Eight

115 3 0
                                        


Pagkatapos kong magbayad ay mabilis akong bumaba ng taxi at kinuha ang mga gamit ko.


"Oh? Ba't ka nagtaxi?" Tanong ni Ate, pagkapasok ko ng bahay.


"Ba't di mo ko sinundo?" Balik kong tanong.


"Sabi ni Jacob, e." Sagot niya, habang kumakain ng mansanas. Nakanganga ko siyang tiningnan.


"Oh? Anong tingin na naman 'yan?"


"Jacob? Close kayo?"


Tumango siya. "Oo, matagal na." Kumunot ang noo ko, at inilagay sa gilid ang gamit at umupo sa sofa.


"Ba't di ko alam?"


"You didn't even ask me." She shrugs off.


Sinamaan ko siya ng tingin at lumubog sa sofa para pumikit.


"By the way, kamusta panliligaw nun?"


Napa upo ng wala sa oras sa sinabi niya. Tinitigan ko si Ate na nakatayo habang nakangising nakatingin sakin.


"What? Kayo na? Bilis ha."


Umiling ako. "How did you know?"


"Simple, Jacob has a mouth and I have ears." Tinapon ko ang isang pillow sa kanyang direksyon, sinalo niya lang to at umupo sa isang couch sa harap ko.


"Ate Maria!"


"Geez, Oo na. Highblood lang?" Natatawa niyang saad at itinaas ang dalawang kamay na para bang susuko.



"He asked us permission to court you."


"Us?"


"Yeah, Me, Frank....." She trailed off.


"Sino pa?"


"Our parents."



"What?!"



Tinawanan niya ako. "Yes, nanligaw lang pero parang hinihingi na kamay mo. I wouldn't mind though."


"Ba't di ko alam?"


"Sabi ko nga ulit, di ka nagtatanong e."


Huminga ako ng malalim at tumayo.



"Let's talk later, pagod ako." Agad akong dumiretso sa hagdan patungo sa kwarto ko, mabilis akong humiga ng kama at nakipagtitigan sa kisame.


Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko, kaya kinuha ko sa bulsa.


From: Unknown Number

Dominique, she told me she don't even like me.

11: 57 a.m


Binasa ko ulit ang text, unknown number. I've got a feeling kung sinong nagtext pero I need some confirmation bago ako mag conclude.


Nagreply ako.


To: What do you mean?

12:01 p.m


From: Unknown

You're sister, Cassandra.

Told me awhile ago she doesn't like me.

12:02 p.m


Ang bilis niyang magreply. Linusot ko ang mata ko at binasa ulit ang mensahe. I know siya ito. Before kaming pumasok sa private plane niya ay sinabi ko sa kanyang di ko siya gusto, I know he's serious about courting me. But I don't like him, kaya sinabi ko. I'm not actually surprise na may sasabihin siya agad ng sinabi kong wala akong gusto sa kanya. He pause a second, and go away.



To: Unknown Number

Jacob?

12:04 p.m


From: Unknown Number

Yes?

12:04 p.m


Napa-upo na talaga ako sa wala sa oras. Siya nga talaga ito.


"Shit.shit.shit."


I face palm ng mabasa ko ulit ang convo naming dalawa.



"Wrong send ba 'to or sinadya niya?"



Huminga ako ng malalim at humiga at tinitigan ang cellphone ko.


To: Unknown Number

Didn't you know you're actually texting me?


No. Mali, erase...erase.


To: Unknown Number

Do you really intend to send it to me?


Mali parin.


To: Unknown Number

Wrong send,

-C


Tinitigan ko ang ang tinext kong mga salita. Should I send it or not?


"Cassandra?"


Biglang kumatok si Ate kaya dahil sa pagkataranta ay na i-send ko ang mensahe. Mariin akong napapikit sa maling ginawa ko.


"Shit." Pumikit ako at nagtalukbong ng kumot.


Why am I so stupid?



Book II: HOW WE WILL END UP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon