I Do

124 11 57
                                    

After 2 years of working in our office in Pampanga, Nakapag-apply at natanggap ako sa isang malaking construction firm sa Quezon City. Talagang nagpursige akong makalipat sa Metro Manila. Para mapalapit din sa workplace ni Bogs. Time and distance kasi ang madalas nagiging problema namin. Dito, purely office works at laboratory inspections lang ang trabaho ko. Hindi na ako naa-assign sa matagalang destino. Kaya madalas na kaming magkita. Pwera na lang kung sya naman ang may malayong site.

Sa bahay ng tito ko sa Fairview ako nakitira. Isang sakay lang kasi ng bus mula doon papunta sa bago kong opisina. Kaya halos dalawang beses sa isang linggo ako sinusundo ni Bogs sa office at nagdi-dinner kami sa SM Fairview.

"Mahal, san mo gusto kumain? Sa Jollibee o sa Mc Do?"tanong sa akin ni Bogs.

"Ay gusto ko mag pizza at lasagna mahal. Sa Greenwich tayo."

"Ah okay. Tara na."

O ibaba nyo ang kilay nyo. Nagtitipid kami dahil nga next year plan na naming magpakasal diba? Pero di naman palaging fastfood. Kumakain din naman kami sa restaurant.

Oo sineryoso namin yung usapan namin tungkol sa pagpapakasal nung one month pa lang kami. Sayang lang, hindi ako magkakaroon ng surprise proposal, tulad ng nauuso na flash mob at kung ano ano pang gimmick ng "will you marry me?" chuvaness ek ek na yan. Ni hindi nga ako tinanong ni Bogs. Idineclare na agad yung 3 years. Well, okay lang. Masaya naman akong isipin na lahat bg ito ay diretso sa simbahan. At mahal na mahal namin ang isa't isa. Yun naman ang importante.

Tuwing Friday naman, dinadaanan nya ako sa office at sabay kaming umuuwi sa Nueva Ecija. Syempre inihahatid nya ako sa amin. Pero mag-isa akong lumuluwas tuwing madaling-araw ng Lunes. Sobrang hassle na kasi kung susunduin nya pa ako. Baka hatinggabi pa lang umaalis na sya sa bahay nila para sunduin ako diba.

Madalas pa rin kaming mag-away. Pero madali naman lahat naaayos. Siguro nga dahil matagal kaming naging magkaibigan, madali kaming magkaintindihan. Madalas kaming mag compromise. Lahat napag-uusapan. Madalas prangkahan. Walang pakiramdaman, walang lihiman, walang hulaan, ganoon naman kami mula pa noong third year kami sa school.

------

Hindi natuloy yung supposed to be kasal namin ni Bogs after 3 years! But dont worry, napa-aga ito! Oppsss... Ibaba ang kilay, hindi ako buntis! Nope! Good boy ang Mahal ko. At good girl ako! At ilang buwan lang naman ia-advance.

Biglaan kasing kailangang umalis ng Lola ko, madalas lang kasi syang magbakasyon sa amin. Kailangan nyang bumalik sa US dahil nagkasakit yung Lolo ko na di na nakakasama sa mga byahe ni Lola. Eh sobrang close kami ni Lola. Naging malapit din si Bogs sa kanya. Nung umpisa ayaw ni Lola kay Bogs. Hehehe mahilig kasi si lola sa tisoy (samantalang maitim din naman si Lolo hehehe). Pero dahil natural na mabait at sweet si Bogs, naging super close sila ni Lola.

"Jojie, Bogs, baka naman pwede ikasal kayo bago ako umalis. Gusto ko maka-attend. Alam ko biglaan ito at pinaplano nyo na magpakasal sa May. Kaya kahit simple lang, kahit sa judge muna, pwede ba magpakasal kayo bago ako umalis? May pinsan naman akong pari, kakausapin ko para isasabay natin yung dedication and blessing ng union ninyo kay Lord." Hiling sa amin ni Lola.

"Lola, okay po sa akin. Wala pong problema. Gusto ko rin po na maging witness kayo pag pinakasalan ko ang apo ninyo." Nakangiting sagot naman ni Bogs.

"Talaga ba iho, naku salamat kung gano'n." Masayang-masaya naman si Lola.

Kaya ipinaalam namin agad sa mga magulang namin. Namanhikan agad sila Bogs. Masaya naman at mabilis lang ang usapan dahil wala namang tutol. Inasikaso namin agad ang mga papers namin.

Can This Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon