Oo. I fast forward na natin. Gusto ko ng mag-graduate. Ganito lang naman nangyari sa kabuuan ng 4th year after our outing sa farm (not in chronological order):
•nanalo si Bogs sa PICE Quiz show. Bronze sa over-all, Gold naman sa Hydraulics Category.
•nanalo rin kami ni Macy sa eliminations between the three campuses of our university and we also were the champions in the LSC Quiz Show-Physics Category.
•Napagtripan naming lahat sumali sa CE Quiz Show, 1st Placer si Bogs, 2nd ako, at third yung isa pang classmate namin na si Dino. O say nyo nilampaso ng section namin pati mga 5th year hahaha!!! Sige sabihin nyong nerd kami... E di wow!
•boring ang JS. Kailangan pa bang i-explain, syempre kasi NBSB pa rin ako!
•nanalo kami sa Class Presentation during CE night. Bronze. Syempre kasi di kami kumanta. At dahil ayaw ng ibang classmates namin sumali, kami na lang. Sumayaw po kami nila Lyza, Rosie, Andy at Mico. Gusto sumali ni Bogs kaso tinanggal namin on the 2nd day of practice. Isipin nyo kung bakit. (Look back sa Clean Up chapter ng sumayaw kami ng 'Dessert'). Ayan ha siguro naman di na kami nerd sa paningin nyo... Slight na lang!
•nagka-girlfriend na si Mico taga ibang school. Si Andy naman nanliligaw sa isang Education student.
•nanalo rin ang basketball varsity (sila Rudy) sa triangular meet kaso natalo sila sa CLRAA.
•natuloy ang tree planting kasama buong barkada. Ako lang ang hindi. As usual, asthma attack :(
At sa lahat ng in-between, walang nagbago. Busy sa kung ano-anong school work at school activities. Sa lunch lang talaga kami nagkakaroon ng bonding sessions. Kahit sandali lang araw-araw, ok na rin.
At ngayon nga, 5th year na kami. First day ng 2nd sem:
"Guys, na-miss ko kayo! San kayo nung sem break?" Bungad ko sa kanila.
"Sa bahay lang, walang baon eh." Sagot naman ni Rosie
"Ako rin sa bahay lang" sabi naman ni Lyza. "San na kaya yung mga boys? Lumipat kaya ng section?"
"We're here! Narinig ka namin Lyza... Nakakatampo ka naman. You really think maiisipan namin kayong iwan?" Salita naman ni Rudy
"Girls, girls, girls. Last sem na nga natin 'tong magkaka-sama ngayon pa ba kami hihiwalay? Kayo talaga, di pwede yun." Sagot naman ni Bogs.
"Tama." Sabay-sabay naman sila Andy, Mico at Darius.
-----
"Okay class, as your final requirement for this subject, you have to submit a research regarding the waste water treatment being implemented by an existing commercial/residential/manufacturing establishment. You will be divided in groups with 4 members each. You also have to defend your research." Yan ang intro agad ni Ma'am Sabino.
"Grabe naman, intense itong sem na 'to. Sa CE Project may baby thesis pa. Tapos sabi ni Sir Maningas mag start na raw tayo sa in-house review para sa board exams. Take note every Saturday morning pa yun... Kaya ba natin to?" Halatang nagwo-worry na si Rosie.
"The leaders will be: Bernardo (real name ni Bogs 'to), Carl, Dave, Rosie, Macy, and Jojie. As leaders, you can choose three of your classmates to be your members." Pagpapatuloy ni Ma'am.
"Lagot, puro pa tayo leaders. Hiwa-hiwalay tayo." Bulong ko kay Bogs. First day of classes kasi kaya wala pang seat plan. Kaya magkakatabi kaming barkada.
BINABASA MO ANG
Can This Be Love
DragosteSamahan natin si Bogs at si Jojie sa isang nakakatuwang paglalakbay bilang magkaibigan... At ... Pwede kayang mas higit pa? This is a story of friendship... And more ❤️ First time ko po sumulat ng story. Fiction lang po na inspired by a true story...