Solid

215 19 44
                                    

The day after our trip, eto na ninenerbyos na ang buong class namin. For sure lagot kami nito sa mga profs namin. Somehow, nakarating na sa knowledge ng faculty na nagpunta kami sa Tarlac.

"CLASS WHAT IS WRONG WITH YOU? Bakit lahat kayo absent kahapon? Nasayang yung oras ng lahat ng mga profs nyo! Hindi manlang kayo nag-inform sa kahit isa sa amin! What were you thinking? What if may di magandang nagyari sa inyo sa byahe during school hours? Buong klase pa naman kayo? Bogs! Jojie! You were supposed to be the responsible ones? Ano nangyari?" Nakakatakot si Ms. Zaballa. Galit na galit sa amin.

"Ma'am, I'm sorry po. As the class president, I will take full responsibility for what happened." Tumayo si Bogs at nakayukong sumagot.

"Ma'am, I am to be blamed also. I as the class vice president, I allowed the trip to push through. I'm so sorry ma'am." Biglang lumingon at tumingin sa akin si Bogs. Kitang kita sa mata nya ang pagkagulat. Ano akala nya, ilalaglag ko sya sa ganitong sitwasyon? Not me.

At ang nakakagulat sa lahat, isa-isang nagtayuan ang mga classmates namin at umako rin ng kasalanan. Wow! Totoo nga... SOLID kami.

"Though I'm happy that all of you are taking the responsibility of your actions, hindi ko na ito ipaaabot sa dean dahil you supported our varsity team naman. But still, all of you will attend the classes you have missed by joining the classes of Section 2..."

"What??? Section 2???"

"Ma'am???"

"Are you serious?"

"Ma'am sa section 3 na lang please???"

Sabay-sabay ang react ng classmates ko. Syempre lahat kami ayaw sumama sa section 2.

"Class, baka nakakalimutan nyo, you have made a serious offense. At this is us, the faculty being nice to you. Or gusto nyo wag na kayo mag make-up classes and we will mark your missed quizzes, class participation and seat works zero? At wala pa dyan yung reprimand. As consequence to your cutting of classes, mag gaawa kayo ng project for our school. This weekend, you need to clean up the old CE stock room and the CE garden. Kailangan nyo mapaganda ito without spending money. You just have to bring cleaning ang gardening supplies. Either you do this or we will report your Tarlac trip to the dean. Understand?" Wow ang haba ng nobela... Sobrang strict talaga ni Ms. Zaballa. Kaya lahat kami napatango na lang.

"Yes ma'am."

Nang umalis si Ma'am, si Bogs naman ang tumayo sa harap.

"Guys, dahil sama-sama tayo dito, let us make this weekend activity a success. Papatunayan natin sa mga profs natin na we maaasahan tayo. And while cleaning up the area, gawin nating itong fun bonding moment ulit." Aba talaga namang boyscout itong si Bogs laging handa magspeech!

Pahuhuli ba ako? Syempre hindi. "Tama si Bogs, we can make our weekend together fun. Tayo-tayo lang, walang teachers, walang lessons... Kaya let's plan this activity well. Yung classes with the section 2, ok lang un wag tayo pa-apekto masyado. Since tayo yung makiki-join sa class nila, we better behave ourselves. Carry na natin yung style nila."

"So, any suggestions guys?" Leader mode on talaga si Bogs ngayon.

"Let's group ourselves first.
Groups for removing the stuffs in the room-dapat boys kasi puro boxes yun. Another group of boys mag bunot ng mga damo at mag trim ng halaman at puno, since 7 lang kaming girls dito, sa refreshments na lang kami. Then mag walis at mop kami after nyo malinis yung stock room. Then pag malinis na you can start organizing the boxes back inside the room again." Si Lysa naman ang seryoso ring nagbigay ng suggestion.

"And let's not forget un fun part... Yung may talent sa music pwede siguro kumanta or tumugtog." Nagulat ako si minion Darius may fun idea...

"Okay lahat ng suggeations nyo. Kung saang group kayo magpapa-lista, be sure that you will bring your own cleaning or gardening materials ha. Coordinate with your group para walang madoble at walang magkulang." Si Bogs yun ulit.

"For our refreshments during the clean-up, mag pass-the-hat nalang tayo. Ok na yung ice cold water at banana cue para refreshing and madaling makabusog. Mas paghandaan natin yung celebration for finishing the activity. Mag-parlor games tayo, kantahan at kainan dun mismo sa garden. Syempre kailangan malinis pa rin dun bago tayo umalis ha." Okay ba ang suggestion ko?

"Yes! That's a great idea Jojie. What do you think guys? Any other suggestions reactions?" Nakangiting sagot ni Bogs.

"I move to close the nomination." Nakakalokang singit ng kaibigan naming si Macy.

"I second the motion" mabilis na entra naman ni Dave. At nagtawanan ang lahat. Wow kung ganito ka-kwela ang buong klase, lahat may kanya kanyang sayad, ang sarap pumasok sa school.

So after that nagpa-register na ang mga boys kung sa boyband (mga kakanta at tutugtog), sa masculados (mga bubuhat at mag-oorganize ng boxes)  at sa edward scissor-hands (mga magdadamo at mag trim ng halaman). Kaming girls syempre sa refresments ay nag kolekta na ng funds para sa food.

•••••••••••
😘please vote, comment, talk to me 😊

Can This Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon