Suminghot ako. Damn it, ngayon pa ata ako sisipunin dahil hindi pa nasanay ang katawan ko sa mainit na panahon sa Pilipinas. Itinaas ko na man ang suot kong ray ban at hinila ang isang maliit na trolley, inayos ko naman ang isang backpack sa likuran ko kung saan nakalagay ang mga equipment.
I was about to hail a cab when I heard someone calling.
"Mrs. Inoue!"
I cursed, ng marealize kong lumingon na ako ng di nag iisip na I'm not Mrs. Inoue! Damn. Am I too excited to called Mrs? Tsk.
"Oh, Simon! Hi!" Ngumiti ako, pilit na di pinapakita ang pagkairita ko sa katangahan ko.
He smirked, "I thought I need to call you a couple of times before you look back, Mrs. Inoue."
Umirap ako at hinila ulit ang trolley para makaalis na, jet lag is slowly trying to take effect on my body.
"Shut up, kung nandito ka lang para asarin ako sa susunod na lang. Pagod ako, I need to rest. " Di ko na siya nilingon at naghanap na ng masasakyan. Simon is one of the bodyguards of Jacob sa Canada, he's a pinoy at alam kong anak siya ng kasambahay nila dito sa Pinas at kinuha ni Jacob para maging isa sa mga bodyguard. Isa rin siya sa naging na close ko.
Pagod kong tiningnan si Simon na kinuha ang gamit ko, I don't need to guess alam kong pinapasundo ako ni Jacob kahit I insist na hindi na kailangan.
Pagkaupo ko sa backseat ay sumandal nako't pumikit.
"Where's Jacob by the way?"
"Meeting with some investors, kaya hindi ka niya nasundo. Did he text?" Sumulyap siya sa rear mirror, tumango na lang ako.
"I think, di ko pa nabasa." Pumikit ulit ako.
"Nga pala, I'm inviting you to my Amy's seventh birthday." Aniya habang nasa kalsada ang atensyon. Napaayos ako ng upo.
"Oh! Ba't di mo sinabi sakin nung nasa Canada pa tayo, I should have buy a present!" Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya lang.
"You don't have to. I don't want my kids to be spoiled."
Ngumuso ako. "I think, I should not be the at fault here. Pagsabihan mo yang amo mo." On occasions lang ako nagpapadala ng regalo sa mga anak ni Simon, tatlo kasi ang anak niya and their mother is the mayordama sa mansyon nila Jacob dahil nagretiro na ang mama ni Simon, and he's in early forties.
Jacob is the different case, mahilig siya sa bata. Kahit na bumisita siya sa bahay ay si Elaine palagi hinahanap. I almost got jealous dahil sa attention niya kay Elaine pero sinaway ako ni Ate.
"Stop being Jealous, C! Mabuti nga yan at mahilig sa bata yang future husband mo." Pinandilatan ko lang mata si Ate para tumahimik.
"I know, pero ang tigas ng ulo ng amo ko ayaw magpaawat." Bumuntong hininga siya at napailing na lang.
Napatawa naman ako. "Kaya Cassandra, sagutin mo na yang si Jacob at para anak niyo na ang pagdiskitahan niya."
Kumunot ang noo ko.
"Bakit lahat kaya yang iniisip? He's still courting me!" It's almost a year na rin siyang nanliligaw, pero hindi ko parin sinasagot.
"Then kailan mo pa siya sasagutin? Kapag nag-uugod na kayo?" Napa-face palm ako sa sinabi ni Simon, it's not that I don't like him kaya di ko siya sinagot. Naghihintay lang ako tanungin niya, every time and every where, I can always say yes. Shit, nagiging cheesy na ako. Damn this Jacob's effect on me.
"Oh, ba't ka namumula?" Hindi pala ako nakasagot sa tanong niya, and drifted my thoughts to Jacob.
"Whatever.", at umusod ako sa may bintana para di niya makita ang ekspresyon ko.

BINABASA MO ANG
Book II: HOW WE WILL END UP?
Teen FictionBook II of Desperately. Nine years after, She's going to be back. She isn't the girl who desperately supposed not to lost, the naive girl who fall in love with someone that will never be hers, but the Girl---No, A woman who accept the cruel life and...