Chapter Eighteen

116K 2.9K 257
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

HINDI alam ni Zoey kung bakit nagising na lang siya sa kalagitnaan ng madaling-araw. Alas kuwatro pa lang pagtingin niya sa orasan.

Bumangon siya at sinapo ang tiyan para alalayan. "Nagugutom ka ba, baby Zofiya?" naghihikab na sabi niya. Hinimas-himas niya ang tiyan at saka pilit na bumangon.

Ano kayang makakain sa baba? Paglabas niya ng kuwarto ay madilim ang buong bahay. Tulog na sa malamang si Jona dahil may pasok ito mamaya sa university. Kinapa-kapa niya kung nasaan ang switch ng ilaw sa hagdanan.

May narinig siyang kung anong natumba mula sa ibaba.

"What's that? Oh, my gosh!" mahinang sabi niya at saka mabilis na bumalik ng kuwarto.

Agad niyang sinara ang pinto at saka ni-lock iyon. Nilapat niya ang tainga sa pinto.

Nakiramdam siya. Wala namang tao sa baba dahil kung mayroon ay dapat bukas ang ilaw.

Halaaaa! May magnanakaw kaya sa baba? Nanlaki ang mga mata ni Zoey. Mas nilapat niya ang tainga sa pinto.

May nabasag! "Ihhh!" tili niya at tinakpan ang bibig. "Huhuhu! Daddy Geoff!" Sumampa siya sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Nakakatakot!

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang nobyo. "Daddy!!!"

Umungol ito mula sa kabilang linya. Naabala niya marahil sa pagtulog.

"What now, Zoey?" inaantok na tanong nito.

"May magnanakaw yata sa baba. Walang ilaw pero may naririnig ako! What should I do?"

"What?" he groaned. He must be half-awake.

"May magnanakaw!"

"Zoey, go to sleep."

"It's true!"

"Where are you?"

"Nasa ilalim ng kumot. Nagtatago."

"Call Jona or Mang Joel."

"Jona! Jona! Mang Joel! Mang Joel!" Nabulabog ang buong kabahayahan dahil sa lakas ng sigaw niya.

Maya-maya ay may parang nabasag na naman sa first floor. Sunod ay may narinig siyang mga yabag sa hagdanan.

"Zoey!" katok ni Jona sa pinto niya. "Zoey?"

Inalis niya ang talukbong ng kumot at saka pumunta sa pinto. "Jona!"

Pagkabukas niya ay nakita niya itong gulu-gulo pa ang buhok.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka sumisigaw?" Hinawakan siya sa magkabilang balikat at tinignan ang tiyan niya. "Ayos ka lang ba?"

"May magnanakaw sa baba!"

"Huh?" Kumunot ang noo nito.

"Narinig ko kanina! Parang may tao kahit patay ang ilaw."

"Ayos lang ba kayong dalawa?" humahangos na tanong ni Mang Joel. "Mukhang napasok tayo ng magnanakaw! May mga basag na gamit sa baba!"

Sabay pa silang napasinghap ni Jona.

"I told you so!" aniya kay Jona. Tinapat niya ang cellphone sa tainga. Nasa kabilang linya pa rin si Geoff. "I told you so, Daddy!"

"Give the phone to Mang Joel," utos nito sa seryosong tono. Tila tuluyan nang nagising.

Inabot niya ang phone sa matanda at kausap na nito si Geoff.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon