandang salubong ha! May palo agad. Di bale namiss kita insan~ kamusta? may nanliligaw na ba sayo eeeeeeeee!" wow ha? akala ko ba naman ang laki na nang pinag bago yun pala hindi. Yun parin siya! sa itsura lang nag bago pero sa pag uugali. Loko loko pa rin.


"Ran tumigil ka nga akala ko pa naman nag bago kana yun pala, hindi. Ikaw parin si  Ran na makulit at puro kalokohan ang nasa isip" komento ko naman sa kanya na may halong pag susungit.


"Grabe naman Jenny! Hindi mo ba talaga namiss tong pinsan mong pogi" umakto naman akong parang nasamid at nandiri sa sinabi niya.


"Hay nako tumigil ka na nga. Tara na't umuwi na tayo! ang tagal mo kaya akong pinaghintay" reklamo ko sa kanya pero ang loko tinawanan lang ako.



Bahay......


Pagkarating namin ni Ran sa bahay ay agad naman kaming sinalubong ng mga katulong at kinuha yung mga bagahe ni Ran at dinala sa kwarto niya. Yup! he had his own room in our own house. Actually hindi lang naman siya pati yung ibang relatives namin na kadalasan dito nag sta-stay sa house namin. 


"Ran! O my goshh~ Namiss kitang bata ka. How are you?" salubong ni Mommy Kay Ran na parang bata sabay yakap kay Ran.


"Buti pa si Tita na miss ako hahahaha! I'm okey Tita, how about you po? Kamusta po?"


"I'm also fine. Dalagang dalaga pa rin hahahaha." napailing nalang ako sa narinig na sagot ni Mommy samantalang si Ran ay tinawanan lang din.

The Perfect Couple✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon