By August, may trabaho na rin ako. Sa Pampanga ako natanggap. Isang Construction Company. Swerte lang at sa Nueva Ecija ako nadestino para sa unang project ko. At dahil hindi pa ako licensed, assistant muna ako ng site engineer. Parang trainee.
Mahirap sa site. Malayo. Medyo di pa gano'n ka sibilisado. Mahina rin ang signal ng cellphone. Buti nakaka-text. Mababait naman ang mga katrabaho ko. Tinutulungan nila akong mag-review. Tinuturuan din nila ako sa trabaho ko. Maganda ang naging training ko, dahil siguro ako yung pinaka-bata naka-alalay silang lahat sa akin. Ang problema lang dito, kailangan ko mag-commute ng malayo araw-araw.
"Hi der, musta jan Jie?" Text sa akin ni Bogs. Halos araw-araw kaming magka-text. Kaya di gaanong boring sa site na puro aral at trabaho.
J-"Ok nman Bogs. Ano gawa u? Eat knb?"
B-"E d ktxt u. Kaw tlga. Eat nko d2 mlpit na nga uwian eh. U? Jan kp site? Uwi kna bka u maiwan ng last trip ng jeep cge ka!"
J-"sus! Aga pa, bka mpagalitan ako ni Boss."
---------
Minsan naman, nagse-send sya sa akin ng Board Exam Problems at inoorasan pa ako kung gaano katagal bago ko mai-txt back ang sagot. Yun daw ang way nya para makatulong sa review ko.
-------
B-"Hi der, punta ko s inyo Sat, may lakad u?"
J-"wla nman ok lng. Ano oras?"
B-"2pm k lng?"
J-"k un cge c u!"
--------
B-"Hi dear!"
J-"Dear?"
B-"Sorry Jie, wrong spelling. Hi der!
--------
B-"you are the song playing so softly in my heart. I reached for you you seems so near yet so far. I hope and i pray, you'll be with me someday"
J-"Oy Bogs, bago yan ah! Ano trip mo?"
B-"La. Miss na kta Jie, kantahan tyo!"
J-"Late at night when all the world is sleeping I stay up and think of you. And I wish on a star, that someday you are thinking of me too"
B-"you're my girl, my woman, my friend. And that's how it's gonna be 'til the end. Loving you is what I live for and i'll cant ask for anything more."
J-"iba na yata itong nararamdaman, di makakain, di makatulog manlang. Pusong nagmamahal, ganyan yatang talaga. Alam kong alam mo na di ba."
B-"Don't know what to do whenever you are near, don't know what to say."
Nakaka-kilig naman si Bogs ngayon, parang nangha-harana... Sayang besties lang kami :(
-------
Ganito ang malimit na text namin ni Bogs. Kumustahan, kantahan, at board problems. Pag maluwag ang schedule, nagkikita kami. Si Bogs ang naging constant friend ko. Hindi niya ako iniwan kahit naging busy na pare-pareho. Madalas, iniintay ko ang text nya. Parang may kulang pag di sya nagpaparamdam. Naiinis ako pag sobrang busy ng araw nya. Pag may ganoong araw kasi puro pag bilad sa araw dahil sa trabaho at pag solve ng problems ang ginagawa ko. Wala eh! Ganito pala pag graduate na. Wala ng oras para sa pag tambay. Bihira na ang pagkikita ng barkada. Kailangan na rin tipirin ang sweldo, although nasanay naman ako sa simpleng pamumuhay. Si Bogs na lang ang lumilibang sa akin. Salamat sa text at paminsan-minsang pagkikita.
BINABASA MO ANG
Can This Be Love
RomanceSamahan natin si Bogs at si Jojie sa isang nakakatuwang paglalakbay bilang magkaibigan... At ... Pwede kayang mas higit pa? This is a story of friendship... And more ❤️ First time ko po sumulat ng story. Fiction lang po na inspired by a true story...