Epilogue

157K 4.4K 776
                                    

This story is dedicated to all who thought that they were a big mistake in this life... It's a lie.
The truth is Jesus loves you. That He gave up His life so you can live yours.
You are worthy to love and be loved.
You matter.
You are worth it.

***

EPILOGUE

"DADDY, is mommy sad again?" nagtatakang tanong ng limang taong-gulang na si Zofiya.

Hindi siya puwede pumasok sa room ng Mommy at Daddy niya because her mommy is crying.

Her daddy gently smiled and carried her. "Kind of. You know your mommy. She'll be happy later on. For now, I'll get you to Sunday School."

Lumabi si Zofiya. "Mommy can't go with us to church?"

"She will." Her daddy kissed her cheeks. "Don't be sad, sweetheart. Mommy will smile again. We will wait, alright?"

Tumango siya. She smiled too.

For little Zofiya, she can't still understand why her mommy will be smiling but cry the next. But she will smile again after.

"Daddy, when tayo balik sa Isabela? I miss Grandmama," sabi ni Zofiya. They are riding her daddy's car. They're going to church! Makikita niya mga friends niya. Madami siyang friends, eh.

"I'm just gonna finish my work here in Manila. Three more months, sweetheart."

"Okay." Tumingin siya sa labas ng bintana. Nakakita siya ng ice cream. "Daddy, bili mo si Mommy ng ice cream. Favorite niya."

Her daddy smiled. "Yes, sweetheart. After church."

Medyo sad pa rin si Zofiya. Hindi kasi nila kasama Mommy niya. Sayang.

Pagdating nila sa church, hinatid na siya ng Daddy niya sa Sunday school. Marami siyang friends doon. Pati pinsan niya, friend niya.

"Contessa! Hello!" Tumakbo siya habang bitbit ang crayons na binigay ng teacher. Magko-color daw sila today.

"Hi, Zofiya! Color tayo, o! Si Jesus may kasamang mga bata sa picture."

Umupo sila sa playmat at saka nag-umpisang mag-color. Gusto ni Zofiya ang nagko-color. Gusto niya color white and blue ang damit ni Jesus, tapos sa damit ng ibang bata, maraming colors na lang.

Una siyang natapos mag-color. Si Contessa, marami pang kukulayan.

"Sad si mommy today," nasabi niya. "Hindi ko alam why."

Busy pa rin si Contessa sa pagko-color. "Baka nag-fight sila ng Daddy mo."

"Mabait kaya si Daddy. Hindi niya ni-aaway si Mommy ko."

"Hug mo na lang mommy mo later. Ako, hina-hug ko si mommy, eh. Tapos magsa-smile na siya."

Lumabi si Zofiya. Kapag sad ang mommy niya, hindi siya pinapalapit.

"Hi, Zofiya! Finish ka na mag-color? Puwede pahiram ng crayons mo?"

Napangiti siya sa kaibigan na lumapit. Si Emerald. "Here."

"Thank you!"

Dahil wala nang ginagawa, tumingin-tingin na lang si Zofiya sa maraming classmate niya sa Sunday School. Lahat nagko-color pa. Tapos sa corner ng room, may nakita siyang batang lalaki na mag-isa lang nagko-color.

Tumayo siya at lumapit sa bata. "Hello!"

Hindi tumingin sa kanya ang bata. Busy ito mag-color ng tahimik.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon