Ay nakooooo! Wala yata talagang epekto ang salitang move on sakin. Kung bakit ba naman kase nabanggit pa nitong si Jell si Sef sa usapan.
Kelan ba kita makakalimutan Sef?
Teka baka pedeng idaan sa pagkaen tong nararamdaman ko na to. Ikakaen ko na lang tong pagka-miss ko sakanya.
***
"Ate isang burger nga po with cheese. Tska isang C2 na rin."
Sabay abot sakin ni ate ng order ko.
"Eto yung bayad ate." sabay patong ko ng pera sa may gilid nya.
Umupo na ko para makakaen na at para makapag isip isip na rin.
Enjoy na enjoy ko ang pagkaen ng favorite kong burger ng biglang may tumulak sa upuan ko.
At tumapon pa ung C2 sa damit ko.
BWISEEEEEET! Alam mo yung ang ganda na ng mood mo. Ok na e. Tas bigla kang mababadtrip.
Umuusok na ata ang ilong ko sa inis. Parang gusto ko sapakin yung tumulak ng upuan ko.
"Sinong tumulak sakin?!!" galit na sigaw ko sakanila.
Walang sumasagot ah. Ang kakapal ng mukha.
Oh diba. Natapunan na ung damit ko, nagmukha pang tanga. Badtrip!
"Mga bingi ba kayo??! Tinatanong ko kung sino tumulak sakin?" inis na tanong ko.
'Ako. Bakit? " maikling sagot sakin ng isang lalaki.
Nilingon ko kung sino yung sumagot na yun. Aba at parang di ata alam ng lalaki na to natapunan yung damit ko ah. Bulag lang? Sarap ihampas ng bote sa ulo ni kuya. Napakayabang sumagot.
"Bakit? Ha? Eto oh. Tingnan mo yung damit ko! Natapunan lang naman ng C2!"
"Yun lang?! Grabe ang arte mo naman ate. Hahahahha" sabay tawa nya at ng mga kaibigan nya.
Aba at ang mokong. Nakatawa pa sa ginawa nya sakin. Talagang sinusubukan ako nito ah.
Akmang tatalikod na sila ng binato ko sya ng bote sa ulo.
Solid.
Napahawak sya sa ulo nya. Sabay lumakad papalapit sakin.
Samantalang ang mga tao sa paligid namin, tahimik lang.
Parang nanonood lang ng eksena sa pelikula.
Nilapit nya ang mukha nya sa tenga ko. At mahinang bumulong.
"Mamaya ka sakin."
Halaaa. Ano to? Ako pa ngayon me atraso. Ang kapal ng mukha nito ah.
Grabe lang ang pagiging bastos nitong lalaking to.
Parang di tinuraan ng magandang asal.
Ngayon ako pa ang me atraso saming dalawa.
Di naman ata tama yun.
"Mamaya?! Bakit di pa ngayon?" Sigaw ko sakanya.
"Wag kang excited. Dadating din tayo dyan." sagot nya sakin.
Nagtawanan ang mga tao sa canteen. At ako naiwang nakatulala sa sinabi nya.
Napahiya ako dun ah. Nagmuka pakong naghahabol sakanya. As if naman napakagwapo nyang nilalang.
Matangkad. Maputi. Mukang foreigner. Medyo may itsura naman sya. I mean POGI sya kaso saksakan ng yabang!
Nung nagsabog ata ng kayabangan at sama ng ugali ang Diyos e sinalo nya lahat. Nakapagready ata sya nung time na yun.
Hindi sya ang tipo ng lalaking magugustahan ko. At malamang ikaw din.
He is "NOT YOUR IDEAL GUY" type of person!
***
