Chapter Twenty-Four

121K 3.5K 320
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

PAGKABABA nila ng stage ay inulan sila ng mga pagbati.

                  "Congratulations!" magkasabay na masayang bati nina Eunice at Terrence sa kanila. Magkahawak kamay ang mag-asawa habang totoong ligaya ang nakikita niya sa mga mata ng mga ito.

                  These people... are genuine.

                  "So, you can be that so romantic, huh?" tukso ni Terrence kay Geoff.

                  Ngumisi pabalik si Geoff. "Ano namang tingin mo? I am more than a gorgeous face, dude."

                  They laughed.

                  "And you still love yourself so much."

                  "I'm being honest, come on!" Geoff chuckled and looked at her. "You always tell me that, Zoey. You know how gorgeous I am."

                  Ang bilis namang tumango ni Zoey. Hihihi. The vain Geoff is coming out! Ohhh!

"Ang guwapu-guwapo mo po talaga, Mr. Martin! Fan po ako! Pa-fansign po, please!" biro niya.

                  Kay lapad ng mga ngiti nito at pinisil ang pisngi niya. Bumaling ito kina Terrence ulit. "That's why I'm in love with this girl."

                  Eunice was laughing. "Sobrang bagay kayo! Finally! I knew it, Geoff. You're going to find someone for you. I'm so happy for you, best friend!"

                  Niyakap ito ni Eunice. Geoff returned the hug to her. Wow! These two are surely that close!

                  Bumaling siya kay Terrence at niyakap naman ito. Halatang nagulat ito. Pero tinapik-tapik nito ang balikat niya. "Do you believe now, Zoey?"

                  "Yes," nakangiting sagot niya.

                  "Praise God for you."

                  Bago pa siya makapagpasalamat ulit ay hinila na siya ni Geoff palayo kay Terrence.

                  "She's mine," bulong ni Geoff.

                  "All yours, of course," nakangiting sabi ni Terrence at saka inakbayan si Eunice na nakangiti rin sa kanila.

                  "Eunice, thank you,"

                  "Why?" nagtatakang wika nito.

                  "Kasi pinakawalan mo si Geoff. You friendzoned him instead," diretsong wika niya.

                  "Uh... okay? You're welcome." Halatang pinigilan nina Terrence at Eunice ang matawa. Napatalikod ang mga ito at umaalog ang mga balikat.

                  "Hey!" saway ni Geoff, magkasalubong na ang mga kilay.

                  She teasingly laughed. "Na-Zoey-zoned ka naman, Daddy Geoff! Mas masarap ako. Ay! Hihihi."

                  Natawa na ng tuluyan ang mag-asawa sa kanila. Napailing na lang si Geoff pero nakangiti naman!

Hinawakan na nito ang kamay niya at hinila na siya pabalik sa kinauupuan nila. Their clasped hands rested on his lap while they are listening.

                  Pagkatapos niyon ay nagkaroon ng grupu-grupo ang mga couples. Maraming light activities ang pinagawa sa kanila. Zoey truly enjoyed it all!

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon