Walang tigil ang pag-ring ng cellphone ni Katy...
♫♫ "I wish I was strong enough to lift not one but both us.."♫♫
♫♫ "Someday I will be strong enough to lift not one but both of us..." ♫♫
"Hello." Mahinang sagot ni Katy sa kausap nya sa telepono.
"Hoy Katy! Asan ka na? On the way na ko sa school! Kanina pa ko tawag ng tawag sayo! Di mo na naman pinapansin yang cellphone mo!". bulyaw ng kanyang bungangerang kaklase/bestfriend #1 na si Jell.
"Andito pa ko sa bahay. Antok na antok pako teh..". Sagot ni Katy sa kaibigan.
"TEHHHHHH! Ngayon ang group presentation natin kay Sir Quizon! Gusto mong mapahiya sa buong klase? Parang awa mo na, wag mo kami idamay sa trip mo!"
"Jell naman ehhh. Sige na. Bibilisan ko na. Text ko na lang kayo pag nasa school nako. ok?"
"Hoy Katy umayos ka na ha. Ilang buwan na kayong break nyang si Sef. Di ka pa din maka-move on?? Umayos ka! Lalo na mamaya. Nakuuuu! Pag ikaw tulaley na naman. Lagot ka samin." * (Tulaley means Tulala)
"Oo na. Sige na maliligo na ko. Basta pag nasa school nako tetext ko na kayo. Ingat ka teh. Bye."
"Ok Katy. Ikaw din. Bilisan mo ha! Bye."
----
----
Success ang group presentation namin. Kahit medyo lutang pa din ang pakiramdam ko. Na-ideliver namin ng maayos yung report namin sa buong klase. Sakto din na nasa good mood si Sir Quizon. Binigyan pa kami ng mataas na grade. Ayos!
Nakahinga na ko ng maluwag.
Salamat sa aking bestfriend #1 at bestfriend #2, sila Jell at Chesca.
Kung hindi dahil sa kanila, tulog pa sana ako ngayon.
Wala sa sarili. O kaya ay nananaginip pa sa mga oras na ito.
Buti na lang talaga di ako natulala kanina sa harap ng klase.
Thank you Lord!
Pero bakit ganun? Hindi padin talaga maalis sa isip ko si Sef. Kahit pa ilang buwan na kaming hiwalay.
Kahit itong mga kaibigan ko e nawiwirdohan na sakin.
Sana lang alam ko yung sagot sa tanong ko para di na ko nagkakaganito. Sana lang...
***