Out of Town trip

293 23 90
                                    

"Classmates, gusto nyo manood ng laban ng basketball team natin sa *CLRAA? Remember, si Sir Drillon ang Coach nila." Nagpatawag ng meeting si Bogs. Shocking man dahil bago sya sa section namin, he was elected as our class president. Mabait naman kasi kaso mahangin.

(*CLRAA Central Luzon Regional Athletic Association)

"Tama classmates, maraming classmates natin ang delikado sa subject ni Sir. Para matuwa satin baka ipasa tayong lahat pag nag cheer tayo sa kanila." Sumang-ayon naman si Lysa.

"And don't forget, si pareng Rudy! Kailangan nya ng moral support natin especially ni Jojie." Naku ito talagang si Bogs porke bestfriend nya si Rudy pati ako idinadamay!

"Tamaaaa!!!" Nae-excite namang hiyawan ng mga classmates namin. Palibhasa sobrang hirap kasi ng Concrete Design na itinuturo ni Sir Drillon kaya kahit matatalino ang section namin pahirapan talaga pumasa.

"Teka! Teka! Classmates ang layo kaya nun... 2 hrs away ang Tarlac! Saka alam nyo ba magpunta dun? Pano yung ibang subjects natin baka i-bagsak tayo ng profs natin pag i cutting tayo." As usual ako lang ang panira ng plano nila, taray mode on. Isa pa, ako lang naman ang class vice-president kaya may say din ako dito!

"Oks lang yan Jojie, kung buong klase tayong mag cut, di nila tayo kayang ibagsak lahat. Solid tayo dito!" Si Bogs na naman. Ang galing talaga manalita at lalong nakumbinse ang mga classmates namin.

"Tama si Bogs! Tara na habang maaga pa di pa tayo nakikita ng mga profs!" Sigaw naman ni Darius, isa pa sa minion ni Bogs na nanliligaw naman k Rosie.

"Ano classmates, tuloy tayo or stay?" Si Bogs talaga pati boses nakaka-asar!

"Tuloy! Tuloy!" Parang mga bata naman tong naghiyawan lahat. Ako lang yata ang nag-iisip ng tama. Pero syempre dahil solid nga kami, majority wins.

"Ano Jojie, payag ka na?" May pakindat-kindat pa tong Bogs na to!

"Oo na! Sige na baka naman sabihin nyo na ako na naman yung KJ!"

"Yeyyy!!! Let's go guys!!!" At nagkakagulo na ang class namin.

"QUIET!!! Hushhhh... Guys quiet kayo. May mag cutting classes ba na binubulabog ang buong Nueva Ecija habang tumatakas? Isa-isa tayong lalabas. Sa iba ibang exit kayo dumaan. Kanya kanyang diskarte. Sa terminal ng bus ang meeting place. Ok. Be discreet!" O say nyo, ako lang talaga nag-iisip ng matino dito. Kahit good girl ako, pag nagplano pang mastemind ang dating hahahaha!

------
Success naman ang pag cheer namin sa aming varsity . Panalo kami and we will advance to the semis. Although napagalitan kami ni Sir Drillon for cutting classes, masayang-masaya rin siya, he felt special daw kasi we supported our team. Kaya we're off the hook. Bahala na bukas sa ibang profs.

Inside the bus, high pa rin ang feeling ng buong class dahil sa panalo ng team at parang team building din ang nangyari samin. Lalo kaming naging solid. Kaya palitan ng palitan ng seats. Ang saya ng byahe.

"Jojie, dun muna ako tatabi kila Macy ha, para maging close din ako sa kanila" as usual si Lyza forever Ms. Congeniality napaka social butterfly.

"Sure Ly..." Sanay naman na ako sa kanya.

Wala pang 10 mins na umaalis si Lyza, kinalabit naman ako ni Darius... Remember, the minion. In fairness, may itsura nman din sya. Medyo matalino rin at mabait. Yun lang same feathers flock together diba nga kaya may hangin din.

"Jojie, pwede bang tabihan si Rosie?"

Sinulyapan ko muna si Rosie, ngumiti naman, ahhh gets ko na.

"Sure Darius." Tumayo na ako, although for three naman yung seats ayoko namang maging third wheel no!

Hmmm... San ako uupo. Ini-scan ko ang buong bus... Dahil di naman namin inarkila, madaming pasahero na di from school. Ayoko tumabi sa kanila, sayang ang bonding moments. Hmmm... Halos puno ang bus, ang vacant seat lang na katabi ay classmate ay.... Sa tabi ni...

"Bogs, pwede makitabi?" Hay naku bakit diko agad naisip na syempre un minion ay katabi ni Gru!

"Sure Jojie." Wow bait ha! Parang genuine naman ng smile ng negrito na ito. I'm not against dark skinned people, talagang medyo maitim lang talaga si Bogs at mula ng maisip ko un nung first meeting namin, diko na maalis un bansag ko sa kanya.

"Since medyo di maayos yung first meeting natin at naging civil lang tayo mula noon, why not take this opportunity to be friends?" Nagulat naman ako sa intro ni Bogs pagkaupo ko sa tabi nya!

"Ah, okay." Yun lang talaga ang nasabi ko ha! Natameme yung pagka suplada-mataray mode ko. Lumabas yun tunay na pagka-mahiyain ko.

"Let's start over again. Hi, I'm Bogs, the president of Canada." Ano daw???? Well kung ganyan ang kwento nya, kaya ko rin!

"Hi Pres. Bogs, I am Jojie, the president of Nicaragua." At nag shake hands kami. O diba sya na ang maputi at ako na ang maitim.

"Since we are both presidents, lets drop the formalities, Bogs na lang. If it's okay with you, Jojie."

"Ok no problem Bogs."

"So kumusta naman ang Nicaragua?"

"Well sa ngayon medyo problemado ako sa air traffic. Sa dami kasi ng competition sa market, bagsak presyo ang airplanes. Kaya binabalak ko na kung wala kang private hangar at airstrip bawal ka bumili ng airplane. May helicopter naman para sa common people diba?" O diba futuristic ang imagination ko!

"Hmmm... Well Jojie, pinagdaanan na namin yang problem na yan sa Canada before. If you want I can refer my air traffic adviser to you. Magaling sya." Ang bilis naman ng pick-up ni Bogs... Masaya to!

"Naku thank you very much Bogs, i will be expecting his call the soonest time possible ha. Important kasi na masolve agad ito. Currently, we are utilizing our underwater cars and busses again. Dati phased out na un kaso kailangan ibalik dahil nga sa traffic congestions sa land and air."

"Yes. Yes, Jojie. Sasabihin kong top priority yan para naman sa good relationship ng countries natin. "

"Thanks again, Bogs.  So, how's Canada?"

Mahaba-habang usapan to. At totoo nga, di namin namalayan, nasa bus terminal na kami. Wow! Ganun kabilis ang byahe at di kami naubusan ng kwento mula sa Nicaragua at Canada Hanggang makarating kami sa Saturn at Jupiter! I admit, this is one of the most fun bus rides in my life.

•••••••••••
😘please vote, comment, talk to me 😊

Can This Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon