"Ohhh. Anong nangyare sa damit mo?" tanong ni Jell sakin.
"Ay naku Jell, kung alam mo lang nangyare sakin sa canteen kanina. For sure maiinis ka din dun sa lalaking nambastos sakin. " sagot ko sa kanya.
"Wait Katy. Binastos ka?? Aba di naman pwede yan! inis na tanong nya sa akin.
"Oo eh. Tinulak yung upuan ko, tas di man lang nagsorry. Pinahiya pa ko sa harap ng madaming tao. Napakayabang talaga ng lalaking yun!"
Lumapit ng konti sakin si Jell. Yung muka nyang naiinis napalitan ng ngiti. Hindi mo alam kung biglang sinapian ng kung ano.
"Pogi ba yan?" tanong nya.
"Wow Jell salamat ha. Salamat sa concern! "
"Eto naman nagtatanong lang, galit kaagad."
"Ewan ko sayo."
"Sorry na Katy, me chichika pa naman sana kami sayo nitong si Chesca."
"Ano na naman yan? Kayo talagang dalawa oh."
"Kunyare ka pa, chikadora ka din e!"
"Mana lang senyo. Oh ano nga yun?"
"Kase kanina, nabasa namin ni Chesca ung poster na nakapost dun sa may bulletin board malapit sa Faculty Lounge. Eh dahil sa friend mo kami, eh ninakaw namin para sayo. "
"Poster?? ng ano? "
Dinukot ni Chesca sa bag nya ang poster na sinasabi ni Jell. Sabay abot sakin.
"CAMPUS GOT TALENT??! Seryoso ba kayo??" gulat na tanong ko sa kanilang dalawa.
"Oo seryoso kami! Nanakawin ba namin yung poster para sayo kung di kami seryoso. " sagot naman ni Jell.
"Eh alam nio naman di na ko naggigitara at kumakanta diba? Iba na ung hobby ko ngayon. "
"Oo teh, iba na hobby mo! Hobby mo matulala. Tulala anytime and anywhere. Push mo yan ha." pambabara ni Jell sakin.
"Alam mo Katy na hindi totoo yang sinasabi mo. Hindi dahil sa nagbreak na kau ni Sef, kakalimutan mo na yung mga bagay na meron ka at kung ano ka dati." dugtong pa ni Chesca.
Minsan lang magsalita si Chesca sakin sa ganung bagay, alam nya kase na di naman talaga ganun kadali ang mag-move on.
Napagdaanan nya na kase ang pinagdadaanan ko ngayon.
Malaki talaga ang pasalamat ko sa dalawang to. Kahit anong mangyare hindi nila ko iniwan at hanggang ngayon ginagawa lahat para bumalik ako sa dati.
"Pagisipan mo Katy. Andito kami para suportahan ka dyan. " pangkukumbinsing sagot naman ni Jell sa akin.
"Haaay naku. Sige... Pagiisipan ko pero di ko mapapangako na sasali ako dyan sa contest na yan ha. "
***
Sasali ba ako o hindi?
Nagiisip ako habang hawak hawak ang poster na binigay sakin kanina nila Jell.
Tama ang sinabi ni Chesca.
Kinalimutan ko kung ano ako dati.
Tama sya.
Hindi porket nasaktan tayo ng isang tao ay kelangan na nating ibaon sa limot yung mga bagay na ginagawa at nakakapagpasaya satin.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang susi ng isa kong cabinet.
Ito ang unang pagkakataon na hahawakan ko ulit ang gitara ko after ng nangyare samin ni Sef.
Wala naman sigurong mawawala kung susundin ko yung sinabi ni Chesca diba?
***
"