Hay naku! Eto na naman ang Election Period at malapit na ang Intramurals namin... This is the busiest time of the year sa mga friends ko.
"Jojie, mag-isa ka yatang nagmu-mukmok jan? San sila Lyza at Rosie?" Tanong sa akin ni Bogs, kasama si Rudy at Darius.
"Alam nyo na mga brader, si Lyza nag-uumpisa na namang bumuo ng line-up para sa partido nila... Naku may hinala nga ako, parang lagi silang magkasama ni Benzon. Yung Outgoing Vice President ng Student Council... Sabi ni Ly nililigawan na sya." Di naman halatang madaldal ako no? Hayyy super sad lang talaga ako kasi mauubos na naman ang oras ni Bestie Lyza sa mga Org nya... At mukhang excited palagi pag may meeting sila ni Benzon. Hayyy...
"Ah ganon ba..." Uy parang malungkot si Bogs ah... Mas affected pa yata kesa sa akin. Bakit bestie rin ba sya ni Ly? Akala ko ba si Macy ang type nya? Labo ah! Wala pa man 2 timer na. Ano ba yan, sobrang advanced ng utak ko hahaha!
"Eh si Rosie, nasan na?" Ito namang si Darius sumingit agad. Di ba nya nakita nag-eemote pa kami ni Bogs?
"Ah si Rosie, andyan lang yun baka na-late lang... Teka! Bakit nga ba late un eh dati rati sinusundo pa ako nun sa bahay?" Hala, anong klaseng bestie ba ako, di ko naisip si Rosie dahil sa pagka-miss ko kay Lyza.
"Ha? San na kaya si Rosie my loves?" Talaga lang ha Darius?
"Kung maka-my loves naman to parang totoo. Eh diba nakaka-ilang girlfriend ka na? O aminin... Akala mo di namin alam ha." Galing ko mag-spy diba. Syempre barkada na rin namin sila Bogs at Rudy, pati na sila Mico at Andy kaya maraming source of info.
"Wala na yun Jojie, si Rosie talaga ang gusto ko. Kaso mukhang barkada lang tingin nya sa akin eh. Kaya nag-try ako mag move on. Kaso sya talaga eh. Kaya tinapos ko na yung sa iba." Talagang kumpleto paliwanag ni Darius, mukha ba akong judge? Nasa korte ba kami?
Tumingin naman ako kay Rudy at Bogs. Tumango yung dalawang witness hahaha. Eh di acquited na si Darius. Ibasura ang kaso! Hahaha!
"Sige na nga naniniwala na ako. Eh kung serious ka na pala kay Rosie eh di ayusin mo na. Manligaw ka ng maayos. Para di nya isipin na barkada lang ang tingin mo sa kanya." Galing ko mag advise ha... Di halatang NBSB. Aray ko! Bigla yata ako nainggit sa dalawang bestie ko! No! No! No! Di ito pwede... Dapat happy ako for them.
"Hi guys!!! Hahhhh!!! Akala ko late na ako!!! Teka di ako makahinga. Kanina pa ako tumatakbo... Hahhh!" Humihingal pa si Rosie.
"San ka ba nanggaling Rosie? May problema ba?" Aba si Darius inunahan pa ako magtanong!
"Wait lang... Hahhh... Okay... Nagtago ako... Kanina pa ako sinusundan ni Eddie. Katatago ko nakita ko malapit na mag time. Kaya tumakbo na ako. Buti wala pa si Ma'am."
"Eh bakit ka naman sinusundan? At sinong Eddie yun? TelegeNemen Darius ikaw ang bestie? Di na ako makasingit ah!
"Si Eddie, yung Third Year. Ilang araw na akong ini-stalk... Naku kahit super cute nya at ang ganda ng porma nya, di ko type ang bata no!" Naiiritang sabi ni Rosie.
Naku si Darius di pa man may karibal na.
"Cute? Maporma?" Sagot na naman ni Darius... O sya iwan ko na nga ang dalawang ito at di naman na ako makasingit...
BINABASA MO ANG
Can This Be Love
RomanceSamahan natin si Bogs at si Jojie sa isang nakakatuwang paglalakbay bilang magkaibigan... At ... Pwede kayang mas higit pa? This is a story of friendship... And more ❤️ First time ko po sumulat ng story. Fiction lang po na inspired by a true story...