CHAPTER FOUR
NAGING maayos at mabilis ang pagdating nina Geoff at Zoey sa Isabela.
Nagbitiw sila ng kamay ni Geoff pagbaba nila ng eroplano. Nanatili ang mga ngiti ni Zoey. Hindi na siya maghuhugas ng kamay forever!
"Thank you for keeping me company kahit wala kang choice kasi magkatabi talaga tayo sa plane," she cutely said. Hinihintay na nilang lumabas ang mga maleta nila sa conveyor belt.
Geoff smiled and nodded. "I think I should be the one thanking you. I didn't get bored because of your stories. You're really... cute."
Zoey sweetly smiled. "I know." Humagikgik siya. "Sana magkita tayo ulit. Can I have your number?" hingi niya pa kahit may business card na siya nito.
Nilabas ni Geoff ang cellphone nito. "I'll get your number instead."
"Ay, sige!" Mabilis niyang ni-recite ang cellphone number niya.
Geoff dialled her number. Nag-ring ang cellphone niya. Natutuwang sinave niya agad ang numero nito.
Nang makuha na nila ang kanilang mga maleta ay saktong may isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya. "Ma'am Zoey?" tanong nito.
"Hi po! Bakit po? Bakit niyo ko kilala?" nakangiti niya pang tanong.
Ngumiti ang matanda at napahawak sa batok. "Ah, ako po ang sundo niyo. Ako po si Joel. Tumawag po ang pinsan niyo para sunduin ko kayo. Ako po ang magiging driver niyo dito sa Isabela," magalang na sabi ng matanda.
Wow! Sosyal! May sarili siyang driver! "Sige po, Mang Joel."
Bumaling siya kay Geoff habang kinukuha ni Mang Joel ang mga maleta niya. "I'm going! Natutuwa talaga ako na makita ka ulit. Ba-bye! See you again," paalam niya sa binata.
Marahan siya nitong hinapit sa baywang at kinintilan ng halik sa gilid ng labi. "Take care, darling. Au revoir."
Ihhh! Ang sexy sexy talaga kapag nagpe-French ito. May bonus pa siya ulit na kiss!
Sumunod na siya kay Mang Joel palabas ng airport. Nilingon niya pa rin si Geoff at kumakaway pa rin siya rito. Hanggang sa nakita niyang may naka-unipormeng driver din na lumapit rito.
Hayyy... Ang sarap talaga ni Geoff—ay este, ang sarap talagang makasama ni Geoff. Adding the fact that he was flirting subtly. Gustong-gusto naman ni Zoey! Siyempre! Tatanggi pa ba siyang magpalandi sa guwapong lalaking iyon?
Naging mahaba ang biyahe mula sa main city hanggang sa Dinapigue. Nakatulog si Zoey at pagdating niya sa bahay na minana niya ay napatili siya sa excitement.
Kaya pala malayo ang biyahe! Nasa dagat malapit ang bahay niya!
Mabilis siyang bumaba ng kotse at tumakbo sa dalampasigan. Tinaas niya ang dalawang kamay at hinayaan ang hangin na yakapin siya.
Yeeeeesss! Mukhang mag-e-enjoy siya sa pagtira dito!
"Ma'am Zoey, iyon po ang bahay," untag ni Mang Joel sabay turo sa isang luma pero malinis na bahay na nasa malapit. Parang bagong pintura ng puti ang dalawang palapag na bahay.
May isang babaeng nag-aabang doon na mukhang kaedad niya lang. "Maligayang pagdating! Ako po si Jona. Ako ang magiging kasambahay mo."
"Hello, Jona! I'm Zoey!" Nakipag-shake hands siya rito.
Wow! Mayroon pa siyang kasama sa bahay. Napaka-caring talaga ng mga pinsan niya! Hindi lang siya kinuhanan ng driver, may kasambahay pa siya. So awesome!
BINABASA MO ANG
Indulgent Geoff (TTMT #3)
RomanceGeoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kanya si Geoff. Kaya araw-araw ay pinapakita niyang lovable talaga siya. "Do you love me now, Geoff?" "No, Zoey." "Okay. I'm just gonna ask you...