Cassandra Santos
Tamad akong sumandal sa sala at tinitigan ang isang palabas sa TV. Tiningnan ko ang relo ko, thirty minutes pa bago ako sunduin ni Andrew. Alam ko naman kung saan nakatira si Maddison, at ilang beses na rin akong nakapag sleepover sa bahay niya. I can borrow Frank's car pero, tinatamad ako ngayon, so I'll just hitch for a ride.
"O, inidian ka ba ng driver mo at hindi ka na tumuloy?"Napalingon ako sa hagdan kung saan bumababa si Ate karga karga ang anak niyang si Baby Elaine.
Binalik ko ang tingin sa TV, bago siya sinagot.
"Mamaya pa ako susunduin ni Andy."
"Oh, why don't you take Frank's?"
Umiling ako. "Nah, too lazy." Umupo siya sa tapat ng inuupuan ko. Pinagmasdan ko si Baby Elaine na naaliw na nilalaro ang teether niya. Nakuha niya ang blue eyes at brown hair ng papa niya, habang yung lips at ilong naman kay Ate. Two years ago, ay nagpakasal silang dalawa. Buti na lang at gising ako ng araw na 'yun at pinilit na pumunta sa simbahan, then pagkatapos ng reception ay nagpahinga ako at pag-gising ko, three months na palang tapos ang kasal nila. It's creepy, yung gigising ka ngayon at hindi mo alam kung kailan ka magigising.
"So I heard that there's a lot of hot bachelors later." Humagikhik siya, napatingin ako sa kalabog sa itaas at nakitang dumungaw si Frank na nasa second floor.
"I heard you." Seryoso niyang saad kay Ate. Nagpeace sign na lang si Ate at nagflying kiss sa kanya. Inikotan ko silang dalawa ng mata.
"Don't worry Hun. I'm just helping my little sister to find some hot guys at the party."
"Ate!"
Tumawa siya. "What? You're like, 20 years old and still in high school."
"So? It's normal I'm just 20, and still in high school."
"Correction dear, you're an 11th grader."
"Whatever Ate M, doesn't mean I need to find someone to date with."
Tumikhim si Frank, napatingin ulit kami sa kanya.
"You forgot, I'm still here."
"Bakit, are you also interested in hot guys?" Biro ko, ngumuso siya at nagwalk out. Narinig ko naman ang busina sa labas, I check my watch at tamang tama lang ang dating ni Andrew.
"Is that Andrew Sy?"Tanong ni Ate, tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.
"Yep. Gotta go."
"Sige, ingat ka. Just text if magpapasundo ka or whatnot." Ngumiti lang ako, at kinuha ang sling purse sa mesa. Huminto ako sa likod ng pintuan kung saan nakadigit ang whole body mirror. Tiningnan ko ang sarili kong nakasuot ng dark blue skater dress na sinamahan ng 3 inched wedge heels, light make up lang ang in-apply ko.
BINABASA MO ANG
Book II: HOW WE WILL END UP?
Fiksi RemajaBook II of Desperately. Nine years after, She's going to be back. She isn't the girl who desperately supposed not to lost, the naive girl who fall in love with someone that will never be hers, but the Girl---No, A woman who accept the cruel life and...