Kapag nabanggit ata ang salitang "IDEAL GUY" may isang taong pumapasok agad sa isip ko.
Si Sef.
Ang ex-boyfriend ko.
Ang lalaking minahal ko kahit sinaktan lang ako.
Ang taong naging mundo ko na sa loob ng dalawang taon.
Ang aking.....
"IDEAL GUY."
***
3 years ago..
Nakilala ko si Sef.
Naglalakad ako nun palabas sa hallway ng school namin ng may biglang sumisigaw at tumatawag sakin.
"Miss!" sigaw ng isang lalaki sa may bandang likuran ko.
Dedma lang ako that time. Di ako lumilingon kung sino man ang tumatawag na un.
Hindi dahil sa suplada ako pero dahil sa di ko naman kase sure kung ako ba talaga ang tinatawag nya. Baka mamaya sabihin feeling" ako masyado.
"Oy Miss pansinin mo naman ako! Yung wallet mo na sakin! " sigaw pa nya.
Pasimple kong kinapa ang wallet ko sa aking bulsa.
Ay teka lang! Mukang ako nga yata ang tinatawag nung lalaki sa may likuran ko ah.
Wala dito sa bulsa ko yung wallet ko e!
"Ako bang tinatawag mo?" Sabay lingon ko sa likuran.
Natigilan ako ng makita ko kung sino ang kanina pang tumatawag sakin.
Napatitig ako sa kanya. mga 10 seconds siguro yun.
Chinito. Maputi. Matangkad. in short sobrang POGI!
Nakangiti sya habang lumalakad papalapit sakin.
Sabay abot nya ng wallet ko sa akin.
"Miss eto yung wallet mo oh. Kanina pa kita tinatawag di ka man lang lumilingon."
"Ay.. Thank you ha. E kase di ko naman alam na ako pala tinatawag mo. Pero thank you talaga ha. Wait, pano napunta sayo to? " sabay ngiti ko sa kanya para makapag-pacute naman diba.
"Ok lang yun Miss. Naiwan mo kase yan sa library kanina. Hinabol kita kaso nakapasok ka na sa classroom mo nun kaya di ko na naiabot kanina. Nakakahiya naman kasi pumasok dun sa classroom nio, kaya ayun inintay ko na lang na matapos klase mo.. "
"Nagmamadali kase ako kanina. Iniiwasan ko na ma-late dun sa subject ko na yun. Kaya ayun. Pasensya na talaga ha. Naabala pa kita dahil sa ka-careless-an ko."
"Ok lang yun Miss. Sige magla-lunch na ko. Inabot ko lang talaga sayo yan e." akmang tatalikod na sya sakin nung oras na yun.
Etong si kuya gwapo sana e, may pagkamanhid lang ng mga point two. Todo pa-cute na nga ako, di man lang tanungin pangalan ko. Kainis.
"Oy teka lang!" sigaw ko sakanya.
"Ano yun Miss? " nakangiting tanong nya sa akin.
"Ahm. Katy.... Katy ung name ko. Magla-lunch ka diba? Dahil sinoli mo sakin yung wallet ko, lilibre na lang kita. Para makabawi naman ako sayo. ."
"Wag na Katy, di mo naman kelangan bumawi. Ginawa ko lang naman yun dapat gawin. Gusto mo sumabay ka na lang sakin. Ano? Tara? Sef . Sef pangalan ko."
OMG! eto na talaga to. Jackpot na jackpot ako dito. Nabalik na sakin yung wallet ko tapos ampogi pa ng kasabay ko maglunch! Oh diba? San ka pa? Ichichika to to kay Jell at Chesca mamaya.
"Sige Sef. Tara."
***