"Hi Bogs, tara sabay ka na samin mag lunch ni Rosie." Mukhang naka-recover naman na si Bogs. Di na nagmumukmok.
"Thanks Jie, sige tara."
"Wait, intay! Sama ko jan." Si Darius naman inuubos na yung time ni Rosie. Diko ba masosolo ang bestie ko? Well, di talaga dahil kay Bogs... Pero pag sumama si Darius, katabi lang namin sila sa table pero sosolohin nya na naman si Rosie. Silang dalawa na lang ang mag-uusap. Kainis na ha!
"Ah Jojie, pwede samahan mo muna ko sa library? Si Darius muna sasabay kay Rosie, kung okay lang." Naku mukang nasuhulan ni Darius tong toothpick na ito para ilayo sa ako kay bestie ah.
"At bakit? Ano meron sa library? Eh wala namang quiz at assignment?"
"Jie naman, sige na let's go." Sabay hatak sa akin ni Bogs!
"Hoy Bogs dahan-dahan! At pwede ba don't touch me! Baka akalain ng mga tao dito close tayo!"
"Jie ano ba. Quit acting like a child. Bilis na punta tayo sa library."
"Acting like a child-acting like a child. Nye nye nye! Kala mo kung sino! Hmpp!!!" Kung di lang ako diskumpyado sa sanity ng Bogs na ito lalayasan ko na eh. Kaso baka kunwari lang naka-get over kay Lyza pero deep inside baka suicidal na to!
"Sige na, sige na! Ayan na po master Bogs!"
"Sasama rin pala... Dami pang..."
"Ano... Ano... Dami pang ano?"
"Wala... Tara na kasi..."
---
Sa library..."O bilis na Bogs gawin mo na yung gagawin mo dito. Gutom na gutom na ako!" Pabulong kong utos kay Bogs... Ayoko kayang mapagalitan ng librarian. Kaya quiet ako.
"Upo muna tayo Jie. Ito naman nag aapura. Eto oh, tiis ka muna sa sandwich ha. Nag-baon talaga ako para sa atin. Sorry ha. Plano ko talaga dito tayo sa library mag lunch kaso di ako marunong magluto ng ulam. Pag kasi sa canteen tayo kasama si Darius at Rosie, maiingit lang ako pag sweet sila. Maalala ko lang si Lyza. Alam mo ba, kaya talaga ako lumipat sa section 1 para maging classmate ko sya?"
"Ahmm Bogs, okay lang na mag sandwich ako sa lunch ngayon pero next time sabihan mo ako kung may plano ka ha. Ako na lang magbabaon para satin. Kasi baka himatayin ako sa gutom at maging kasing payat mo ako. Di ko feel!"
"Jie, nagda-drama ako dito tapos, ang na-intindihan mo lang un tungkol sa sandwich? Naman Jie!"
"Ito naman, syempre nagets ko un drama mo. Isa pa Bogs, seriously... Pinanganak akong honest. At dahil honest ako sobrang hirap magtago ng secret. Kaya sobrang pinahihirapan mo ako sa pagke-kwento mo na dapat wag ko namang sabihin sa iba. Hard yun ha!"
"Jie, I trust you kaya sa'yo ko sinasabi. Siguro naman di mo ako ichi-tsismis diba?"
"Hoy Bogs, sumosobra ka na ha! Madaldal ako pero di ako chismosa ha! Sus grabe to!"
"Kaya nga may tiwala ako sa yo diba kanina ko pa sinasabi? Okay sige para di ka na mahirapan at para ako rin maka move on, iiwasan na lang muna natin ang mga love teams na yan at di natin sila pag-uusapan. Pag nandyan naman sila Rudy, Dave at Mico, pwede mo na ako iwanan sa kanila. Okay ba yun?"
"Wow Bogs! Selfish ka rin no? Ano iiwan mo ako pag andyan mga boys? E ano naman gagawin ko? Magmu-mukhang tanga habang dinededma ni Rosie at Darius? Diko naman kilala personally si Benzon kung sa kanila ako ni Lyza didikit. Kainis ka ha. User-friendly lang?"
BINABASA MO ANG
Can This Be Love
RomanceSamahan natin si Bogs at si Jojie sa isang nakakatuwang paglalakbay bilang magkaibigan... At ... Pwede kayang mas higit pa? This is a story of friendship... And more ❤️ First time ko po sumulat ng story. Fiction lang po na inspired by a true story...