Bestie Bogs

106 11 22
                                    

"Jie..." Aba si Bogs ang aga pumasok. Di rin kaya ito nakagawa ng assignment kaya maghahanap ng mako-kopyahan?

"O Bogs, aga mo ah! Di mo kasabay si Darius?" Oh my! May sakit kaya si Bogs? Parang ang lalim ng mga mata nya. "Bogs, masama ba pakiramdam mo? Gusto mo samahan kita sa clinic?"

"Okay lang ako Jie, di lang ako nakatulog. Nag-aalala ako sayo mula pa kagabi. Kasi naman bakit in-off mo agad yung CP mo."

"Ha? Nagka-ganyan ka dahil dun sa text natin kagabi? Over ka naman Bogs."

"Over ako, eh ikaw nga mukhang di ka rin nakatulog. At mugto pa yung mga mata mo. Sorry Jie, di ko sinasadya na masaktan kita. Mali yung nasabi ko sayo kagabi."

"Wala ka namang kasalanan Bogs. May katwiran naman yung mga sinabi mo. Sino nga ba naman ako di ba... Saka binukas mo lang yung mga mata ko para magising ako agad. Naiyak lang rin ako kasi, syempre, masakit. Dami kong naisip na katangahan ko. Tama ka naman Bogs, kaya don't worry about me. Kaya ko ito."

"Hindi yun ganun Jie, hindi ka dapat umiyak. Mali yung nasabi ko. Maling-mali."

"Hello!!! Wow ang aga nyong dalawa! Wala kayong assignment pareho hano? Well I'm here! I'm your savior!" Hyper na naman itong si Rosie. "Hala! Ba't ganyan itsura nyong dalawa? Di naman ganun kahirap yung assignment ah! Bakit mukhang anglaki ng problema nyo?"

"Wala bestie, di ko kayang tanggapin na mas matalino ka sakin! Sakit kaya ng feeling na hindi ko ma-solve yung mga problems kagabi!" Wow double meaning ang lines ko. Galing ko naman sumagot... Nakaka-iyak!

"Di mo ba nasagot Jie, sana kinausap mo ako at tinulungan kita." Ano to? Double meaning din ba ang salita ni Bogs?

"Nagawa mo yung assignment? Akala ko ba di ka makatulog sa pag-aalala?" Biglang nasabi ko. Naku baka makahalata na si Rosie na iba yung pinag-uusapan namin ni Bogs.

"Jie, kahapon ko pa nasagutan yan. Habang recess, kasi nanonood na ako ng animé pagdating sa boarding house."

"Oy tama na ang daldalan! Eto na, bilis-bilis... Copy ng copy baka dumating na si Sir." Buti na lang excited si bestie magpakopya at di nakaka-halata.

------
Lunch break... Magkatabi naman kami pero nag text pa sakin si Bogs...

B-"Jie, usap tayo mamayang uwian please."

J-"Bogs, okay na ako. Wag ka na mag-alala. Saka di ako galit sa yo kasi naisip ko concerned and honest ka sa akin. Natutuwa nga ako dahil kahit alam mong masasaktan ako, sinabi mo pa rin sakin yung tama at totoo. Kaya aside from Lyza and Rosie, bestie na rin kita."

B-"Kung talagang bestie mo ako Jie, kakausapin mo ako. Okay? Mamayang uwian magkita tayo sa library. Di ako uuwi hanggang di kita nakaka-usap. Final na to."

J-"Okay, fine."

-------
Sa library.

"O Bogs, ano pag-uusapan natin, kung tungkol pa rin to sa text kagabi, move on na tayo ha. Ok na ako. Kaya ko 'to." Kahit masakit.

Can This Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon