Cassandra Santos
Narinig kong humikbi si Maddison sa tabi ko, binuksan ko ang maliit kong purse at kinuha ang tissue. Kinuha niya 'yun ng di lumilingon sakin. Palihim ko siyang kinuhanan ng picture, at iba pang classmates ko, may iba naman na ngumingiti kapag natapat ng camera ko.
"I can't believe it! It's like yesterday and now....it's the end of our high school!"Umiyak ulit siya, tumawa lang ako at tinatahan siya. Graduation na namin ngayon, at ang bilis lang ng panahon parang kakagising ko lang at nag aral dito at ngayon, magtatapos na ako ng pag aaral. For the three years I've spent here with them, I doubt I will ever forget it.
"I'm going to miss parties and ditching classes!"Di ko napagilang batukan.
"Ouch! What did I do to you?"Humarap siya sakin, namumula ang ilong. Buti na lang at waterproof yung make up niya at baka magmumukhang ewan siya sa kalagitnaan ng speech ni Andrew. Well, kahit may pagkabaliw iyang si Andrew ay nagawa niya paring maging valedictorian. I'm so proud of him, kahit ganyan yang kurimaw na 'yan.
"OA much?"
Inirapan niya ako. "Shuttup, heartless bitch!" Humina ang tawa ko ng sinita kami ng likod, ang ingay daw namin pero di ko pinansin. Mabilis kaming tumayo at pumalpak ng matapos ang mahabang speech ni Andrew. Ngumiti siya sa amin, habang hawak ang naka-rolyong diploma.
"Congratulations graduates!" Di matanggal ang ngiti ko ng in-announce na graduate na kami, mabilis na lumapit sa amin si Andrew at agad kaming nag group hug tatlo mabilis kong itinaas ang camera ko para hindi maipit. We've got a lot of friends pero we're the three na palagi talagang nagsasama.
"Don't you ever forget me, idiots!" Aniya ni Maddy habang humihikbi, nagkatinginan kaming dalawa ni Andrew at sabay na humagalpak ng tawa.
"Guys! Let's take a picture." Ngiti, at kinuhanan si Maddison na sumisinghot at tumatawang si Andrew.
"Cassandra! You bitch!" Sumugod si Maddison sa akin na may masamang tingin pero di ako natinag at kinuhanan siya ng picture. Pagkatapos naming magpa picture ay tinawag na si Andrew at Maddison ng mga parents nila kaya pumunta na ako sa banda nina Ate.
"Ate!" Tawag ko sa kanya ng maaninaw ko siya, kasama si Frank nahawak ang anak nila, at ang magulang ko na hawak hawak ang bunsong naming kapatid.
"Finally! Nakatakas ka na sa kanila!"Naiiyak na pagyakap niya sakin, yumakap rin ako habang tumatawa. Nilingon ko si Mommy na umiiyak din, at si Daddy na ngumiti lang habang karga ang kapatid kong si Ivan na 5 years old na ngayon.
"OA mo te, graduation lang 'to."
Hinampas niya naman ako ng bag. "Whatever! Lika dito at para makapag picture tayo, ang cute ng dress mo!" Napatingin ako sa dress kong royal blue nakatago sa sky blue-ng toga na suot suot ko ngayon. Unlike sa Pilipinas, na toga at sa ilalaim ay uniform ng school, dito kahit anong isuot mo sa ilalim ay ayos lang.
"Let's go Cass, where go to grab some foods before we go to our vacation house." Hinila ako ni Ate, pero huminto ako sa paglalakad.
"Vacation House? Ba't di ko alam?"
Kinindatan niya ako. "Because it's a surprised, sis."
Huminga ako ng malalim bago lumabas sa sinasakyan namin van, napatingin ako sa sa langit na nagiging orange na dahil papalubog na ang araw. Nalanghap ko ang amoy ng dagat at mabilis na inayos ang manipis na Jacket dahil sa lamig.

BINABASA MO ANG
Book II: HOW WE WILL END UP?
Novela JuvenilBook II of Desperately. Nine years after, She's going to be back. She isn't the girl who desperately supposed not to lost, the naive girl who fall in love with someone that will never be hers, but the Girl---No, A woman who accept the cruel life and...