Chapter Seventeen

124K 3.5K 462
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"IT'S GOING to be a girl. Congratulations!"

Napatili sa sobrang saya si Zoey. Yipieeeee! Mini-girl version of Geoff! Yehey! Her baby girl will be so gorgeous!!!

Napahawak siya sa dalawang pisngi at napatingin kay Geoff. "Girl!" tili niya pa ulit.

"Calm down. I've heard it," nakangiting sabi nito.

Nasapo niya ang seven-month big tummy niya. "Baby, you're a girl! Huhuhu. Isa kang diyosa!!!"

Natawa ang OB sa kanya at napailing-iling. "I'm happy to tell you na katulad nang mga nakaraang check-ups, your baby girl is doing well. Maganda ang kondisyon niya. Malakas ang kapit at malakas ang tibok ng puso. Her lungs are forming good as well. She's kind of bouncy, that's why she's heavy, Zoey. Good job to you, Mommy!" puri pa ng OB niya.

"Mukhang sinusunod mo lahat ng pinapayo ko sa'yo. Very good, Zoey. Keep it up! Two months is not that long. Kaunti pa at masayang lalabas ang baby niyo."

Namula si Zoey at kinilig lalo sa mga sinabi ng doktora. Good girl daw siya!

Narinig mo iyon, baby girl? Good girl si Mommy for you!

Napayakap siya sa mga braso ni Geoff. He patted her head.

"Malaking tulong din ang nagagawa ng psychotherapies mo. Maganda rin ang inirekomendang gamot ng psychiatrist mo. Walang masamang epekto sa baby mo, thank God for that. And you can control your depressed state lately, am I right?" sabi pa ng OB habang may isinusulat sa record chart nito.

"Yes!" she proudly answered. Tiningala niya si Geoff. Two weeks ago, she shifted into another episode again.

She felt so sad and gloomy. But she was able to handle it well! With Geoff by her side. Hindi naman siya humagulgol na naman ng walang patid. Nawalan lang siya ng energy at tinamad gumawa ng mga bagay. Tinamad siyang bumangon at kahit ang pagkain ay ayaw niya. Inalalayan lang siya ng nobyo.

Kahit tumambay na sila sa convenience store habang kumakain ng paborito niyang ice cream ay hindi maiba ang mood niya. Kahapon lang ulit siya bumalik sa "happy state" niya dahil...ewan niya ba. After two weeks, biglang masaya na ulit siya, eh.

Awesoooome!

"That's great, Zoey. Ipagpatuloy mo lang iyan. I will coordinate with your psychiatrist, again, para mapagtuunan pa namin nang pansin ang dapat na treatment sa'yo ngayong nasa last trimester ka na." Bumaling ito kay Geoff. "Take care of her always, Mr. Martin."

Tumango si Geoff at nakipagkamay ito sa doktora. Maya-maya ay parehas na silang nakasakay sa backseat ng Audi ng nobyo. Si Mang Noel ang driver nila.

Kinuha ni Zoey ang organizer niya. "Okay, we survived this month! Napuntahan nating dalawa ang three therapies kay Dr. Prado, check check check!" Nilipat niya ang pahina. "Tapos na rin ang check-up natin for this month! Big check!"

Pagkatapos ay nag-note pa siya sa ilalim ng pahina nang:

Baby girl Martin!!! Twoot twoot! ~(^o^)~

"Next month na ulit ang susunod. Tapos wala munang couple therapy sa'tin next week," masayang sabi ni Zoey.

Nang unang dalhin niya si Geoff para sumama sa kanyang psychotherapy ay naging maganda ang kinalabasan kaya nasundan pa iyon nang dalawang beses pa. At napakaseryoso nito kapag pinapayuhan ng psychiatrist niya.

Feel na feel niya tuloy, gustung-gusto siyang alagaan ni Geoff talaga.

"But you will have your own therapy. Hahatid at susunduin na lang kita," ani Geoff.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon