Chapter Twelve

127K 3.5K 446
                                    

CHAPTER TWELVE

Many years ago...

Ontario, Canada.

"BE A good girl, Zoey. No matter what happens, always hope. No matter how sad you are, always know that it won't be long. No matter how hard to fight it, never give up on life."

"Don't say good bye, Papa. Please, no..." Zoey cried and hugged her father. "Please, Papa... don't leave me. You're the only one who understands me."

Kaya nga hindi siya nagpapatalo sa sakit niya, kaya nga siya laging lumalaban sa depression, kaya nga siya nagtitiis uminom ng mga nakasusukang gamot, pumupunta sa mga psychotherapies, dahil gusto niyang manatiling buhay para sa Papa niya.

Kahit naman nagpakasal na ito nang nakaraang taon, alam ni Zoey na isa siya sa mga nagpapasaya sa Papa niya. Kaya gusto niyang maging maayos para sa Papa niya na naging mapagpasensya at mapagmahal sa kanya. Na hindi siya ginawang iwan at sukuan kahit pa napakahirap niyang i-handle.

Her father touched her face. "I love you. Always pray, Zoey. God will get you through..."

"Papa!"

Bigla itong napahawak sa dibdib, pumikit, naghabol ng hininga. "Papa! Papa! No!"

Zoey was blinded by her tears until she was being pulled away from her Papa. Nurses came rushing, doctors shouting...

"Zoey..."

"Mama Lucille!" Yumakap siya nang mahigpit sa madrasta. "P-Papa's gone!"

She hugged her tightly. "Papa's in a happy place now. I'll take care of you, baby."

But her angel-masked devil of a stepmother never did.

"Mama, I ran out of medicines. I need to buy—"

"I'm sorry, Zoey. Hindi na natin kaya bumili ng mga gamot mo. Marami pa lang iniwang utang ang Papa mo... Hindi ko 'to alam!" gimbal na sabi nito habang nakatingin sa bank book ng Papa niya. "The bank called! Your father borrowed a big amount of money to maintain all your medicines and therapies! We can't pay this debt!"

Natulala na lang si Zoey habang umiiyak ang madrasta. Hindi niya alam na nangungutang lang ang Papa niya! 

Her father used to say that they have a lot of money! Mayaman daw ang pinanggalingan nitong pamilya sa Pilipinas.

Ang mga kamag-anak nila, ang mga pinsan niya, kapag nakakausap niya, they all speak of wealth! How come her father needs to borrow from the bank and would not be able to pay for it?

"B-But, Mama... Papa said that we can always call help from my uncle in the Philippines if we have money problems..."

Umiling-iling ito. "Pagkatapos nilang pumunta sa libing ng Papa mo, hindi ko na sila ma-contact, Zoey... Hindi nila sinasagot ang mga tawag."

Humagulgol ito at napaupo sa sofa. "I don't want you to stop from your medication. But... I don't have enough money, Zoey. Nagpapadala pa 'ko sa pamilya ko sa Pilipinas. Ang daily expenses pa natin dito..."

Napayakap siya rito. "I-I won't go to Dr. Candy, then." Napalunok siya. "I think... I can handle myself now, Mama Lucille. Don't worry about me. I'm a teenager now. Maybe, I can go without the medicines..."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon