Chapter Twenty-Nine

90.5K 1.4K 46
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

"ANONG nangyari kay Lucille?" tanong ni Jona sa kanya habang pinapalitan nila ng diaper si baby Zofiya.

                  "Na-turn over na daw sa NBI. Dahil Canadian citizen siya and mostly, 'yung crimes niya nasa Canada, doon siya makukulong," sagot ni Zoey habang maingat na sinusuotan si Zofiya ng baby sando.

                  Gising si baby Zofiya ngayon! Mapungay ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

                  "You're staring at Mommy? Cute ko, 'di ba? Tapos ikaw, diyosa!" Pinanggigilan niya ito ng halik. Hmm! Ang bangu-bango ng baby niya.

                  Sana 'yung daddy umuwi na para mahalik-halikan niya na rin.

                  "Buti na rin siguro na doon siya makulong. Sana hindi na makalaya iyon." Tinupi nito ang mga lampin ni Zofiya. "Hanga talaga ako sa'yo, Zoey. Parang wala lang nangyari sa'yo. Kahit na nalaman mo na talagang si Lucille rin pala ang dahilan ng pagkamatay ng parents mo..."

                  Humikab si Zofiya at pinikit ang mga mata. Maingat niya itong binuhat at hinele sa kanyang mga bisig.

"Naiyak ko na rin kasi lahat. Napag-pray ko na." Pagkalabas niya sa ospital at saka pinagtapat sa kanya ng mga kamag-anak ang nalaman ng mga ito.

"Lucille was blinded with her pain, hatred, and revenge. Masyadong masakit sa kanya ang ginawa ng Mama ko. I cannot defend my mother but all I can is that... kung normal naman si Mama, hinding-hindi niya gagawin iyon. But still, she has been at her worst case. Hinding-hindi siguro kami maiintindihan ng mga tao, pero kasi kapag binalot ka na ng sobrang lungkot, lahat sa'yo madilim na. Kahit ayaw mo, kahit subukan mong umahon, nilulunod ka na ng mga negatibong emosyon. Hindi kami tinawag na bipolar kung kaya naming mag-isip ng matino kapag ang umaalipin sa'min ay emosyon namin. Mama was too possessive of Papa."

                  "Naiintindihan ko naman kahit papaano si Lucille. Pero ang mali lang ng lahat ng ginawa niya. Pagkapanganak sa'yo ng Mama mo, tinurok din sa kanya ni Lucille kung anong tinurok niya kay Cameron, hindi ba?"

                  Tumango siya. All along, everyone thought that her mother died giving birth to her. Iyon pala ay may mga nasuhulan si Lucille para magawa nito nang palihim at tahimik ang lahat.

                  "Pero, bakit niya dinamay ang Papa mo? Akala ko ba, mahal niya?"

                  "I don't really know how a murderer thinks. I mean, killing innocent people?"

Ang naging dahilan ng maagang heart failure ng Papa niya ay dahil binibigyan pala ito lagi ni Lucille ng sobra-sobrang dosage ng gamot sa puso. Napabuntong-hininga na lang siya.

                  She missed her father so much.

                  She wanted to hate Lucille. Katulad dati, gustung-gusto niya pa ring mamatay na lang ito. But... "H-hindi ko kayang patawarin si Lucille. Hinding-hindi. Pero... ayokong matulad sa kanya. Ayokong mag-iwan ng galit sa puso ko. Ayokong magtanim ng hatred, Jona. Hindi ko pa alam kung anong kailangan kong maramdaman sa kanya pagkatapos ng lahat-lahat... but I just wanted to forget. To move on."

                  "Time heals all wounds, 'di ba?"

                  "Siguro. Pero mas effective kapag si God ang nag-heal ng lahat ng sugat ng kahapon." Tinitigan niya si Zofiya na natutulog na ulit. "This time of my life, I'm going to let God handle everything. Marami akong napagtanto pagkatapos ng lahat ng nalaman ko, Jona. It was true that God never really left our side even in the darkest times of our lives."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon