Chapter Nine

112K 3.6K 152
                                    

CHAPTER NINE

"HINDI mo pa rin sinasabi sa mga pinsan mo na buntis ka?" tanong ni Jona sa kanya habang nagpapaluto siya rito ng sopas. Suddenly, she craved for it.

"Hindi pa, eh. Next time na lang."

"Kapag halata na ang tiyan mo?"

She chuckled. "That's a good idea. Para 'surprise'!"

Napailing ito. "Baka ma-surprise ka rin kapag nagalit sila."

Umupo siya sa taas ng kitchen counter. "Hindi naman siguro magagalit sina Ate. Ahm... baka slight lang. Hehe. Tapos maraming-maraming sermon. Ganoon."

Hinalu-halo nito ang macaroni noodles, carrots, cabbage, at evaporated milk. "Bahala ka. Naisip ko lang ay baka mas maaga nilang malaman na buntis ka, mas marami pa silang maitulong sa'yo."

"Eh, sabi ni Geoff kapag may kailangan daw ako, sa kanya ko na diretsong sabihin, eh. Sabi rin ni Lola Mina, lahat daw ibibigay nila kapag may needs ako." Napapalakpak siya. "Ang nice nice nila sa'kin, Jona. Hindi pa kami kasal ni Geoff niyan, ah!"

"Mababait talaga ang mga Quintero..."

Hindi niya napansin ang admiration sa tono ni Jona. "Pasalamat talaga tayo at pananagutan ka. Hindi lahat mapalad mo. Madami akong kaklase noon na nabuntis din, 'ayun. Tinakbuhan lang. Kawawa kamo."

Imposibleng takbuhan siya ng katulad ni Geoff. Ito nga mismo ang lumalapit at kahit minsan ay suplado, kapag nilandi naman niya ay nagpapalandi rin.

Whatever she requests, he will indulge.

Katulad na lang ng nangyari sa kanila sa likod ng kotse nito last week...

Napangiti si Zoey mag-isa at kusang namula ang mga pisngi. She dreamily sighed. "Alam mo, Jona, ang sarap talaga ni Daddy Geoff."

Napatingin sa kanya si Jona at tila naeskandalo sa sinabi niya. Napahagikgik si Zoey. "Ikaw naman. Conservative much?"

Bahagya itong natawa. "Hindi naman sa ganoon. Nagugulat lang ako sa mga biglang sinasabi mo diyan. Anong masarap? Ikaw talaga!"

Hihihi. "Ang suwerte ko lang sa kanya. Kahit hindi pa kami ganoon nagkakakilala at kahit mukhang suplado siya minsan, alam ko mabuting tao si Geoff. Sana matanggap niya kahit ano pang malaman niya sa'kin..."

Tinakpan ni Jona ang niluluto at hininaan ang apoy. "Bakit? Ano pa bang kailangang malaman sa'yo maliban sa sobrang kulit at likot mo?"

Pa-mysterious na ngumiti si Zoey. "Marami... Hindi ko sasabihin sa'yo."

"Hay nako. Bumaba ka na nga diyan. Huwag kang masyadong nagsasampa kung saan-saan, ha? At ang pagkilos mo, ingatan mo. Nako, first trimester ka pa lang," bilin nito na parang nanay.

"Opo." Maingat siyang bumaba ng kitchen counter. "Si Mang Joel ba, nahahalata na tayo? Baka biglang magsumbong iyon kina Ate, ah."

Umiling si Jona. "Wala pa ring clue si Itay. Nagi-guilty na nga ako sa kakalihim sa kanya." Napakamot ito sa ulo. "Magagalit iyon tiyak sa akin. Pero basta mangako kang iingatan mo ang sarili mo, Zoey. Para kung kailanman magkabukuhan, stable kayo ng baby mo, ha?"

Nag-double thumbs up siya. "No problem! Mukhang hindi rin naman ako hahayaang mapahamak ni Geoff."

"Eh, nasaan na ba ang nobyo mo? Akala ko, uuwi ngayong linggo ulit?"

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon